CHAPTER 4 Part 1

20 5 0
                                    

It's already 6 o' clock in the evening. Sinabihan ko si Liza na kailangan ko ng umuwi. She agreed but she told me only after we eat our dinner.

Pagkababa namin, Manang Letty prepared the foods we are about to eat on the table. Surprisingly, Anton was still there.


"Bakit nandito ka pa?" tanong ni Liza kay Anton.


"Ayaw ko pang umuwi eh. Besides, paalis naman na din ako in a while. I'll go bar hopping with my friends."


"Manang Letty, where's Mom and Dad?"


"Naku iha, may pinuntahan sila. Kakaalis nga lang nila."


"Is Manong Rene with them?"


"Oo."


"Hala sorry bes. Mukhang magcocommute ka na lng muna. Ihahatid kita hanggang sa sakayan. Pasensya na, di pa ako marunong magdrive eh." pagpapaumanhin ni Liza


"Ayos lang, sanay naman akong magcommute. Di na bago yun hahahahaha."


"Pasensya na talaga ha. Tara kain na muna tayo."


Di pinayagang umalis ni Manang Letty si Anton hangga't sasabay siya sa aming mag dinner. Kaya ayun, sabay sabay kaming apat, ako, Liza, Manag Letty at Anton.


"Manang Letty, salamat sa masarap na mga pagkaing inihanda nyo po. Uuwi na po ako. Babalik na lang po ako sa susunod."


"Walang anuman iha. Wala pa si Rene. Wala pang maghahatid sa inyo. Hintayin na lng natin si Rene."


"Wag na Manang Letty, magcocommute na lang po ako. Marami pa naman pong tricycle dyan sa labas."


"Gagabihin kayo sa daan. Mas mainam kung hihintayin na lamang si Rene...teka. Anton? Paalis ka na diba?"


"Yes Manang Letty. Why?"


"Ayun. Anton ihatid mo na tong si Caven sa kanila. Paalis ka na din naman."


What the hell. Ayoko.


"What? But Manang malelate na ako, my friends are waiting for me."


"Grabe naman Anton. Ihahatid mo lang naman bestfriend ko, on the way naman yung bahay nila kung sa bar ka pupunta."


Nanlaki ang mata ko dahil payag si Liza sa suhestyon ni Manang.


"Magcocommute na lng po ako. Ihahatid naman po ako ni Liza sa sakayan."


"Yun naman pala eh. Kaya nya na sarili nya Manang. Aalis na ako. Bye bye."


Sa haba ng discussion na kung ihahatid ba ako o magcocommute na lang, ang ending, narito ako ngayon sa kotse ni Anton. Pano siya napapayag nina Liza? Blinackmail niya ito. Isusumbong daw niya sa mga magulang ni Anton ang mga karatantaduhang ginagawa niya sa school at pagbubulakbol neto. Kaya napapayag niya si Anton na ihatid ako. Mukhang asar na asar ang mukha niya.


Walang kumikibo ni isa sa amin habang tinatahak namin ang daan patungo sa aming bahay. Ang awkward sobra. Umupo ako sa may harapan. Ayaw niya akong umupo sa likod dahil magmumukha daw siyang driver. Ang arte diba? Nabibingi na ako sa katahimikan kaya I broke the silence by initiating a small talk with him.


CavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon