CHAPTER ELEVEN

638 20 0
                                    

HUMUGOT ng isang malalim na hininga si Madelyn bago kumatok sa pinto. Kagat ang ibabang labi na binilang niya ang mga segundo habang hinihintay ang pagbukas niyon. Matindi ang kabang nararamdaman niya, gaya nung una niyang pagpunta rito. Nang hindi parin bumukas ang pinto ay nilukuban siya ng paninibugho. Baka wala na sa loob si Keith at huli na ang pagpunta niya doon.

Tatalikod na sana siya nang biglang may nag-udyok sa kanya na pihitin ang siradura. Akmang hahawakan na sana niya iyon nang bigla na lang bumukas ang pinto. Sabay silang natigilan ni Keith. Halata sa mga mata nito na hindi nito inaasahan ang pagdating niya.

Nilinaw niya ang kanyang lalamunan. "Hi."

"Maddie..."

"I-Is this a bad time? Gusto ko lang kasing, um..." Napahinto siya dahil kusang ibinuka ni Keith ang pinto para makapasok siya. Kagat ang ibabang labi na pumasok siya sa loob. Mula sa likuran ay narinig niya ang mahinang pagsara nito sa pinto. Wala siyang sinayang na oras at humarap muli rito. "I'm so sorry, Keith. Nagkamali ako. Hindi ka katulad nila. You are better...so much better. Hindi ko dapat sinabi iyon. I'm really sorry for being a bitch—"

Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang kinabig ni Keith at ikinulong sa mga braso nito. Kusang pumikit ang kanyang mga mata at naramdaman niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. "The truth is I don't want to not to see you again. Ayokong umalis ka sa buhay ko. Binabawi ko ang lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa'yo kagabi. Alam kong nasaktan kita pero sana hindi pa huli ang lahat. I'm really sorry, Keith."

"Ako dapat ang humingi ng tawad dahil nalagay sa panganib ang buhay ni Noah."

Kumalas siya rito at umiling. "No, ginawa mo lahat ng makakaya mo Keith. Sinabi sa akin ni Noah ang lahat. Iniligtas mo parin ang buhay niya."

"Pero nagawa parin siyang hampasin sa ulo ng isang bote ng alak. Hindi ko—"

"Shh." Inilapat niya ang kanyang hintuturo sa labi nito. "Hindi parin nagbabago ang katotohanang iniligtas mo ang kapatid ko. You could have just walked away after the fight but you didn't. Sa halip ay tinulungan mo siya. Hindi mo pinabayaan si Noah. Mas pinili mong talikuran ang mga taga-hanga mo at mga taong pumupusta sa'yo. Hindi lahat ng tao ay gagawin ang ginawa mo." Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay. "You're different in so many levels, Keith. Sana'y hinayaan na lang kitang mag-explain. Pinagsisihan ko ang mga sinabi ko kagabi. Sana mapatawad mo ako, Keith."

Hinawakan nito ang pisngi niya habang nakatitig parin sa kanyang mga mata. "There's nothing to forgive because in the first place I'm not mad at you. I can never be mad at you, Maddie." Muli na naman siyang naiyak dahil sa sinabi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit at ganun din ito sa kanya. Naramdaman niya ang marahang paghalik nito sa kanyang buhok. Madelyn sighed softly at the gesture and allowed herself to melt in his arms.

Nanatili silang magkayakap nang ilang segundo. Pagkatapos ay muling nagsalita si Keith. "May sasabihin nga pala ako tungkol sa mga lalaking nanloob sa bahay n'yo kagabi." Anito dahilan upang kumalas siya.

"Nahuli na ba sila?"

Tumango ito. "Nahuli sila sa isang CCTV ilang metro lang ang layo mula sa bahay n'yo. Tumugma ang description mo sa dalawang lalaki na nahuli sa camera. The idiots took off their face masks directly where the camera is kaya nakita ang identity nila. Plus nakita sa video na may bitbit na itim na bag ang isa sa mga lalaki kagaya nung sinabi mo. Those guys won't get away with this. Magfa-file tayo ng kaso laban sa kanila."

Tumango siya. "Alam na ni Noah ang nangyari. Willing siyang mag-file ng kaso laban sa dalawa kapag nahuli na ang mga ito."

Dahan-dahan nitong hinaplos ang sugat niya sa noo na prinotektahan parin ng wound dressing. "Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa'yo, Maddie. Sisiguraduhin kong mabubulok sila sa kulungan."

Dangerously In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon