''Mahal kita.''
''Thea.''
''Mahal kita More. Sobra. Kaya kong gawin lahat para sayo. Please. Give me a chance. You are my everything.''
''Thea. Alam mo naman na si Rena ang mahal ko.''
Para akong tanga nagmamakaawa na mahalin ng isang lalaki na hindi naman ako kayang mahalin.
''More. Please.''
Hindi sya sumagot. Hinawakan nya ko sa balikat at tsaka umalis.
Ganito pala ang pakiramdam ng broken hearted. Yung parang pinipiga yung puso ko sa sakit. Tapos ayaw tumigil ng luha ko. Nakakapanghina.
''Sobrang hirap ba kong mahalin? Ginawa ko naman lahat ah. Palagi akong nasa tabi nya kapag kailangan nya ko. Kahit hindi nya ko kailangan nasa tabi pa rin nya ako.''
''Ako ang nagaalaga sa kanya. Alam ko na bawal sya sa hipon. Hindi sya sanay matulog ng walang kumot. Matakaw sya sa tubig. Mahilig sya sa mga kdrama. Pinakafavorite nya yung Descendants of the sun. Wala syang buhok sa kili kili. At ako lang ang nakakaalam na may elephant mole sya sa braso. Ako lang. Kaya dapat ako lang ang minahal nya. Ako lang ako l--''
Napatigil ako sa pagsasalita dahil may nagsalita sa gilid ko.
''Tanga ka.''
''Bakit?''
''Kung alam mo na nung una pa lang na wala syang feelings para sayo dapat hindi mo na inubos ang oras mo sa kanya.''
''Ginusto ko 'yon eh.''
''Alam mo maiksi lang ang panahon. Marami pa dyang iba. Makakakita ka rin.''
''Na katulad nya. Never akong makakahanap ng katulad nya.''
''Hindi mo lang binubuksan ang puso at mata mo sa iba. Masyado kang nabulag sa pagmamahal mo sa kanya. Nalimutan mo na rin mahalin ang sarili mo.''
''Ang hirap kasi. Kapag mahal na mahal mo tapos may mahal na iba. Sobrang sa--kit.''
Naiyak na naman ako.
''Kalimutan mo na sya. Lahat ng ala ala na meron ka sa kanya burahin mo na.''
''Mahirap 'yon. 9 years ko syang minahal at sinamahan sa lahat.''
''9 years. Grabe ang tagal nun ah. Tiwala lang makakamove on ka rin.''
Hinagod nya 'yong likod ko. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko makita 'yong mukha nya. Nanlalabo kasi 'yong paningin ko dahil sa luha na patuloy sa pagagos. Walang tigil.
Pagkatapos nya kong pangaralan at icomfort ay umalis din sya agad.
Kinuha ko 'yong bag ko para habulin sya. Pero paglingon ko wala na sya. Pati ba naman sya iiwanan din ako. Lahat na lang ba ng lalaki? Magpakalalaki na lang kaya ako?
![](https://img.wattpad.com/cover/70040263-288-k540982.jpg)