[IKA-SIYAM NA PAGLANGOY] ANG ITIM NA KULAY NG BUNTOT NG SIRENANG SI AMARA

390 4 0
                                    

My Girlfriend Is a Mermaid 

Copyrights by angpagongnaauthor (reikyo35/mamoru_echizen)

[IKA-SIYAM NA PAGLANGOY] ANG KASUNDUANG IBINIGAY NG ENGKANTO NG KARAGATAN

Sa wakas ay ligtas na nakalayo ang dalawa sa Isla Azul Del Cielo. Malayang nilangoy nila ang malawak na karagatan. Halos papunta sila sa bahaging silangan kung saan sumisikat ang araw.

“Alam mo na ba kung saan tayo patungo mahal na prinsesa?” ang tanong ni Coco na halos hindi makaagapay sa paglangoy sa dalaga. Masyado kasing mabilis lumangoy ang sirena.  Talagang napakagaling nitong sumisid sa ilalim ng tubig.

“Hindi ko alam, Coco! Pero may kutob akong makikita ang engkanto ng karagatan sa bandang bahagi ng silangan kung saan sumisikat ang araw.”

“Ano?” napatda si Coco sa sinabing iyon ni Amara. “Hindi mo alam kung saang lugar naroon ang engkanto ng karagatan?”

“Nabanggit lang sa akin ni Alena na balak niyang hanapin si Pugita sa bandang bahagi ng silangan.” Ani Amara.

“Tapos?” tanong ni Coco.

“Di ko na alam.” Ani Amara. “Madali na siguro iyong hanapin. Ikaw, may ideya ka ba kung saan natin makikita ang engkanto ng karagatan?”

“Humm,” napaisip si Coco. “Noong bata pa ako ay naririnig ko na ang kuwento tungkol sa engkanto ng karagatan na iyon. Nabanggit  minsan ni ina na ang lugar na kinaroroonan ng engkanto  ay ang pinakapusod ng karagatan. Sa lugar na tinatawag na Kuweba ng Karimlam.”

“Kuweba ng Karimlam?” gustong makatiyak ni Amara kung tama ang kanyang narinig mula kay Coco. Minsan na kasi niya iyong nabasa sa Ginintuang Aklat ng kanyang ama.

“Oo! Sa Kuweba ng Karimlam.” Ani Coco.

“Alam ko ang lugar na iyon. Nabasa ko na minsan ang tungkol sa  Kuweba ng Karimlam sa ginintuang aklat ni Ama, Pero walang binabanggit doon ang tungkol sa engkanto ng karagatan.”

“Marahil, prinsesa ay hindi nila binanggit iyon sa aklat dahil sagrado ang tungkol sa engkanto ng karagatan.” Ani Coco sa dalaga.

“Marahil ay tama ka diyan, Coco!” natutuwang sabi ni  Amara. “Naku! Maraming salamat sa iyo. “ Napayakap bigla ang prinsesa sa kanyang tagapagbantay na siyokoy. Hindi niya napigilan ang sarili sa tuwang nararamdaman. Ngayon ay mayroon na siyang mga patunay kung saan matatagpuan ang engkanto ng karagatan.” Nag-init ang mukha ng siyokoy sa ginawang iyon ng prinsesa.

Sinasabing ang Kuweba ng Karimlam ay matatagpuan sa pinakapusod ng karagatan. Alam ni Amara na maraming panganib ang naghihintay sa kanya sa lugar na iyon. Pero kasama niya si Coco para ipagtanggol siya sa masasamang elemento na naeengkuwentro nila. Kung ano-anong klaseng halimaw-dagat ang kanilang sinuong at kinalaban. Pero nagtagumpay silang dalawa na makarating sa bukana ng kuweba. Sa wakas ay narating nila ang isang kuweba na kakaiba. Marami kasing lamang-dagat ang takot na pumasok roon.

“Nakahanda ka na ba, Prinsesa Amara?” ang tanong ni Coco.

“Oo! Handa na ako.”  Ani Amara sa kanyang tagapagbantay na siyokoy.

Nagsimulang lumangoy ang dalawa para pumasok sa loob ng kuweba. Pero bigo silang makapasok na pareho. Parang may kung anong pader na nakaharang sa pintuan ng kuweba.

“Bakit hindi natin magawang  makapasok?”  tanong ni Amara sa kanyang tagapagbantay na si Coco.

“Hindi ko alam, mahal na prinsesa.” Ang wika ni Coco. “Pero nakakatiyak akong ito na ang Kuweba ng Karimlam.”

“Tama ka, Coco! Nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa loob ng kuweba.” Ang sabi ni Amara. “Alam kong narito si Pugita.”

“Mga hangal! Sino kayong mga pangahas na nagpupumilit na pumasok sa aking kaharian?” isang nakakatakot na tinig ang nagmumula sa loob ng kuweba.

MY GIRLFRIEND IS A MERMAID (for revising and on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon