September 7, 2013
May pasok kami at Sabado ngayon! Pota! Nakakainis!
Pero okay lang kasi nakita ko naman si MEHE at ang mga bruha kong bestfriend..
Tapos puro kaboringan lang ang natutunan ko sa araw na to..
Kaloka!
Ayun, maayos naman kami ni MEHE and everything!
English(2nd period/ Last Subject) Nagalit yung teacher namin dun sa dalawa naming kaklase. Kaya nagalit yung teacher namin kasi nung sinabi nya sa Monday wala sya kasi dun sila napa-schedule nung outreach activity namin na ang tawag eh Kaagapay...tapos sa Rosario,Bats. dw sila pupunta... eh yung dalawa naming kaklase nag-yehey.. =_= Kasi sa Rosario sila nakatira at dun pupunta sina Ms. Tapos sabi ni Ms. "Ayaw nyo pala akong nandito. Tanda ko kung sino kayo." tapos natahimik na yung dalawa kong kaklase tapos yung isa nag-try mag-explain kaso sabi ni Ms. "I'm not in the mood. If you dislike me, then go." At nang walang kung -ano-ano eh nag-walkout sya ng walang sinasabi, di man lang kami dinismiss tapos yung kaklase ko na may ibibigay na papel, hindi nya pinansin...
May point din naman si Ms. kasi mali talaga yung ginawa nung dalawa kong kaklase... Syempre, wala namang kamalay-malay si Ms. na dun sila nakatira at akala nya talaga na ayaw nung dalawa sakanya, kaya siguro sya nag-walkout. Di ko sinasabi na kinakampihan ko si Ms. kasi, mali naman talaga yung ginawa nung dalawa.. Kasi sa OPINYON ko ay napaka-babaw na rason yung pupunta sila sa lugar kung saan ako naka-tira.. Pero kung nababasa mo to ngayon... wag ka magagalit sa akin ha. Peace. ^_^v Binigay ko lang yung opinyon ko...
Siguro sa Monday mapapagalitan nanaman kami.. kahit sabihin nung mga kaklase kong yun na sila lang yung mapapagalitan, hindi eh. Damay kami, kasi nasa isang klase kami.. (hindi ako galit ha) Strike 3 na namin to sa mga offense. :/ HAAAAAAAAAYYYYYY!!!!
CHANGE TOPIC..(mabilis lang.. :3)
Na-curious ako dun sa sinabi ng bruha kong kaibigan na si Gwyneth kay MEHE... Bulong-bulong pang nalalaman. Di man lang ako sinali.. HMP! Bahala na nga lang. :/

BINABASA MO ANG
Diary Ni Author
Novela JuvenilKung nauubos ang oras nyo sa isang subject dahil sa kakakwento ng teacher nyo ng talambuhay nya, aba, edi asahan mong uubusin ko rin oras nyo sa pagbabasa ng kwento ng talambuhay ko... :P