Warren's P.O.V:
"Let the party, begins.."
Inaabsorb pa lahat ng aking utak kung sino ang babaeng nakatayo saamin ngayon. Bago pa niya kami sugurin ay napahinto siya. Ano na naman bang binabalak niya?
"*iling* *iling* nakalimutan ko pala. Diba sabi ko gagawa tayo ng deal bago tayo magsimula? Kapag nanalo ako, wag na wag niyo na akong guguluhin pa"
Yan lang ba? Tss.
"Tch. Simple. Eh ano naman kapag nanalo kami?" Tanong ni Andrew habang nakangisi
"It's up to all of you *smirk*"
It's up to all of us pala ha. Humanda ka saakin. Wala akong pakialam kung babae ka pa. Ituturing kitang kalaban.
Unang sumugod si Jason at akmang susuntukin niya si nerd pero walang kahirap hirap niya itong sinalo gamint ng kanyang kanang kamay na ikinagulat ni Jason. Binigyan kaagad ni nerd si Jason ng isang malakas na suntok sa sikmura ng dahilan para mapaatras si Jason at nawalan ng malay...
How did she-- ugh!! Napatumba niya na lang si Jason ng ganun ganun na lang?! Pinapakulo niya talaga ang dugo ko kahit kailan!
"Tsk tsk. Ni hindi man lang ako nakapag galaw galaw man lang" pagmamayabang niya.
Halatang naiinis si Jess sa nangyari sa kapatid niya. Isa sa pinakaayaw ni Jess ay yung sinasaktan ang mga mahal niya sa buhay. Kaya kahit ganun lang yung ugok na jason na yun, mahal na mahal yan siya ng kakambal niya."Ang pinaka-ayaw ko sa lahat, ay sinasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Kaya humanda ka! " Biglang sinugod ni Jess si nerd at nag taas lamang siya ng kilay habang natatawa.
"Wooah wooah! Calm down Mr. Lee, pinatulog ko lamang ang kapatid mo. Wag kang magalala. Ligtas yan kay kamatayan." Cool niya pang sabi habang iniiwasan ang mga suntok ni Jess. Wala akong makitang kahit na ano na takot sa mukha ng babaeng yun. Nahihibang na ba siya?! Di niya ba alam na galit na galit na si Jess ngayon?!
"Wag mong mamaliitin ang kapatid ko. Lalaong lalo na kami! Kaya ihanda mo na ang sarili mo sa pagkatalo!"
Sigaw ni jess sakanya sabay nag pakawala ng isang suntok. Habang si nerd naman ay nakapamulsa lang habang iniiwasan si Jess
"Warren! Ano! Tara na! Resbak na tayo oh!" Pangungulit ni Andrew
"Hahanap pa tayo ng tyempo. Hayaan muna natin sila"
"Pero War--"
"Tahimik"
At natahimik na lang si Andrew habang pinapanood ang dalawa.
"Ano! Lumaban ka! Wag ka puro iwas! Minamaliit mo ang kalaban mo!"
Napataas lang ng kilay si nerd at hinihintay na susuntok ulit si Jess. Pagsuntok ni jess sakanya ay naiwasan niya yun sabay hila ng kanyang kamay na isusuntok ng dahilan para mapasubsub siya sa sahig. Malakas kasi ang pinakawalang suntok ni Jess kaya na palakas rin ang sub sub niya sa sahig. Ito ay isang uri ng self defense na ginagamit laban sa lakas ng kalaban mo.
(A/n: hehehe sana naintindihan niyo. Credits to my brotha XD)
Ibang klase.
"Walangya ka!" Mabilis na tumayo si Jess at susugod pa sana siya ng inunahan siya ni nerd. At mabilis pa sa alas-kwatro ay nakahalundasay na siya sa sahig malapit sa kanyang kapatid.
Sa sobrang bilis ng pag-atake hindi ko nakita ang kanyang ginawa
"Pressure points."
Biglang salita ni Haven. Kaya nagkatinginan lang kami ni Andrew.
![](https://img.wattpad.com/cover/46726164-288-k606533.jpg)
BINABASA MO ANG
Rose : The Secret Mafia Princess
AcciónShe's Rose Von Knight, She is a mafia princess she's cold she's beautiful she has no friends she gets what she wants she loves deadly weapons and she's rich like hell but if one day, she will meet Warren Anderson? the former leader of 'The Deadly ki...