CHAPTER 4 Part 2

15 4 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa gymnasium dito sa college campus. Gaya nga ng sabi ni Liza, may practice game ang BS Civil Engineering team at Business Administration team.


"Go go go team C. E."



"KYAAAAAAAAAHHHHHHH!!! Ang gwapo ng may Jersey number 11 ng Civil Engineering team!!!!"



"Kaya niyo yan Business Ad!!"




"Bakla bakit wala ang star player ng team C.E.? Siya pa naman ang ipinunta ko dito huhu."



Ilan lang yan sa mga naririnig naming sigaw dito sa loob. Akala mo actual game na to dahil halos mapuno ang bleachers. Karamihan sa mga nanonood ay mga babae at bakla. At halos lahat sila ay chinicheer ang basketball team ng Civil Engineering.

Di magpapahuli ang bestfriend ko sa pagchicheer. Nagulat nga ako nung tinulak tulak niya ako dahil sa kilig neto. Parang uod na na binudburan ng asin. Pati ako napapahamak sa tindi ng kilig netong katabi ko.



"Beeeeeeees!!!!! Si David oh!!! Kyaaaaaahhhy!!! Ang gwapo nya talagaaaaa. Ang galing galing pa."



Parang mahihimatay na to sa kilig ah. Grabe makafangirl si Liza. Ang tindi. Everytime na kinikilig siya, napapalo at naitutulak niya ako. Mukhang magkakapasa ako mamaya ah.


"Aray Liza. Nasasaktan na ako."




"Hoy Eliza, nasasaktan na bestfriend mo. Maghunus dili ka nga. Sino ba sa kanila ang crush mo?" tanong ni Airah.




"Yung nakajersey number 11. Ayun oh. Ang gwapo niya dibaaaa???"




Hinanap naman namin ni Airah ang tinutukoy ni bes. Oo nga, gwapo naman. Pero ang mukhang iyan ay delikado. Mukhang chickboy eh. Ilang babae na kaya ang umiyak dyan?




"Gwapo nga. Crush ko na rin siya Liza." pang aasar ni Airah.



"Ano? Hindi pwede. Isusumbong kita sa boyfriend mo. Hindi ba may boyfriend ka? Taga kabilang section? Lagot ka."



"Hahahahahahahaha biro lang. Inaasar lang naman kita eh. Loyal ako sa boyfriend ko noh."




"Ano bes? Any comments? Violent reaction? Uso magsalita ha. Ano nagwagwapuhan ka din ba?"





"Pwede na." sabi ko sa kanya.



"Taray ng bestfriend mo Liza. Taas ng standards hahahahahaha."



"Hayaan mo na yan. Di pa nakakamove on. Isang lalaki lang ang nakikita niyang gwapo. Ewan ko ba diyan hahahaha."




"Ewan ko sa inyo. Tara na. Balik na tayo sa campus natin. Malelate na tayo."



"Oh sige tara. Solve na ako. At least nakita ko na yung love of my life. Buo na ang araw ko dahil sa David ko."



"Wow Eliza ha. Kung makaangkin, bakit sayo ba sayo ba?"




"Haynako Airah. Tumahimik ka nga dyan. Wag mo na sirain ang araw ko. Tse."



Tawanan kami ni Airah palabas ng gym. Natanaw namin ang pinsan ni Liza sa may entrance. Nandun si Anton. Sa likod nya ay si Nica.



"Hey kinakausap pa kita. Stop ignoring me."


"Go away. I don't know you."



Nakita kami ni Anton. He was looking at me. Ang mga mata niyang mahiwaga na parang may kung anong energy na humihigop sayo.


"Oh mga bata, bakit kayo nandito? Nasa kabilang side ang campus nyo ah. Sightseeing?"



"Shut up Anton. Huwag mo kaming pakealaman." pagtataray ni Liza sa kanyang pinsan.



"Miss independent. Nandito ka rin? Mas preferred mo na ba ang mga college boys ngayon?"



"I don't like old guys." sabi ko sabay irap.



Napansin ko namang di nagsasalita si Airah. Ang babaeng ito ay parang nagdedaydream habang tinititigan si Anton. Loyal daw siya oh. Eh sa inaasta nya, parang gusto na niyang lapain si Anton. Tsk tsk.



"You know them? I never thought of you being friends with those losers Anthony. Nakakaturn off." pandidiring sabi ni Nica.




"Yes, kilala niya kami. I never thought my COUSIN Anton likes to hang out with a bitch like you. I mean, magkakilala pala kayo? How pathetic."




I saw a glimpse of surprise on Nica's face pero agad namang nakarecover.





"I don't have time to have chit chats with you. See you Anthony."





"Tara na girls, malelate na tayo." pag aaya ko sa dalawang kasama ko.



Kinaladkad ko na silang dalawa dahil magbabangayan na naman etong magpinsna na to at si Airah, hindi pa rin makapagsalita at makagalaw. Na star struck ata kay Anton.





"Bye Little Miss Independent HAHAHAHAHA."





Bwisit. He really knows how to ruin my day.






"Elizaaaaaaa!! Hindi mo sinabing may gwapo kang pinsan!!! Grabe mas gwapo pa nga yun sa crush mo eh."





"EWWWWWWWW. Gwapo ba yun? Bulag ka ba Airah? Isusumbong na talaga kita sa jowa mo. That's cheating."




"Eto naman, nagwagwapuhan lang naman eh. Syempre love na love ko boyfriend ko."






"EDI IKAW NA MAY LOVELIFE." sabay na sigaw namin ni Liza.





Tawanan at asaran ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa classroom. Buti nga at hindi kami nalate. Grabe din pala tong si Airah. May pagkabaliw din pala. Magaan ang loob ko sa kanya. She's not fake. May pagkaprangka at matapang din gaya ni Liza.





~


Comment. Vote. Share.





CavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon