CHAPTER NINE

584 17 0
                                    

NAGSI-ALISAN NA ANG mga kaibigan at kamag-anak nila ngunit nanatili paring nakatayo si Keith sa libingan ng kapatid. Sa tabi niya ay naroon si Madelyn, hawak ang kamay niya. Pinagpasalamat niya na naroon ito sa tabi niya.

Sa mahigit na isang linggong pagkaka-ospital ni Georgina ay hindi nito nakaligtaang dalawin ang kapatid niya. Kahit na minsan ay naging sagabal ang paningin nito. Hindi ito nagsabi sa kanya na naging blurry ang paningin nito dahil ayaw nitong pauwiin niya ito. Nagsabi lang ito sa dinaramdam nang mapansin niyang hindi steady kung maglakad ito na para bang natatakot ihakbang ang mga paa lalo na nung maghagdan sila dahil busy ang elevator ng ospital. Noong una ay nainis siya dahil hindi ito nagsalita ngunit kalaunan ay mas nanaig ang pag-alala niya sa dalaga.

"Keith?" Ang tinig ni Madelyn ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napatingin siya rito at napansin niyang umaambon na ngunit hindi naman kalakasan. Binuksan ni Madelyn ang dala nitong payong at pinayungan siya. Muli niyang tiningnan ang libingan ni Georgina, lihim na nagpapaalam sa kapatid bago naglakad palayo. Kinuha niya ang payong mula kay Madelyn para hindi ito mahirapan sa paghawak niyon. Naramdaman niya ang titig ni Madelyn sa kanya kaya nilingon niya ito. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Hindi masama ang umiyak, Keith." Wika nito sa mahinang tinig. "Hindi naman ibig sabihin na kapag umiyak ka ay mahina ka. Minsan kasi kailangan nating umiyak. That's how you get rid of everything you have bottled up inside."

Isang katahimikan lang ang tanging isinagot niya sa dalaga. Iyon ay dahil hindi niya alam kung anong isasagot rito. Ni minsan kasi ay hindi siya umiyak. Habang inilibing ang kapatid niya ay nag-iyakan ang lahat maliban sa kanya. Bakit pa? Maibabalik ba ng mga luha ko si Georgina? Mabubuhay ba siya kapag iiyak ako?

Napatigil siya sa paglalakad nang maramdaman niyang wala sa tabi niya si Madelyn. Lilingunin na sana niya ang dalaga nang maramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likuran. Nagulat siya sa ginawa nito.

"Alam kong hindi na maibabalik pa ang kapatid mo kahit pa ilang balde ng mga luha ang papatak sa mga mata mo." Sabi nito at noon lang niya na-realize na nasabi niya ng malakas ang nasa isip. "Naiintindihan ko, Keith. Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay. I've been there. Masakit, sobrang sakit. Parang pinipiga-piga ang puso mo. Hindi mo man sabihin pero alam kong nahihirapan ka, nasasaktan ka sa pagkawala ni Georgina. Pinipigilan mo ang sariling umiyak hindi dahil takot ka na isipin ng mga tao na mahina ka, ayaw mong umiyak dahil natatakot kang tanggapin na talagang hindi na babalik pa si Georgina."

Humigpit ang pagkakayakap nito, sabay na uminit ang sulok ng kanyang mga mata. Naramdaman din niyang humigpit ang pagkakahawak niya sa payong.

"Hindi naman siya mawawala Keith eh dahil mananatili siya sa puso at isipan mo. Hindi ka mag-iisa dahil kasama mo parin siya. No matter where you are, she'll be there."

Tuluyan nang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Walang sabing binitiwan niya ang payong at humarap kay Madelyn. Alam nito kung ano ang kailangan niya at hindi siya nito binigo. She hugged him as tight as she could as he finally let himself spill tears over her hair, his arms wrapped around her seeking comfort.

"Nandito lang ako palagi sa tabi mo, Keith..." bulong nito.


MAHIGIT DALAWANG linggo na ang lumipas simula nung inilibing si Georgina. At sa loob ng mga araw na iyon ay marami ang nagbago sa buhay ni Keith. Nagdesisyon ang mga magulang niya na maghiwalay na lang. Parehong nag-file ng annulment ang dalawa and Keith thought it was for the best. Dahil sa hiling ni Georgina noon, nagpaka-civil ang dalawa sa isa't-isa. Iniwan ng kanyang ama ang bahay sa kanyang ina ngunit dahil medyo malaki ang bahay na iyon para sa ina, hindi ito doon tumira. Hindi rin daw kasi nito kayang manirahan doon dahil baka babalik ang depresiyon nito sa tuwing maaalala ang panganay na anak. Sa ngayon ay pinaupahan na lang muna nito ang bahay at sa isang apartment ito tumira. At dahil awkward pa para sa kanya ang tumira sa isang bubong kasama ang ina, hindi na muna siya sumama rito. Ngunit dumadalaw naman siya rito araw-araw.

Dangerously In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon