August 28, 2013
Namiss nyo ba update ko? Hindi? Sasampalin ko kayo sa atay!!
Sa kadahilanang tinatamad akong magtype at medyo marami ang i-uupdate ko... yung 'special parts' of the day lang yung ilalagay ko..
Nung dismissal, nagpunta kami ni Claire sa field para magsagot ng assignment dahil nagsisipagsipagan kami..
Nakita ko si Aimee.... kasama ang Hudas!! Puta!! Die Beeyotch!!
Papalapit na samin si Aimee at bigla naman akong nagsalita..
"Oooopsss... dyan ka lang.." at sabay hinigit ko na si BestBruhaFrund ko na si Claire..
Tapos nung nakaupo na kami sa bench, pumunta samin si Lila at si Rana... may dala silang ZAGU.. at ayun bumili din kami ni Claire..
Pagkatapos, nagpicturan ng kung ano-ano...
Tapos sabuyan ng pulbo.. basta... Tawa lang kami ng tawa!! Kung alam nyo lang!
Tapos yung best part ay nung inagaw ko yung fone ni Claire at nagbrowse ng pictures...
Taposss..
Nakakita ako ng....
GOPPY picture nya!!
Pinakita ko kay Lila sabay...
Hahahahahahahahahaha!! At naghabulan kami.. tapos si Claire naman nagalit.. binato nya yung iphone nya... nang biglang...
Maling pulbo yung nailagay sa bag!! Tapos sabay tawa na rin sya!
Oo... puro kasiyahan ang araw na ito.. Mehehe...

BINABASA MO ANG
Diary Ni Author
Teen FictionKung nauubos ang oras nyo sa isang subject dahil sa kakakwento ng teacher nyo ng talambuhay nya, aba, edi asahan mong uubusin ko rin oras nyo sa pagbabasa ng kwento ng talambuhay ko... :P