Prologue

32 5 0
                                    

     Hanggang ngayon, di ko pa rin tanggap na wala na tayo. Dalawang buwan na ang nakalipas nung mangyari yon. Dalawang buwan na ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat ng yon. Tandang tanda ko pa rin yung mga sinabi mo. Ang sakit sakit pa rin.


   'Di ko maintindihan kung bakit ganon lang kadali sayo ang iwanan ako..


Two months ago...



Ang saya ko ngayon.  Kasama ko ang aking pinakamamahal. Ito na ata ang pinakamahabang oras na nakasama ko sya.





" Uy boo.. Dun naman tayo oh.  Last ride natin yung ferris wheel. Diba napakaromantic non? Perfect for the sunset. Let's go?"


            Tumigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong di sya sumunod sakin. Nilingon ko sya at naglakad ulit pabalik sa kanya.


" Boo are you oaky? Uhmm.. Sige wag na lng sa ferris wheel kung ayaw mo."


Di nya pa rin ako kinikibo.


" Boo may problema ka ba? Sabihin mo  sakin baka makatulong ako. "


    Parang di ko gusto yung nararamdaman ko ngayon.


" Camilla.."


Camilla tawag nya sakin. Hindi 'boo'.


"....tigilan na natin to. "


Nabigla ako sa sinabi nya. " Hehe. Pagod ka na po ba? Sige uwi na tayo." pilit na tawa ko.


" No. I mean let's break up. Ayoko na. Di na kita mahal. "



I was taken aback. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Nanghina ako. Ngunit pinilit ko pa ring tumawa. Iniisip ko na  this is just one of his pranks. Na nagbibiro  lamang siya.


" Hehehehe. Boo talaga oh. Wag ka nga magbiro ng ganyan. Malapit na akong maniwala hehe."


Lumapit ako sa kanya at niyakap. Pero tinulak nya ako .


" I mean all of it. Hindi ako nagbibiro. Di na kita mahal. Akala ko di ko na mahal yung ex ko. Ngunit nung bumalik siya..narealize kong siya pa rin pala. Si Nica pa rin ang mahal ko. Believe me minahal din kita pero mas mahal ko si Nica kesa sa'yo. In fact, kami na ulit. Nagkabalikan na kame. Sorry."




And then he walks away..


End of flashback..


  Ang galing noh? Iniwan nya ako ng ganun ganon na lang. Iniwan nya akong luhaan sa theme park. Parang tanga akong umiiyak don at pinagtitinginan ng mga tao. It is supposed to be a place where you can laugh and  enjoy but all I felt was the opposite.



  Walang araw na di ko naiisip ang pangyayaring iyon. At kasabay non ay ang aking pag-iyak. Buti na lang at di nauubusan ng tubig ang katawan ko kakaiyak ko sa kanya. Pilit ko mang magalit at kamuhian siya sa mga nagawa niya sakin ngunit nananaig pa rin ang pagmamahal ko sa kanya..



--




" Caven anak. Baba na. Dinner is ready."



Pinunasan ko muna ang mukha kong basang basa dahil sa nga luha ko.



" Yes mom. Susunod ako."




  At narinig ko ang mga yapak ni mommy palayo sa pintuan ng aking kwarto. Inayos ko ang aking sarili bago bumaba. Ayaw kong mag-alala na naman si mommy sa akin.


Bumaba na ako at umupo sa katapat na upuan ni mommy.


" Kamusta anak? Ok ka na ba? " nag-aalalang tanong ni mommy.

   Napabuntong hininga na lang ako.

" Wag na po kayong mag-alala sakin. Ok lang po ako. I can handle myself." at ngumiti ng pilit sa kanya.


" Ok baby. Basta I am always here for you if you need someone to talk to. " sabi ni mommy.


 Ngumiti ako sa kanya at kumain na. Nag-usap usap muna kami ng sandali bago ako bumalik sa kwarto ko. Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko para bukas. Pasukan na rin kasi bukas eh. 


Makikita ko na naman si Tobi.






~~


Comment. Vote. Share

CavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon