Part 3

3 0 0
                                    

***
Grocery store

''Ah bakit dito tayo pumunta?''

Hindi nya ko sinasagot. Ako pa pinagbitbit nya ng basket. Ayos 'to ah gentledog.

Nakakainis!

''Teka nga. Naiinis na ko ah. Wag na dito may mga fast-food chain naman dyan eh. Hindi naman tayo magpipicnic.''

He give me a don't-talk-to-me-please look. Ano ba yan ang gulo naman netong the who na 'to.

Binitawan ko yung basket at hinila sya papuntang Jollibee.

''Bakit dito?'' Natataranta nyang tanong.

''Kasi dito dapat. Don't worry treat ko.''

Pagkaorder ko tinarayan ko pa yung cashier na lalaki. Gutom na gutom daw ako masyado. Eh dalawang spaghetti lang naman binili ko. Weird.

''Itadaikimasu!'' Sabi ko tsaka kumain.

Hindi na naman sya namamansin. Hindi rin nya kinakain yung spaghetti nya.

''Ayaw mo ba?'' Tanong ko.

Umiling sya kaya kinuha ko yung spaghetti nya. Matakaw na kung matakaw favorite ko 'to eh.

Habang kumakain ako napatingin ako kay the who nakatingin sya sakin at nakangiti.

''Bakit?''

Nagtinginan yung mga tao sakin. Bakit masama ba magsalita? Grabe mga tao ngayon ang weird.

''Ang cute mo kasi kumain. Di ka pa rin nagbabago.''

''Huh? Di nagbabago? Bakit nagkakilala na ba tayo dati?''

''Ah bilisan mo dyan ikekwento ko na sayo.''

''Sige ikwento mo na.''

''Hindi dito.''

''San?''

''Sa walang tao.''

''Bakit complicated ba?''

''Basta.''

''Okay.''

Napatingin ako sa mga tao na kumakain. Patingin tingin sila sakin. Maganda ba ko?

***
Parking lot

''Bakit dito tayo?''

''Mas okay na dito.''

''Takot ka ba sa tao?''

Nagulat sya sa tanong ko.

''Haha just kidding.''

Napakamot sya sa batok nya. Napansin ko may infinity sign na tattoo sya sa kamay nya.

''Infinity.'' Sabi ko. Parang may naalala lang ako. Pamilyar eh.

''Ah connected 'to sa kanya.''

''Kay the one?''

Tumango sya.

''So spill it out.''

''Ah. Okay. By the way kanina pa tayo magkasama hindi pa rin tayo magkakilala. I'm Jino. And you are?''

''Thea.''

''Thea. Nice name. So eto na ikekwento ko na. Yes nainlove na ko. I met her at the canteen. Wala kasi akong maupuan puno na kaya umupo ako sa tapat nya. Matakaw sya sa spaghetti.''

''Ah kaya siguro napangiti ka sakin kanina naalala mo sya.''

''Since then palagi na kaming sabay kumain. Ako pa ang nagbabalat ng saging nya. We were so happy until that accident happen.''

Nagaantay pa ko ng susunod nyang sasabihin pero wala na syang sinabi. At dahil I have respect on him hindi ko na lang sya kinulit. Baka masakit pa. Baka hindi pa sya nakakamove on.

''Oh ikaw naman.''

''Jino sa tingin ko hindi ko na kailangang ikwento parang alam mo na naman eh.''

''Haha yeah.''

''Ewan ko nga bakit hindi ako nagalit sayo nung sinabihan mo kong tanga nun. Tapos ang dami mo pang pangaral. Pwede ka na magpari.''

''Pwede rin haha!''

''Picture tayo?'' Alok ko.

''Ayoko.''

''Dali na.''

Nagpose din naman papilit pa.

''Ah wait Jino may tumatawag.''

''Sige.''

''Hello.''

(Thea. Naaksidente si More.)

''Sige text mo sakin kung sang ospital. Papunta na ko.''

Nanginginig ako sa kaba kaya nabitawan ko yung cellphone. Biglang lumabas yung picture namin kanina ni Jino.

Napatakip ako sa bibig ko ng makita ko 'yon. Pero bigla kong naalala si More. Kaya binilisan ko. Pagbalik ko sa pwesto namin kanina wala na si Jino. Pero may iniwan syang note na nakadikit sa salamin ng kotse.

To Thea:

Please go to these address.

11 Purok 2 Cupang, Antipolo City

Tiniklop ko yung papel at nilagay sa bag ko at kumaripas ng takbo para makasakay ng taxi. Kailangan ako ni More.

He's With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon