9-The Meeting

27.8K 688 48
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

9

Tila naiihing pusa na is Penelope na nag-aabang sa pintuan ng kanilang mansion, wala pa kasi hanggang nagyon ang Kuya Pranco niya at si Kenan, wag talaga siyang ipapahamak nito, kakalbuhin niya talaga ang kapatid.

“Iha, what makes you uneasy there?”

“I’m waiting for my boyfriend Mommy.”

“Iha, it’s still early, eight naman ang usapan di ba? Alas sais pa lamang.”

Oo nga naman, in fact kakauwi niya lang kaya from the office, nagpahinga lang siya saglit at naligo at nagpaganda, kapag ganitong tense kasi siya, mabilis ang mga kilos niya.

“Mommy, I told him not to be late.”

“Maupo ka nga Penelope, ang aga pa.” Saway ng Papa niya.

Naupo nga siya pero tinext naman niya ang kanyang Kuya Pranco.

Where’s Kenan, Pranco? – Penelope

The F! Maaga pa Babe! - Pranco

Tell him to be here an hour before dinner.- Penelope

Kung maka demand ka parang asawa mo yung tao.- Pranco

Namula siya sa nabasang text ni Pranco.

Ten minutes before eight ay dumating ang binata,sakay ng kanyang taxi.  Ano naman ang aasahan niya, alangan namang sakay ito ng kanyang limo.

Pero ang hindi niya inaasahan ay ang itsura nito nung bumaba. Si Kenan ba talaga ito? Mukhang tao, he was wearing a business suit that made him drop dead gorgeous.  Naka ayos ang buhok nito, a formal shoes, and a bouquet of flowers? Aba, may alam itong gimmick ha. 

At saan kaya nito nakuha ang isinuot? Baka naman hiniram. Mukha namang sakto sa kanya? Baka ukay-ukay? Sabi ng mga friends niya, marami raw bago pero murang branded na damit sa ukay. She never had a plan to go there. She can afford to buy kaya.

“Good evening po Ma’am, Sir.” Nagmano siya sa Mommy at Daddy niya. Tinaasan niya ito ng kilay. Good evening Cookie.” Sabay halik sa pisngi niya, sabay abot ng flowers.

Napakurap si Penelope. Tama ba ang dinig niya? Cookie? Cookie ang tawag sa kanya ni Kenan? Iyon ba ang napili nitong endearment?

“Cookie? You call Penelope, CookiE?”

“Yes, Ma’am. I find it cute, I don’t like the usual endearment, for I believe that your daughter is special so I opted to call her in a special name .” Ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis. Namalikmata na yata siya, bakit parang ang guwapo guwapo ni Kenan ngayon? At ngayon niya lang napansin, ang ganda pala ng mga ngipin nito. Parang model ng toothpaste.

Pero, ang corny ng sagot! 

“Ganun ba, ang sweet nyo naman pala. Ano naman ang tawag mo sa kanya Penelope?”

Malalagot ito sa akin mamaya. “Mom, I call him Mamon.”

“Mamon? As in muffins? Tama ba ako Dad?”

“Hayaan mo na nga ang mga bata, Mommy. Halika na, mag dinner na tayo iho.”

Napatingin siya sa mga pagkaing nakahain sa lamesa. Gustung-gusto niya ang hipon na nakahain, pero ayaw na ayaw niyang balatan ito pero sarap na sarap naman siya sa lasa. Nahuli niyang nakatingin si Kenan sa kanya kaya may naisip siyang gawin.

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon