Chapter 39

1.7K 30 2
                                    

My baymax 😊

Nagising sa sakit na nararamdaman dahil sa pamamaga ng mga mata ko.

Tumayo na ako at bumaba patungong kitchen at hinayaan si Maui na matulog muna. Pagpunta ko sa kitchen andun si Sean.Topless.Nagluluto.Suot yung apron ko.

Ganun ba talaga ka-intense?😞 grabe lang. "Gising kana pala! Teka patapos na tong sinangag, Umupo ka muna, gusto mo ba ng kape? Gising naba si Maui?" Tarantang tanong niya, what's with him?

"Sige walang asukal creamer lang. Hindi pa." Sagot ko.

"Ah, ako na gigising-"

"Wag! Mag to-topak yun, hayaan mo siya gigising din yun." Useless ang pagsigaw ko kasi dire-diretso lang siya sa taas at pumasok sa kwarto, bahala siya! Siya mag-alaga kay Maui tignan ko lang kung hindi siya mahirapan.

Halos napaso ang dila ko nang..
"Mommy!!!" Masiglang bati ni Maui na buhat buhat ni Sean, kitang kita ang pagka flex ng muscle niya dahil na siguro sa mabigat si Maui.

Teka nga bat ko ba iniisip ang muscle niya?! Ba-bakit hindi umiiyak to, tuwing gigisingin ko kasi siya ay magmamaktol pero pag naliguan titigil, hindi naman siya mukhang naligo.

"Hindi naman nagtopak eh!" Bulong sakin ni Sean habang nakangisi.

Kainis masyado kang nagmamagaling ha! Makikita mo!

Sa hapag kainan masiglang masiglang nagku kwentuhan ang mag ama ko. Aaminin ko na ang saya nilang tignan, after how many years, i'd never thought sasaya pa ang anak ko ng ganito..

"Dad! Let's go out! School will be on next week! And i wanna enjoy my vacation with you and mom!" masayang wika ni Maui.

"Osige ba. Basta ba payag ang mommy mo?" Mapanuksong tumingin sakin si Sean.

"O-oo naman sige pagkatapos kumain maligo at magbihis kana okay?" Sabi ko, wala naman din akong mabigat na trabaho kaya okay lang.

Nag punta kami sa isang amusement park, hinayaan ko silang magliwaliw at ang anak ko ay enjoy na enjoy sa piling ng kanyang hinayupak na ama, ano ba to feeling ko out of place ako.

Pareho kasi silang lalaki at syempre magkakasundo sila sa mga bagay bagay.

"Halika na! Para kang tuod diyan! Sinama ka namin hindi para manuod!" Hila sakin ni Sean.

"Eh! Ayoko! Okay na ako dito mapapagod lang ako dyan." Umirap ako sa kawalan at tinignan si Maui.

"Halika na napaka arte neto, dali na babe."

A-ano?!

"HOY HINDI AKO MA-ARTE AT WAG MO AKONG MATAWAG TAWAG NA BABE DYAN!"

"Hahalikan na kita pag di ka pa tumigil!" i made face at dumila sakanya Bleeh loser. Pikon.

Hinablot kona si Maui at lumayo doon alam ko namang susunod sya eh, alas onse na din at tumitirik na ang araw, nagtuturo naman si Maui sa mga nadadaanan naming street foods.

Binilhan ko sya ng hotdog, bumili ng pizza si Sean at kumain sinubuan niya ang anak ko. "Si mommy din dad"

Sinabi ng anak ko ng wala sa isip habang kumakagat sa hotdog nya.

Inabot saakin ni Sean at akmang susubuan ako pero kinuha ko na lang sa kamay niya.

Ano teenegers?! Pa- tweetums? Dina uy yakadudels 😂😝

Napagpasyahan namin na manood ng sine bandang ala una ng hapon pagkatapos kumain ng lunch. Puro romance kaya mas pinili namin yung cartoons na panoorin para kay Maui.
BIG HERO 6 YAAY!
Si baymax.

Naiiyak ako sa part na sinasabi nya kay hiro na andun pa at hindi pa patay si tadashi.

Sana may totoong baymax noh? Yung maghihilom ng sugat mo at papawi sa sakit na nararamdaman mo, yung ibibigay nya sayo ang best kahit mahirapan sya at mawala sa mundo para sayo.

Inlove with the FuckboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon