Ayokong bumaba! Eh kasi naman, ako yung magtatapon ng basura ngayong gabi. Tinatamad ako!
"Oo na! Eto na! Bababa na!" Padabog na man akong bumaba. Pag baba ko naman, mas lalo akong nainis dahil sinalubong naman ako ng nakakainis kong kapatid ng isang mapang asar na mukha.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Good evening!" Bati niya sa akin. Psh. Inirapan ko na man siya at deretsong pumunta sa kitchen para kunin yung basura.
Kami lang ng kambal kong element ng periodic table, si Xenon, ang naninirahan dito sa bahay namin. Wala na kasi kaming mga magulang at tanging 'tong bahay at lupa lang ang natira sa amin.
"Ingat ka, aking kapatid! Muah! Hahahaha!" Hirit niya pa. Kainis talaga yang si Xenon. Naku! Kung hindi lang siya yung nagpapaaral sa akin, edi iniwan ko na siya! Dejuk lang. Mahal na mahal ko kaya yang kapatid ko. Siya na lang ang meron ako. Cue background music! Juk lang.
Sa wakas ay nakarating na ako at tinapon ko na yung basura. Di naman talaga siya ganun ka layo. I think 20 steps lang. Uuwi na sana ako nang may narinig akong ingay. Galing dun sa likod ng pader. May box naman akong nakita kaya naisipan kong pumatong para makasilip.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
May nakita akong apat na lalakeng nakatayo at isang lalakeng nakahiga habang paubo ubo. Yung isa ay isang pulis. Yung isa naman ay hula kong ang lider. Mukha kasing siya yung nag uutos. Tapos yung dalawa naman ay pinagpapadyak nila yung lalake.
Bumunot ng baril yung leader. Hindi ko inaasahang iputok nya 'to.
Gustong gusto ko nang humingi ng tulong pero natatakot ako at alam kong wala nang masyadong tao dito.
My heart skip a beat when the guy which I assume na yung leader ay napatingin sa akin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.