Ibong Adarna Script

142K 797 360
                                    


Author's NOTE: I WON'T GIVE SOFTCOPIES TO THOSE WHO ARE RUDE TO ME! I POSTED SA NEXT CHAPTER KUNG SAAN NIYO AKO MAMI-MESSAGE ( SA FB MESSENGER LANG) PERO PLEASE NAMAN DON'T DEMAND LIKE "I-SEND NIYO NGA YUNG SOFTCOPY NG IBONG ADARNA".  Please lang talaga. I made this available to help sana but please be kind.

Another thing, I'll be thankful enough if you can at least give votes or views to my other stories. I am on hiatus but I'll still appreciate those votes. Equal exchange for softcopy, right? :)👍❤ or you can donate a peso, five pesos or any amount through my Gcash# 09279300700. Help a struggling college student out. Hahaha. Amen. PM me.

if tamad talaga kayo magNext Chapter, dito na lang. Send me a PM in facebook at

https://m.facebook.com/jnyx.bolivar

through facebook lang ako nagbibigay kasi finoforward ko na lang yung file, i don't have the file in my laptop any longer.
-----

Tauhan: Fernando, Valeriana, Pedro, Diego, Juan, Matanda, Manggagamot, Ermitanyo, Ibong Adarna, Juana, Higante, Leonora, Serpyente, Agila, Maria, Salermo, Negrito, Negrita,

Scene 01:

Reyna: Ano ang sinapit ng aking mahal na hari?

Mangagamot: Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo mahal na reyna ngunit nasa kritikal na kondisyon na ang sakit ng hari.

Reyna: Bakit? Ano ang naging sanhi ng kanyang hindi maipaliwanag na sakit?

Mangagamot: Ang sakit ng hari ay dulot ng isang masamang panaginip kaya napuno siya kalungkutan at pag-aalala.

Reyna: Ano ang dapat naming gawin upang malunasan ang ganitong sakit?

Mangagamot: Isa lamang ang maaaring lunas at iyon ang awit ng isang mahiwagang ibon, ang Ibong Adarna. Ang Adarna ay makikita sa punong Piedras Platas sa kabundukan ng Tabor.

Don Pedro: Amang Hari at Inang Reyna, bilang panganay sa tatlong magkakapatid, nagkukusa ko pong hinihingi ang inyong bendisyon upang ako'y payagang maglakbay, hanapin at dalhin sa Ibong Adarna sa inyong tabi.

Scene 02:

Reyna: Mahigit ilang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring balita sa aking panganay na si Pedro. Ako at ang inyong amang hari ay lubusang nag-aalala sa kung anumang pwede niyang sinapit.

Diego: Inang Reyna, huwag kang mag-alala. Bilang pangalawang panganay ay susundan ko't hahanapin ang aking kapatid na si Pedro, gayundin ang Ibong Adarnang kailangan ninyo.

Scene 03:

Juan: Amang Hari at Inang Reyna, tatlong taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang aking mga kapatid. Kung inyo pong mararapatin, ako po'y pahintulutan ninyong sumunod at hanapin ang Ibong Adarna na siyang maglulunas sa sakit ng amang hari.

Hari: O, aking bunsong anak, kung ikaw ay mawawala sa aking tabi at paningin at tiyak kong ikakamatay.

Juan: Ngunit, amang hari, kahit po ako'y pigilan, kahit anong mangyayi ako'y aalis pa rin upang hanapin ang Ibong Adarna kahit pa palihim.

Hari: Wala na talaga akong magagawa kung ang desisyon mo ay buo na.

Juan: Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.

Scene 04:

Matanda: Maawa po kayo sa akin, Ginoo. Kung may pagkain kayo riyan ay pwede ko bang mahingi? Kahit kaunti lamang ay sapat na. Ilang araw na akong hindi nakakain. Pangako ko sa iyo na papalitan ko ng kahit ano ang iyong maibibigay.

Juan: Ako nga po ay mayroong natitirang isang tinapay na baon sa aking paglalakbay. Ito po at tanggapin ninyo at ako'y busog pa naman.

Matanda: Salamat. Salamat. Maraming salamat, Ginoo. Sana'y ikaw ay ipagpala. Kung hindi man ninyo mamasamain ay maaari ko bang tanungin kung ano ang inyong pakay sa inyong paglalakbay at baka kayo ay aking matulungan.

Ibong Adarna Script for PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon