Chapter 6: Game Changer

109 2 0
                                    

Chapter 6: Game Changer

Pagdating ko sa bahay bihis na bihis si mama ahh. Eh lagi naman syang bihis na bihis na para bang may fashion palagi. Parang si kuya ace lang. Si papa naman busy sa pagbabasa ng papeles.

Aakyat na sana ako ng hagdan ng mapansin ako ni mama.

"Oh KC nakauwi ka na pala. Prepared na yung susuotin mo tonight. Magbihis ka nalang" pagkasabi nun ni mama ay nagpunta na sya ng kusina.

Ako naman dumeretso na ng kwarto ko. Tsk kung iisipin ko pa at palalakihin yun ay sigurado magagalit lang ako. Wala man lang ' how's your school KC? masaya ka ba?' Waley ano pa bang aasahan ko.

Siguro kung tungkol sa arrange marriage ang usapan may pakialam sila.

Tsk. Wag ko na nga lang isipin yun. Bakit ba kasi may pagpayag pa ako?

Nakita ko na yung dress na susuotin ko. Maganda mukang elegante. Bagay ba ito saken?

Sana magkasundo kami nung magiging fiance ko.

After ng ilang minutes naisipan ko na ring magbihis at bumaba.

"You look pretty KC" bati saken ni mama pagkakita nya saken.

"Pretty daw oh? Baka piggy hahaha tumataba ka na yata oh" yung ang ganda ng pambungad sayo tapos sasabat yung napakabait mong kuya at mang aasar.

Lumapit naman kaagad ako kay kuya ace.

Lintik lang ang walang ganti. Ayos nakaheels pa naman ako.

"Ahh!" Sigaw ni kuya ace. Lumayo naman ako kaagad sa kanya at tumawa.

"Hoy Krystal Claire!" Sabi nya pa habang hawak hawak yung paa nya.

Ako naman tawa lang ng tawa.

Nagbelat pa ko sa kanya.

Nang nasa isang Chinese restaurant na kami sa pang VIP yung pwesto namin. Nakipag beso naman si mama sa babaeng nasa mid 30s sa palagay ko at sa lalaking nasa 45 pataas na ang edad hula ko lang naman.

"Lianna and Alex this is my daughter Krystal Claire Loise" sabi na mama at hinawakan pa ako sa balikat. Ngumiti naman ako at nakipag beso sa kanila.

"Where's your son pala?" Tanong ni mama ng makaupo na kami.

"Susunod sya dito don't worry" sabi naman ni tita Lianna.

Si Papa naman ay kakwentuhan si tito alex.

"KC yung fiance mo kapag di gwapo wag kang papayag sayang lahi naten eh" bulong saken ng sino pa malamang ang kuya kong nakalunok ng aircon.

Tiningnan ko sya ng masama at ngumiti pa saken.

Ilang oras rin kaming nag iintay sa papeymus, paVIP na iniintay namin. Dinner pa lang yata mukhang hindi na kami magkakasundo.

Ni hindi pa nga kami nakain dahil sa kakuparan non. Itext o itawag nya na kasing hindi sya makakadating! Huh! Mas masaya yun walang marriage na magaganap.

Pasimple kong kinuha yung phone ko. Nilaro ko muna yung gamea dito baka naman kase nag memake up pa yun.

Ano na? Pagkatapos nito, ano na ako?

Gusto ko ba talaga? As in!

Tss. Syempre hindi! Nangangarap pa rin naman ako ng Cinderella style.

Isip Claire!!!! Gumana ka!
-
-
-
-
Ting!

Alam ko na. Kaya ko naman maging game changer. Lets play again. Ayoko ng laro eh. Bukod sa talo ako, mahirap lusutan.

Nikki! Bes, i need your help!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seatmate is My FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon