~*~*~
2 months later.
Jae's POV
Katatapos lang ng part time job ko at papunta na ako ngayon sa ospital. Ngayon kasi lalabas ang kapatid ko.
Nagmadali akong pumunta kung saan siya nakapwesto. Pinalipat kasi siya.
"Kuya!" Napalingon ako sa batang sumigaw. Makulit na batang sumigaw. Nginitian ko naman siya tapos umakma akong umalis ulit.
"Kuya naman eh!" Nilingon ko ulit si Jeno tapos kunot noo ko siyang tinanong,
"Ikaw ba yung kapatid ko? Yung panget kong kapatid? Yung ang kulit kulit at matakaw?" Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Baka hindi po ako kuya, gwapo po kasi ako. Napakabehave ko po at nagdadiet na ako."
Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga. Lumapit ako sa kanya at ginulo ko buhok niya.
"Kuya naman eh! Talagang inayos ko 'yan dahil sa wakas, makakalabas na ako." Napahinto naman ako at tiningnan siya ng nakakaloko.
"Ano?" Inis na tanong niya. Agad ko namang inamoy amoy yung kili kili niya.
"Binata ka na?" Pinagsusuntok niya naman ako. Hahahaha! Halatang hiyang hiya na. Kurtina lang kasi ang tanging harang sa bawat kama kaya malamang naririnig kami ng ibang tao ngayon.
Natigil kami nang may dumating na doktor at mga nurse. Yung nurse kasi, sumisigaw ng may nagising na daw.
Takte. Baka nagising naming magkapatid. Mamaya baka mapagalitan kami.
"Jeno! Dali, kunin mo na lahat ng mga kagamitan mo. Alis na tayo." Agad naman siyang kumilos.
"Ikaw kasi kuya, ang ingay mo!"
"Bilisan mo na nga lang!"
Napansin kong dumami yung mga nurse sa tabi namin. Mukhang katabi lang namin yung nagising. Sabi na nga, kami talaga dahilan kung ba't nagising.
Pero di ba ang grabe lang ng reaksyon nila?
At dahil ang tagal mag ayos ng gamit ni Jeno at likas na rin sa akin ang pagiging tsismoso, sumilip ako sa kabila. Hinawi ko ng konti yung kurtina at nakita ko yung babaeng nakahiga. Nakakunot noo itong tumingin sa mga pumapalibot nito.
"Kuya! Tapos na ako, dali na." Tinanguan ko naman siya at tumakbo na kami paalis.
~*~*~
Xion's POV
Isang lalakeng nakatayo na nakatingin sa akin. Nakakatakot ang tinging niya.
Pero bakit? Bakit hindi ko masyadong kita yung mukha niya? Pero siguradong sigurado akong nakatingin siya sa akin.
Bigla akong napamulat tapos hinihingal ako. Nagulat ako nung may biglang sumigaw.
"Gising na siya!"
Ilang minuto ang nakalipas at ang dami nang pumaligid sa akin. Sino sila? Nilibot ko paningin ko at puro puti ang nakikita ko. Pati yung mga kasuotan ng mga pumapalibot sa akin. Pati suot ko ngayon, puti rin. Langit na ba 'to?
Teka. Bakit naman ako nasa langit?
May nakita naman akong dalawang lalake na tumakbo. Galing sila sa right side ko. Parang may humahabol sa kanila. Dapat din ba akong tumakbo?
"It's good to see that you're finally awake after 2 months and you're fine." Sabi ng babae sa tabi ko. Hinawakan niya yung mukha ko tas nginitian niya ako. Napakagandang ngiti. Feeling ko, safe na safe ako.