CHAPTER 5

13 4 0
                                    

        Sabado ngayon. Walang pasok. Si mommy ay nagtatrabaho. Linggo lamang ang kanyang pahinga. Minsan nga kahit Linggo ay tumatanggap siya ng mga kliyenteng nagpapasukat ng lupa. sayang daw.  Napapansin ko lately na parang namumutla si mommy. Parang may kakaiba sa kanya. Tinatanong ko naman siya kung maayos lang ang kanyang pakiramdam o kung may kakaiba ba siyang nararamdaman, pero ang tanging sagot niya lamang sa akin ay "Ayos lang ako baby. Huwag ka na masyadong mag-alala kay mommy. Dahil sa pagod lang to at stressed sa trabaho." Pero nag-aalala pa rin ako kay mommy. Sino ba namang anak ang hindi mag-aalala sa nanay niya kung nakikita niya itong nanghihina diba? I want to help her in any ways. Kahit maging isang working student ako, kakayanin ko, makatulong lang kay mommy.

     Dahil sa Sabado ngayon, nandito lang ako sa loob ng bahay. Nagpapahinga ako ngayon sa aming sala dahil kakatapos ko lamang maglinis ng aming bahay. Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong maglinis. Natapos ko na rin kasi ang mga assignments ko kagabi. 





"Hello Liza?"




"Hello bes! Pupunta ako diyan sa inyo ngayon ha. Wala kasi akong magawa sa bahay eh. Bored na bored ako dito." pagmamaktol ng bestfriend ko.




"Oh sige bes. Maliligo na muna ako. See you!"




"Sige bes. See you din. Ako na bahala sa foods natin. Ba-bye!"




Pagkababa ni Liza ng kanyang telepono ay umakyat na ako sa aking kwarto para maligo.




--



Nandito na ulit ako sa sala. Hinihintay ko na lang ang pagdating ni Liza. It is now exactly 11  o' clock. Sana naman pang lunch na pagkain na ang dinala niya. Nagugutom na kasi ako. Nag ring muli ang aking cellphone. Si Liza iyon. Nagpapabukas na ng gate dahil nandun na raw siya.



I walked outside towards our gate and opened it. Naroon ang aking bestfriend na may maraming bitbit. Parang pang dalawang araw ang dinala nitong pagkain ah.



"HEELLOOOOOOOO BEEESSS!!!"




Ang O.A. ng bungad sakin hahahaha. Nakakabingi. Buti na lang may dala tong pagkain.




"Oh tara na pasok ka na."



"Pwede rin ba akong pumasok?" tinig ng lalaking napakapamilyar. 



Hindi ko napansin na ang naghatid pala kay Liza dito ay ang kanyang pinsan. Anton the Great ladies and gentlemen.



"What are you talking about Anton? May lakad ka diba? May kikitain ka namang chix mo. Kaya nga sayo ako sumabay kasi may lakad ka rin." 




"Nagbago na ang isip ko. Change of plans. Tsaka wala akong kikitaing chix. Ano ba yang pinagsasabi mo Eliza?"





"WHATEVER."




Bago pa ako makawitness ng patayan eh pumagitna na ako sa dalawang nagbabangayan na to. Ang ingay ingay na nila. Baka makaabala pa sila ng mga kapitbahay namin.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon