7 His REason

26K 616 15
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

7

“What? So you mean, just like me, I will make panggap rin in front of your Mom that I am your girlfriend?”

“Yes!’ Walang paliguy-ligoy na sagot niya.

“OMGeeee!”

Iiling-iling na lang si Pranco sa reaction ng kapatid.

“Siya! Tama na yan, malinaw naman siguro sa inyong dalawa na pareho kayong magkukunwari, so walang problema, I guess the two of you will have so much fun.”

“Anong fun?” Sabay pa nilang sabi.

“Oh, chill lang nga. Hindi pa kayo nag-uumpisa, hindi na kayo magkasundo. Paano na lang pag kasal na kayo niyan?”

“Kasal?” Sabay ulit sila.

“Alam mo Pranco, tigilan mo ako, and you, I don’t like him to be my boyfriend, as in ewwwwww!”

“Whoa! Sis, that’s mean. Baka kainin mo yan sa bandang huli.”

“Okay na, Pranco, walang problema kung ayaw niya. Tingin ko naman, hindi ko rin siya gusto.” Mahinahon pa rin ang kaharap.

Tumaas ang kanang kilay ni Penelope. “You know what, you’re so makapal! As in, you’re so nakakabadtrip.”

Wala pa ring reaksiyon si Kenan kaya mas lalong nainis si Penelope.

“Ah, bago pa kayo magpatayang dalawa, este mag-away na dalawa. Sige, wag na kung wag. Sige Babe, aalis na kami, but remember, Mom and Dad said, if wala kang maipakilalang nobyo, ihanda mo na ang sarili mo.”

“Grrrrrr!”

“Bye Babe!” Asar pa ni Pranco.

Mabilis na nag-isip si Penelope. Mamayang gabi na ang usapan nila ng mga magulang. Kapag wala siyang maipakilalang boyfriend tiyak na ipapakasal siya sa lalaking gusto ng mga ito. Ibig sabihin, mag-aasawa na siya, magluluto, maglilinis, maglalaba, mamalantsa, magkakaanak, magbabantay ng bata! Natakot siya sa posibilidad na iyon.

“Wait, Pranco!”

“O?” Ngingisi-ngisi ang kapatid.

“Si-sige na nga, I make payag na.” Mahinang sabi niya.

“Sure?”

“Oo na! Kainis!”

Hindi alam ni Kenan kung matatawa siya sa kakulitan ng dalawa o maiinis sa kaartehan ni Penelope.

“So, paano yan, mukhang kailangan niyong dalawa na mag-usap.”

“Okay.” Tipid niyang sagot.

“So, iiwan ko na kayong dalawa, may date pa kami ng girlfriend ko. See you tonight sa dinner Babe.”

“Be there Pranco ha, I need you.”

“Of course Babe.” Humalik pa ito sa pisngi ng kapatid.

****

Nakaupo na si Kenan sa harap niya. Pinag-uusapan nila ang gagawin nila mamayang gabi.

“So, you tell my parents the truth, that you’re mahirap lang ha but even if, you’re so masipag and so responsible.”

Amused na amused si Kenan habang pinagmamasdan ang dalagang kaharap. Ang arte talaga, pati pagsasalita ang arte.

“Ako ng bahala sa mga sasabihin ko. Matapobre ba ang mga magulang mo?” Prangka niyang tanong.

“Kinda…I dunno, hindi naman sila nagagalit if I make friends with mahihirap, ang alam ko, my lolo and lola were mahirap before, according to Dad.”

Tumango lang ang binata. Nakapag kuwento naman si Pranco sa sitwasyon ng kapatid, kung hindi lang talaga niya ito kaibigan, at kung hindi lang din niya kailangan, hindi siya papayag sa ganitong kalokohan.

“You, how come Pranco knows you? Saan kayo nag meet?”

“Ha?”

“Ah, he’s one of your suki ano? Then you became friends?” Assumed nito.

“Sort of.”

“Why do you need a girlfriend nga ba? You don’t have a girlfriend ba?” Casual na tanong nito.

“Wala.”

 “Ah, so, your Nanay wants you to have a mayaman na girlfriend?”

Natawa siya! Seryoso ito sa tanong niya?

“Is your Nanay, a social climber?”

Naibuga niya ang iniinum niyang juice na ibinigay ng secretary!

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon