Temporary Wonderland

5 0 0
                                    

Nakakailang buwan na rin noong nagkaroon ng tayo. Apat na buwan na puno ng pagmamahalan at ng kasiyahan. Punong puno tayo ng pangako at pangarap. Punong puno ng adventures at away. Ganon yung "tayo". 

Mahilig ka sa sweets. Mahilig ako sa salty.

Mahilig ka sa extreme. Mahilig ako sa cool lang.

Blue ka red ako.

Black ako white ka.

Ganito tayo. magkaiba

Pero sa kabila nito nagawa nating tanggapin yung differences natin. Nagawa nating lagpasan yung mga bagay na akala ko ikatitibag ng "atin".

Masaya ako dahil nagkaroon ako ng isang gaya mo na bumuo ng missing part ko. Na ipinakita sakin yung mundong hini ko nakita at naramdaman sa buhay ko. Ipinakilala mo ko sa isang magandang mundo.

Marami tayong bagay na alam na sa isa't isa dahil kahit sa maikling panahon ay malalim na ang ating pinagsamahan. Nagmahalan tayo. 


Pero hindi ko naman alam na temporary lang pala yung wonderland ko.

Totoo pala yung isang araw magigising na lang siya na iba na ang mahal niya. Iba na ang hinahabol niya. Iba na ang kailangan niya. 

Iba na.

Napakasakit sa part ko. Na mawawala na lang ng isang iglap yung taong minahal ko ng sobra. Na ginawa ko ang lahat. Na harapin ang mga kinatatakutan ko para lang s kanya.

Pikit mata kong tinatanggap ang lahat ng sakit. 

Pero hindi talaga kami ang tinadhana.

Hindi ko na hahabulin pa siya. 

Magpapakatatag ako. Na handang maging kaibigan na lang sa kanya. 

Na hanggang dito na lang yung role ko bilang taong minsang nagpatibok ng puso niya.

Nagpapasalamat na lang ako na minsa'y akong nakaramdam ng pagmamahal na matagal kong inaasam.

Sa tagal kong inintay at panandaliang naranasan.

Sa araw na ito'y ikaw ay nag-paalam.

Lumuluha ka at ako'y pilit ngumingiti para mapakita sayo na okay lang ako.

Dahil salamat sayo. Binigyan mo ko ng panibagong mundo.

Mundong hindi tinadhana na maging "tayo".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon