Dalawang araw bago nagising si More. Andun ako ng magising sya.
Nagvolunteer ako na magalaga sa kanya pero ayaw nya. Si Rena na lang daw. Alam ko naman yun iniiwasan na nya ko para hindi na ko umasa.
Sinabi ko din sa kanila na buntis si Rena.
Magiging tatay na sya. I'm happy for them pero sinasabi ng puso ko na hindi.
***
Paguwi na paguwi ko bumulagta agad ako sa kama ko. Namiss ko 'to. Pano ba naman dalawang araw akong natulog sa matigas na upuan ng ospital na 'yon.
Naalala ko yung binigay sakin ni Jino. Bakit kaya nya ko pinapapunta? Bka address ng bahay nya?
Bukas ko na lang siguro pupuntahan. Nakakapagod eh. Dalawang araw din akong hindi naligo. Pati skin care routine ko nasira. Ang haggard ko na.
***
''Tao po.''
Andito ako ngayon sa address na pinapapuntahan ni Jino.
Maya maya bumukas yung pintuan. Isang babaeng mahaba ang buhok at mukhang nasa idad 40 plus na. Baka nanay nya.
''Thea?''
''Kilala nyo po ako?''
''Oo naman.''
''Paano po?''
''Pasok ka muna.''
''Bakit ka nga pala pumunta dito? Naaalala mo na sya?''
''Po?''
''Pumunta po ako dito kasi pinapapunta po ako ni Jino dito. He give me this address.''
Parang nagulat pa sya sa sinabi ko.
''May problema po ba?''
''Thea matagal na patay si Jino. Boyfriend mo sya. Naaksidente kayo nun. Napuruhan sya at ikaw naman nakasurvive ka pero nagkaamnesia ka.''
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Matatakot ba ko? Masasaktan ba ko?
''Pero nakasama ko po sya ng ilang araw. Nananakot po ba kayo?''
May kinuha sya sa cabinet at iniabot sakin.
Death certificate ni Jino.
OMG.
Bigla kong naalala yung picture naming dalawa. Agad ko yung hinanap sa gallery ko at yun bumungad sakin ang picture ko. Magisa lang ako. Walang tao sa tabi ko.
Kaya pala hindi nya ko kinakausap kapag nasa maraming tao kami. Kaya pala kinausap nya ko sa parking lot. Kaya pala ayaw nyang kumain. Kaya pala nagtitinginan sakin yung mga tao. Kasi all this time magisa lang pala ako sa paningin ng lahat. Ako lang ang nakakakita sa kanya.
So ako din yung 'The one' nya. And that infinity tattoo belongs to me.
