CHAPTER ONE

1.7K 28 2
                                    



"SIGURADO KA BA, hija na gusto mong bumaba dito?" Tanong ng taxi driver kay Madelyn. Siya rin mismo ay natigilan habang pinagmamasdan ang paligid. Nakahinto ang taxi na sinasakyan niya sa isang malaking abandonadong gusali na nakatayo sa isa ring napakalawak na abandonadong lote. Kung kanina ay determinado at gigil na gigil siyang sulungin ang lalaking nagngangalang Keith Montalban, ngayon ay parang bigla siyang tinubuan ng buntot.

Gawin mo 'to para sa kapatid mo. Sabi ng boses sa utak niya. Lumunok siya. "Um, opo manong. Dito po ako bababa." Aniya.

"Gusto mo bang hintayin kita?" Sasagot na sana siya nang biglang may kumatok sa bintana nito. Naki-usyoso rin siya at tumingin sa bintana. "Bakit po mga sir?" Tanong ng driver sa dalawang maskuladong mga lalaki sa labas.

"Naliligaw po ba kayo, manong?"

"Ah, hindi. May inihatid lang akong pasahero." Dahil sa sagot ni manong ay napatingin sa likuran ang dalawang lalaki. Napansin niyang nagulat ang mga ito nang makita siya.

"Naliligaw po ba kayo, miss?" Tanong ng isa.

"Ah, hindi po. Dito po talaga ang sadya ko." Pagkasabi niyon ay ibinigay niya sa driver ang bayad niya at pagkatapos ay bumaba na ng taxi.

"Ah, hija, gusto mo bang hintayin kita?"

"Pasensiya na manong pero bawal po ang mga taxi dito." Hindi na niya narinig pa ang ibang sinabi ng lalaki dahil lumapit sa kanya ang kasamahan nito. Hindi naman ito mukhang masamang tao ngunit kinabahan parin siya dahil sa laki ng katawan nito.

"Sino ba ang sadya mo dito, miss? Alam mo ba kung anong lugar itong pinuntahan mo?" Tanong nito.

"Um," natigilan siya sa pagsagot nang marinig niya ang pag-andar ng taxi. Napatingin na lang siya sa tail-lights niyon habang papalayo na ito.

"Binigyan mo ba?"

"Binigyan ng ano?" Tanong niya at na-realize niyang hindi pala siya ang kinakausap. Oops.

"Oo, limang libo."

Lumaki ang mga mata niya habang napatingin siya sa dalawang lalaki.

"Sorry, miss pero sino ba ang sadya mo rito? Hindi ka kasi pamilyar sa amin at bawal rito ang mga babae, unless kung may imbitasyon o di kaya'y kasama ka sa mga VIPs."

Nakagat niya ang ibabang labi. Malapit ng gumabi at ayaw niyang mauuwi lang sa wala ang pagpunta niya rito. "Um, gusto ko sanang makausap si Keith." Wika niya.

"Keith Montalban?"

"Oo, si Keith Montalban. Pwede ko ba siyang makausap?"

"Kaanu-ano mo siya?"

"Uh, hindi niya ako kilala—"

"Sorry, miss pero hindi mo siya maaaring makausap. Busy na tao si Keith kaya't imposibleng makakausap mo siya."

"Pero—" Isang busina ng sasakyan ang pumutol sa kanya. Sabay pa silang tatlong napalingon sa kinaroroonan ng tunog. Ang dalawang lalaki ay agad na napatuwid ng tayo. Kulang na lang ay mag-salute ang mga ito. Huminto ang magara at mamahaling SUV sa harapan nila. Maya't-maya ay bumaba ang bintana nito. Tumambad sa kanya ang isang matandang lalaki. Even though he was old, he had an aura of authority. At hindi nga siya nagkakamali dahil tinawag itong 'Boss Dimitri' ng dalawang lalaki.

Dangerously In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon