Case 3

19 3 0
                                    

After a week.
5:30 AM

Shet! Ang sakit ng puson ko. Aish!

Kahit masakit talaga puson ko, tumayo pa rin ako. Tapos binuksan ko yung ilaw. Tumingin naman ako sa bedsheets ko at oh no! Dugo everywhere!

Dali dali akong pumunta sa banyo para makapaglinis. Buti naman may pads dito.

Pagkatapos ay pinalitan ko yung bedsheets. Naku! Nakakahiya naman, kaya ako na lang maglalaba nito.

Humiga na ako at pumikit na. Gusto ko nang matulog ulit pero ang sakit talaga! May pasok pa naman ako mamaya. Aish.

Narinig ko na yung alarm clock ko, hindi ko pa rin nagawang matulog. Ibig sabihin, 1 hour na lang at papasok na ako. Pero ang sakit pa ng puson ko eh. Pero nakakahiya naman kay Ate, baka isipin niyang ang tamad ko. Sya na nga ang nag-papaaral sakin tas magtatamad-tamaran ako.

Humiga muna ako ng mga 5 minutes at tumayo na kahit ang sakit pa rin ng puson ko. Naligo na ako at nagbihis. Tapos bumaba na.

Naabutan ko si Ate na nakaupo na. Nginitian nya ako.

"Breakfast is ready! Halika na." Umupo naman na ako. I'm acting like hindi sumasakit puson ko. Ang hirap pa lang umarte. Aish.

"Ate, wala ka po bang pasok ngayon?"

"Nope. Off muna ako ngayon at bukas. Tapos balik na naman sa work." Tumango tango na man ako at nagsimula na kaming kumain.

Nag insist syang ihatid ako kaya ayun. Atsaka matagal pa kaming magkikita ulit.

Yung naisipan nya kasing school na perfect sa akin ay yung school na dormitory. Makakauwi lang kami sa Christmas break or holidays.

"Good luck, sis! Pakabait ka huh! Tawag tawag din. Mamimiss kita" Nginitian ko naman sya at nagyakapan na kami bago lumabas na ng sasakyan. Dala dala ko dalawang mabibigat kong maleta atsaka isang bag na pwede kong dalhin saan saan.

Nagwave ako sa kanya at hinintay ko munang makaalis sya bago pumasok. Before pa ako makatalikod para makapasok, may nakabangga sa akin.

"Shet naman! Bulag ka ba? O sadyang tanga ka lang?" Kabismud huh! Meron pa naman ako ngayon.

"S-sorry miss." Para syang gulat na gulat paglingon nya sakin. Aba, gulat pa syang may nabangga sya? Eh kung hindi pa naman sya tanga! Wag ngayon kuya! Wag ngayon. Tsk.

Inirapan ko na lang sya at umalis na. Baka masapak ko pa eh. Pero shet lang talaga, parang ang lakas bumuhos nung ano eh. Baka magkastain pa yung uniform ko.

Tiningnan ko yung oras sa phone ko. Ayos! May 20 minutes pa. Magpapalit lang ako. Nagtanong ako agad sa guard kung saan yung cr.

Pumasok agad ako sa isa sa mga cubicle. Bale may 5 cubicles dito sa cr. Oo, malaki talaga sya. Habang nagpapalit ako ay may narinig akong pumasok sa tabi ng cubicle ko. Mukhang nagmamadali sya. Ihing ihi na siguro.

*WSSSSSSS*

YUP. Ihing ihi nga sya. Pero grabe lang! Ang ingay nyang umihi.

Kasabay ng pagbukas ko ng pintuan ang pagbukas din nung nasa tabi ng cubicle na pinasukan ko. Pagtingin ko sa taong ang lakas makasound effect kapag umiihi...

"Kyaaaaaaaaah!"

Ako yang tumili! Alangan naman kung yung lalake, diba? Oo! Lalake nga! Wala akong ibang hawak kundi yung napkin ko lang kaya yun ang naitapon ko sa kanya.

Bago pa sya makareact ay tumakbo na ako palabas. Bastos talaga! Paraparaan! Kunyare, naiihi na talaga! Shet lang! Hokage bwisit!

Pinilit kong ialis sa isipan ko yung lalakeng yun. Baka mabad trip ako buong araw ngayong first day of my new school. Pumunta ako sa grounds kung saan nagtipon tipon lahat ng mga estudyante.

KirāTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon