Now Playing Always by Yoonmirae
Favorite nyang kantang yan. May naalala daw sya kapag napapakinggan nya daw yan eh. At alam kong hindi ako 'yon.
Tinitingnan ko lahat ng pictures naming dalawa.
Sa Subic
Sa Boracay
Sa first zip line namin
Sa first kiss ko sa kanya. Oo hinalikan ko sya. Nagulat sya syempre. Ninakawan ko sya ng halik eh.
Pag tiningnan mo lahat ng pictures namin akala mo couples kami. Akala mo kaming dalawa lang ang pumunta dun. Pero ang totoo....company outing nila 'yon. Nakikisali lang ako makasama lang sya.
''Masyado ka nang nabulag sa pagmamahal mo sa kanya.''
Inistop ko yung music.
''Nalimutan mo ng mahalin ang sarili mo.''
Biglang nagflashback yung mga sinabi nung lalaki na yun. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya. Should I call him the who?
Bumalik ulit ako sa lugar kung san ko sya huling nakita. Huling nakausap. At binasted. Sinaktan. Iniwan.
Pinikit ko ang mata ko at finlashback ang lahat ng nangyari nung araw na 'yon.
Pagdilat ko may bumagsak na naman na luha. Ang hirap magmove on. It's been 1 month since that day. Since that first broken heart.
''Ang ganda ng sunset tapos ganyang ang mukha mo. Smile.''
Napalingon ako.
Si the who.
''Paano mo sya makakalimutan kung palagi kang bumabalik dito? Sinasaktan mo lang ang sarili mo.''
Pano nya nalaman na palagi akong napunta dito?
''It's hard. Super hard. I can't.''
''You can. If you let yourself.''
''Nainlove ka na ba?'' Tanong ko.
''Yes. But I left her.''
''Why?''
''I'll tell you but first let's get something to eat.''
Hindi ko alam pero sumama ako. Ewan ko msyadong magaan ang loob ko sa taong 'to.
