Chapter 5: Wrong Move

111 0 0
                                    

Krystal's POV

Walang hiya ka harry lambrio! Yan yung paulit ulit kong sinasabi sa utak ko.

Ilang ulit ko na rin napatay si harry lambrio sa utak ko.

"BOO!"Gulat saken ni kuya ace. Kala naman nya nagulat ako ehh hindi naman. Galing din mang gulat ehh

"Minsan kuya pag mang gugulat ka iinform mo ako para magulat ako ha" kasi hindi naman iniinform baka mamaya sabihan pa ako na feeler. Shunga din itong si kuya ace.

"Gulat nga diba? Ang init nanaman ng ulo mo. Gwapo naman ako pero anong kinaiinit mo ng ulo dyan?" Ace. Isa pa itong kuya kong ito. Mala bagyo na ang kahanginan sa katawan ehh. Ano kayang nalaklak nito?

Kapag napapalibutan ka ng mga weird na tao wala kang magagawa.

" gawan kita dyan ng statement na si Ace po ay may ka date na"asar ko. Sumeryoso tuloy ang muka ng kuya kong mahangin. Kasi artista kaya ayaw malalaman na may ka date kapag nangyari yun uugong ang mga baliw na fans.

" Alam mo KC minsan iniisip ko menopose ka na. Lagi kang galit sa mundo ehh" napasimangot ako sa sinabi ng kuya ko. Sasapakin ko na to.

Inhale* exhale

Krystal kaya mo yan. Tyaga tyaga lang kapag ganyan ang tao. Wait baka ang magkapatid ay si harry at si kuya ace kaya sila ganun. Magkapareho na sa kayabangan.

Hindi naman siguro kasi favorite sya nina mama at papa.

Wews di ko naman pinagseselosan iyon and besides mas magulo sa mundo nya.

------

Kapag tinamaan ka ng lintik na harry na yan. Harry Lambrio!!! Harry Alambrio! Mukang alambre. Nakakainis akala mo may mafia tsutsu sya. Kaya wag daw kakalabanin.

"Claire masyado mo yata akong iniisip nyan" takte. Nahuli kasi nya akong nakatingin sa kanya.

Inaasar ko sya sa utak kanina pa. Binubully ko pa nga ehh

Siguro bakla itong si harry ayaw nya lang sabihin kasi baka madisappoint yung parents nya. Ahahahaha!!!

Saka yung fangirl chuchu nya. Sabi na nga ba. Huli na kita ALAMBRIO!

" iniisip? Baka iniisip ko kung paano ka mananahimik sa mundong ibabaw" inis kong sabi sa kanya.

"Mananahimik? Edi baka wala ka ng rason mabuhay pa pag nawala ako. Nako ms. Claire alam kong inaasahan mo yung k---"

" MR. HARRY LAMBRIO! ALAMBRIO!!!" asar ko sa kanya. Oopsss naisigaw ko pala. Nakatingin na tuloy saken lahat ng mga kaklase namen.

"Talaga lang ahh"nagsmirk pa ang shunga.

"Pare! Iba rin pala itong si Ms. loise. Nabubuta ka oohh"asar nung kruchen ang weird ng name noh?

Pansin ko namang sinamaan ng tingin ni alambrio si kruchen

"Ms. Claire. Edi kung alambrio yun. Magiging Krystal Claire Loise- Alambrio ka? Ehh mas okay na sana yung Krystal Claire Loise- Lambrio"asar nya saken. Inis na inis na ako.

"Nga pala yung secret mo? Yung meron kang damit na pambabae sabi na bakla ka ehh" gawa gawa ko lang yun ahahahaha

"Claire naiwan mo sa bahay yun. Sabi ko naman sayo eh. Dalhin mo na yung damit mo. Wala namang may alam ng ginawa naten" putspa!!! Bakit ako yung naasar hindi sya!

Tiis pa ng konti.

"Woaaahh"sigaw nga mga kaklase namin

"Pare ibang klase ka. Amazing!" Sabi nung Kean.

My Seatmate is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon