" Caven, wake up! Your alarm keeps beeping kanina pa. You're gonna be late on your first day baby."
Oh my gosh! Kung di pa ako kinatok ni mommy, di pa ako magigising. Bakit ba ako kasi ako nagpuyat?
"Gising na ako mommy! Opo magreready na, hintayin mo na lang po ako sa baba! "
"Okay, but make it faster ha if you don't want to be late. "
Kumakain kami ngayon ni mommy ng aming almusal. Nakabihis na rin si mommy ng pangtrabaho. She is a Geodetic Engineer. Nakapagtayo siya ng sarili niyang firm this year and I'm so happy for my mom. Matagal na niya itong pinapangarap na magkaroon ng sariling firm. Ako naman ay suot suot ang uniform ng aming school.
"Magkaklase pa rin ba kayo ni Liza?"
" Yes mommy. Sabay nga po kami ngayon papasok. Hihintayin nya po ako sa may sakayan."
"Sige mag-iingat kayo ha. At sabihan mo si Liza na bumisita dito. Matagal ko ng di nakikita ang bata na yun. Namimiss ko na."
Liza is my bestfriend. Eliza Jane Yap-Aizon full name nya. We've been friends since forever. Parang kapatid na ang turingan namin. She's the opposite of me. I'm timid while she is the loud one.
"My, I'm done na. Alis na ako. Bye bye."
"Sige nak, gagabihin ako ng uwi. Magoovertime ako. Alam mo namang kailangan kong kumayod para matustusan ang mga pangangailangan natin sa araw araw and to support your medical needs. Kung buhay lang sana daddy mo.."
"I'm sorry mom. Hayaan mo po, pag ako po nakapagtapos, hindi mo na kinakailangang magtrabaho. Ako na po bahala sa atin. Thank you mommy."
"Why are you apologizing? You are my daughter. I will do anything for you anak. Huwag na huwag momg isipin na pabigat ka okay?"
Niyakap ko sya ng mahigpit. Naluluha na naman si mommy. I hate seeing her like that. I really love my mom. She means everything to me. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung pati si mommy eh mawala.
Hindi kami mayaman, hindi rin kami kapos. Sakto lang. Nung nabubuhay si daddy, masasabi kong angat kami sa buhay. Engineer din kasi si daddy. Ang dami nyang projects na nakukuha kaya dati, lahat ng mga gusto ko nabibili nila. Ngayon, kailangang isantabi ang luho. Needs over wants ang sistema.
"Osya baby, baka hinihintay ka na ni Liza. Magiingat kayo ha. I-microwave mo na lang ang mga ulam na to mamaya pag-uwi mo para may makakain ka for dinner. I love you baby."
"Thank you mommy. Ingat ka rin po. I love you too. Bye bye."
Lumabas na ako at naglakad na patungong sakayan. Nagtext na rin kasi si Liza na nandoon na siya.
Malayo pa lang eh tanaw ko ng kumakaway sakin tong bestfriend ko. Napakaenergetic as usual.
"CAVEEEEEEEEN!!!!!! NAMISS KITAAAAAA BAKLAAAAAAAA!!!!"
" Myghad Liza, lower down your voice. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."
"Oo na. Namiss lang kasi talaga kita. Tingnan mo, ang payat payat mo pa rin. Kain kain din ha? Emote ka ng emote sa gagong ex mo. Sorry pala at di kita nasamahan nung nga times na depressed ka ha. Alam mo namang umuuwi kami sa probinsya tuwing bakasyon eh."
BINABASA MO ANG
Caven
RomanceFirst love. First heart break. Pano niya kakayanin ang kanyang unang sawing pag-ibig. Yung akala nyang natagpuan na nya ang kanyang makakasama habang buhay ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at sila'y nagkahiwalay.