Epilogue
(POV ni Sky)"Ang pagmamahal sadyang napakahiwaga, napapaglapit niya ang dalawang pusong nagkalayo, naliliwanagan niya ang pusong puno ng galit, nahihilom niya ang bawat sakit at sugat na ginawa ng panahon, nagagawa niyang pangitiin ulit ang isang taong kinakain ng lungkot."
Matapos kong marealize na wala na pala ako sa mundong ibabaw; isa nang multo na pagala-gala, narealize ko na kahit pala hindi ako nakikita, nararamdaman o nahahawakan at nakakausap ni Abbey ay patuloy pa din ang pagmamahal ko sa kanya. Narealize ko din na kahit nasa kabilang-buhay na ako ay patuloy pa din ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
Isang taon na ang lumipas, o mahigit na yata? Hindi ko alam. Iba daw kasi ang bilis ng panahon sa mundong ibabaw kumpara sa mundong kinalalagyan ko ngayon. Parang ang isang taon dito ay katumbas ng isang dekada sa mundong ibabaw.
Mula noong napagtanto kong isa na lamang akong kaluluwa, binantayan ko si Abbey at hindi kailan man iniwan. Yun naman ang pangako ko diba? Nawala man ang pisikal kong katawan, maski ang kaluluwa ko nalang ang manatili para sa kanya.
Okay na si Abbey, may ngiti na ulit sa kanyang mga labi at mata. Nagawa niyang ipagpatuloy ang buhay niya sa kabila ng pagkawala ko. Masaya na siya ngayon, yun din ang nais ko.
Masaya siya hindi dahil may dumating ulit na nakapagpasaya sakanya. Hindi na naghanap ng iba si Abbey, nangako siya na hanggang pagdating niya sa kabilang buhay ay mananatili siyang akin lang. Nais ko din na sana bigyan niya ang sarili niya ng pagkakataon na magmahal ulit pero naisip ko na kung ako ang nasa kalagayan niya hindi ko na din magagawang magmahal ng iba.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko Sky..."
Yan lagi ang naririnig ko kay Abbey kapag bumibisita siya sa puntod ko. Every weekend niya akong binibisita na parang binibisita lang ako sa bahay. Lagi niya akong kinukwentuhan ng mga nangyayari sakanya, ang ganda-ganda pa din niya tuwing nakangiti siya. Siya pa din yung Abbey na masayahin, palatawa at matapang.
Sobra akong proud sa kanya na kahit wala na ako ay nalampasan niya yun. Mahirap, nakita ko ang hirap niya nung mga panahong bago palang ang sugat. Ako din naman nahirapang tanggapin yung nangyari sa amin.
Pero sabi ko nga, ang pagmamahal nakakayang labanan lahat. Sa nangyari sa amin ni Abbey, masasabi kong matatag talaga kami. Pinaghiwalay man kami ng panahon, magkikita kami pa din dito sa kabilang-buhay.
Teka, may nakikita akong paparating...
Si Abbey, Sabado nga pala ngayon. Papalapit na siya...
Inilapag niya yung bulaklak sa puntod ko; white roses. Naupo siya na parang alam niyang nakaupo din ako dito at nakaharap sa kanya.
Ayan nagkukwento na naman siya, sa trabaho niya, yung makukulit niyang manliligaw. Yung mga kaibigan naming andiyan pa din para sa kanya.
Natapos na din daw niya yung 1-year course niya sa Culinary. Kahit naman hindi siya mag-aral magaling na siyang magluto dati pa. Pero pangarap niya yun kaya sinuportahan ko siya ever since.Bigla siyang napatigil, nagtaka din ako. Inilabas lang pala niya yung paboritong Iphone niya at earphone. Buhay pa nga pala yung mga yun.
Inilagay niya yung earphones sa puntod ko na para bang sa akin niya isinuot.
May kanta siyang pinatugtog. Alam ko 'tong kantang to, paborito niya to e...
Lagi siyang nagpapatugtog ng mga comforting songs galing sa mga bandang paborito niya. Nasanay na din akong everytime na binibisita niya ako e laging may bago siyang kanta siyang ipaparinig sakin.
Tahimik lang siya at pinagmamasdan ang paligid at ang langit.
"Hindi magiging hadlang na nasa kabilang-buhay kana ngayon at andito pa ako Sky. Darating yung araw na magkakasama tayo ulit. Hintayin mo ako dyan ha? Salamat sa lahat Sky, sobrang sakit ng nangyari sa atin pero alam kong ayaw mong malugmok ako. Lagi mong sinasabi sa akin na kaya ko, kaya natin. Kaya kinakaya ko, dahil sayo, dahil sa pagmamahal mo. Alam ko Sky, nandyan ka lang nakabantay sa akin. Alam kong kahit kailan di mo ako iniwan. Katawan mo lang ang nawala, pero ang pagmamahal mo buong-buo pa din. Kaya hindi ko na magawang magmahal ng iba dahil alam kong para sayo lang ako. Mahal na mahal kita Sky..."
Ayan nagdradrama na naman siya. Pero sa totoo lang kinikilig ako. Hehe. Sabi sa inyo e, kapag tunay na pag-ibig walang makakapigil.
Sabi nga ng kanta, "I will never let you fall, I'll stand up for you forever, I can make it through it all, even if saving you sends me to heaven..."
Kahit pa magkalayo kayo sa kahit anong paraan, kahit pa sa tingin niyo wala nang pag-asa, hindi doon natatapos lahat.
Kapag sabay kayong lalaban para sa pagmamahalan niyo, walang kabilang-buhay, walang malayo, walang mahirap na sitwasyon, walang masakit na pangyayari, walang sumusuko, walang bumibitaw.
Etong kwento namin ni Abbey ay isang ordinaryong kwento lang. Maaaring maranasan din ng iba sa inyo pero sana narealize niyo kung ano ang mga aral na pwede niyong mapulot habang binabasa niyo ang kwento namin. Siguro nga kaluluwa nalang ako, imposibleng may forever pa kami ni Abbey pero hindi. Totoong may forever, hihintayin ko nga siya dito diba? Kahit matanda na kaming dalawa. Kahit dito sa kabilang buhay pa.
Naniniwala kasi ako na kaming dalawa ang para sa isa't-isa, hindi pa tama yung panahon para magkasama kami habang-buhay noong nabubuhay ako. Kung ang kwento namin ay matatapos dito sa kabilang-buhay, hihintayin ko siya kahit gaano pa katagal.
Kaya kung mahal niyo ang isang tao, hangga't kaya niyong iparamdam na mahal niyo sila gawin niyo.
BINABASA MO ANG
A Love That Lasts Forever
Historia CortaIt's a one shot story. Worth reading tho. Napublish na siya as a Note. Pinublish ng kaibigan kong writer sa page niya and overwhelming ang feedback ng mga nakabasa. I published this on my account here in Wattpad since its mine naman and im trying to...