Chapter 10- sobrang selos XD

430 9 0
                                    

 At dahil nga sa nangyari ay minabuti nang umalis ni Dawn sa bahay na iyon dahil baka mas lalo pang lala ang sitwasyon kung mananatili pa siya doon. Nakarating si Dawn sa kanyang tinitirhan dahil inihatid siya ng driver nina Richard.

“Salamat po sa paghatid kuya, pakisabi na lang po kay Kathy na umalis na ako” Dawn.

“Sige po ma’am, aalis napo ako” Kuya driver.

Pumasok si Dawn sa kanyang kwarto at tuluyan nang napahiga sa kama at hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang nangyaring conversation nila ni Richard.

“Grabe pala ang nasabi ko kay Richard,  parang feeling ko tuloy ay ang sama2x kona sa kanya, siguro dapat ay magsorry ako bukas.. ang mas mabuti pa siguro ay gawan ko siya ng sandwich total parang nagustuhan naman niya yung bigay kona sandwich sa kanya nung dati.. tama . ganun na lang, pang peace offering lang.”

KINABUKASAN . .

Maaga pa lang ay gising na si Dawn dahil gusto niyang mauna sa opisina para maihanda na niya ang pang peace offering na ibibigay niya kay Richard.

Sa Gomez Wine Company

“Good morning po ma’am” bati sa kanya ng janitor.

“Good morning din po kuya ;)” masayang bati ni Dawn.

“Bakit parang an aga niyo naman pumasok ma’am?” Janitor.

“Ah.. eh.. wala naman marami kase akong hindi natapos na works, kaya dapat ko nang gawin ngayon para hindi na mag hang pa” Dawn.

“Oh, cge po ma’am una na ako, may gagawin din po kase ako. Ingat po m’am.” Janitor.

“Oh, cge kuya Ingat din” Janitor.

Sumakay si Dawn sa elevator at pagkarating nito sa 3rd floor ay nagpatuloy ito sa paglalakad papunta sa kanyang table.

“Hey, Dawn! Good morning” bati sa kanya ni Alice.

“Good morning din sayo Alice, wala pa bas i sir?” Dawn.

“Wala pa eh, I think after mga 1 hour nandito na yon.. teka lang? bakit ang early mo naman pumasok?” pagtatakang tanong ni Alice kay Dawn.

“Ah.. may gusto lang kase akong ilagay sa opisina ni Richard, mga paper works lang” Dawn.

“Ummm.. I believe hindi mo yan magagawa” Alice.

“Bakit naman?” Dawn.

“ Kase siya lang ang unang nakakapasok sa kanyang opisina, at taska siya lang may susi diyan” Alice.

“Ah ganun ba, ang mabuti pa siguro ay hintayin kona lang siya na makarating” Dawn.

“Mabuti pa nga.. anyway malapit na din nman at paparating na yon” Alice.

“Ah sige” Dawn.

“Maiwan muna kita ditto ah, may gagawin din kase ako, kailangan na kasing mtapos to’ ngayon, okay ka lang ba ditto?” Alice.

“Oo naman, wag kang magalalasa akin” Dawn.

“Oh sige, una na ako’’ Alice.

“Sige! J” Dawn.

Lumipas ang isang oras ay nakarating na nga si Richard, babatiin sana siya ni Dawn pero tila hindi siya nakita ni Richard at dinaanan lang siya nito. Pero hindi sumuko si Dawn at sinundan niya ito sa opisina para ibigay ang pang peace offering niya ditto.

“Yes Dawn? Ano ang kailangan mo?” tanong nito habang umupo sa kanyang office chair.

“ Ummm… Richard gusto ko lang sana na magsor-----“ hindi natuloy ang sinabi ni Dawn dahil bigla nang nagsalita si Richard.

It Might be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon