Present Time

3 0 0
                                    

Patuloy lang ako sa pagpahid ng luha ko, happy 10th year anniversary sana ngayon sa atin. Pero anniversary nalang sayo.

Almost one year na Sky, one year mo na akong iniwan. One year na akong nag-iisa. One year na akong nangangapa sa dilim. Wala na yung nangako ng walang bibitaw. Wala na yung lakas ko. Wala na. Wala.

Hindi ko alam kung ano pa ang kulang at kinailangan tayong subukin ng ganito. 8 years tayong lumaban, nalampasan natin lahat ng pagsubok na dumaan sa walong taon na yan. Pero bakit ngayon hindi na?

Masyadong maramot ang mundo, masyadong madaya.
Nasira tayo. Isang dahilan lang yun. Wala tayong kalaban-laban.

Nagising tayo pareho na magkaiba na ang mundo natin. Iniwan mo ako Sky.

"Wala na siya anak..." Yan ang pinakamasakit na narinig ko sa mga magulang natin.

9th year anniversary natin ng araw na yun. JANUARY 14, 2015, Wednesday, 01:14am.

Tumawag ang Papa mo saakin since 11:30pm. 12:36am ko na nasagot dahil tulog ako, sabog yung phone ko sa missed calls nila. Hindi ko alam basta bigla nalang akong kinabahan nang angatin ko ang tawag ng Papa mo.

"Tito...?"

"Abbey... Anak... Magbihis ka, susunduin kita." Yan lang ang sagot ng Papa mo at pinatay na niya ang tawag.

Nagbihis ako. Kinalma ko ang sarili ko. Baka kasi isa na namang nakakalokong surpresa ang hinanda ng magaling kong boyfriend.

Inantay ko sa labas si Tito, pagdating niya sumakay agad ako. Neutral lang ang Papa mo. Kaya nakampante lang ako. Hindi ako nagtanong kung saan kami papunta hanggang sa makarating tayo sa hospital.

Kinakabahang tiningnan ko ang Papa mo at nakita kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

"Tito..." Naiiyak na sabi ko.

Inakay niya ako papasok sa hospital. Nung mga oras na yun, nanginginig na yung buong katawan ko. Kung hindi lang ako hawak ng Papa mo ay marahil nagcollapse na ako.

Tumigil kami sa Emergency Room, doon kita nakita. Duguan, halos di na kita makilala. Walang lumalabas na boses sa bibig ko. Para akong pipi na nakakapagsalita. Yung buong katawan ko parang binuhusan ng malamig na yelo. Unti-unting bumagsak ang luha ko. At habang pinagmamasdan kitang lumalaban para mabuhay, ipinagdarasal ko noon na sana kayanin mo pero nang marinig ko ang nakakabinging tunog, senyales na wala kana, napahigpit lang ako ng hawak sa Papa at Mama mo. Hindi ko alam kung huminga pa ako sa puntong yun.

"Wala na siya anak..." Yan ang huling narinig ko sa Papa mo bago nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako na yakap-yakap ng Mama mo habang ang Papa mo ay nakikipag-usap sa mga pulis.

"Abbey..." Sambit ng Mama mo, mugto pa ang mata niya.

Niyakap ko siya at umiyak lang sa balikat niya. Ipinikit ko ang mga mata ko, pilit na ginigising ang sarili ko sa masamang panaginip na to pero wala. Walang nangyayari.

Matapos siguro ng kalahating oras na nagusap ang Papa mo at mga pulis ay nilapitan niya ako at kinausap.

"Abbey, anak... Andito sa envelope na to yung mga gamit ni Sky." Sabi niya sabay abot sa akin ng plastic sealed na envelope. Nakita kong pinipilit niyang tanggapin ang lahat. Pinipilit pa din niyang ngumiti kahit hindi na niya kaya.

Pinagmasdan ko ang mga gamit mo. Wallet, relo, at yung couple ring natin na may mga bahid pa ng dugo. Naiyak nalang ulit ako habang yapos ko ang mga yun.

Sabi ng Papa mo, pauwi kana ng bandang alas dose galing sa trabaho dahil nag-overtime ka. Dumaan ka pa sa 24 hours na flower shop para bumili ng isang bouquet ng white roses dahil anniversary nga natin.

Pauwi kana nang mga oras na yun, hindi ka naman uminom o lasing at hindi ka din inaantok sa pagkakaalam ko. 30 minutes away ka nalang sa bahay nang biglang banggain ka ng isang SUV din mula sa kanan mo sa may crossing. Mabilis ang takbo ng sasakyang bumangga sayo dahil nakastop ka lang. Nawalan ito ng preno at ikaw ang nabangga kahit pilit nitong iwasan ka.
Sa sobrang lakas ng impact ay wasak ang buong sasakyan.
Para lang siyang pelikula Sky, parang hindi ko maisip na mangyayari sayo yan, sa atin.

Ayokong maniwala Sky... Gumising ka diyan, sabihin mong isang malaking joke lang to. Please...

Ang hirap Sky, walang araw na hindi ko pinilit na maging okay pero sa bawat paghinga ko lagi kong naiisip na andyan ka lang pero wala na. Wala na Sky. Wala na yung taong pinaglaanan ko ng lahat ko. Wala na yung magiging ama ng mga anak ko at katuwang ko hanggang pagtanda. Wala na yung pagsasabihan ko lahat ng pangarap ko at kasama kong tutupad lahat ng yun. Wala na yung taong nagbibigay ng lakas at pag-asa sa akin.

Dahil lang sa isang masamang pangyayari na hindi natin kontrolado nawala ang lahat-lahat sa atin.

Sobrang sakit Sky, kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan yung sakit kahit na isang taon na ang nakakalipas. Hindi ka madaling kalimutan, hindi madaling kalimutan lahat ng meron tayo. Hindi madaling kalimutan ang isang taong mahal na mahal ko ng sobra.

Wala akong sinisisi sa nangyari dahil isang aksidente iyon. Pero galit ako sa mundo, galit ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para sana andito ka pa sa tabi ko.

Sana hindi nalang kita pinapasok sa trabaho nang araw na yun para andito ka pa ngayon sa tabi ko. Para sana hindi ka nawala at hindi ka kinuha sa akin ng mundo.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula Sky, hindi ko alam kung kelan ako magigising sa masamang panaginip na ito.

Masaya ka ba diyan sa mundo mo ngayon? Naalala mo pa kaya ako? Nakikita mo kaya akong umiiyak ngayon, nahihirapan at nagdurusa sa pagkawala mo?

Andito ako ngayon sa puntod mo, uubusin ang buong araw na makasama ka kahit hindi kita mahawakan, hindi ko marinig ang boses mo, hindi kita mayakap. Masabi ko mang mahal na mahal at miss na miss na kita, hindi mo na yun masasagot, hindi mo na yun maririnig o mararamdaman.

Sky, kung nandito ka ngayon, payakap. Hindi ko na kaya...

A Love That Lasts ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon