Ang Roommate ko: 'Bekimon falls for miss .Gay-hater"( not yet completed)

381 3 0
                                    

Chapter 1: Ang roommate ko: "Bekimon falls for ms. Gay-hater" meet the cast

Isa ka bang lalake 

na may pusong babae?

Pero ipinagkait sayo na maging isang tunay na babae, 

yung tipong pang miss universe ang ganda mo, matangkad, 34-24-34 ang katawan mo sa kaseksihan, at lahat ng lalake, babae, tomboy, matanda, mapahayahop , at lahat ng nilalang napapalingon sa pagdaan mo while waving ur long long hair. Napapanganga at napapatulala pa sila sa kagandahan mo. Nasa ganun kang scenario ng biglang dumilim ang paligid mo, umihip ang malakas na hangin at nawala lahat ng nasa paligid mo. At narealize mo na panaginip lang pala ang lahat ng iyon, dahil ang totoo isa ka lang palang bekimon, bading, shokla, shokoy at kung ano- ano pang term sa mga gay.

Ang saklap diba.? 

At mas masaklap dahil kahit anong gawin mo hindi ka kayang mahalin ng mga lalaking minahal mo dahil pera lang pala ang habol nila sayo.

Pero posible kayang ang isang bekimon ay mag-turn into true prince?? At mainlove sa isang probinsyanang old fashion, conservative, at  gay-hater? 

At ano kaya ang kalalabasan ng istoryang ito kapag pinagsama ang dalawang nilalang na magkaibang-magkaiba ang personalidad

At pananaw sa buhay?

A/N: sana po magustuhan nio ang first ever story ko.. 

:)..

---------

Ako nga pala si kerbi Troy Agustin aka Barbie. 18 yrs of  age. Ang diyosa ng istoryang ito, maganda, mestisa, matangkad at syempre madatung...Isa sa pinakamalanding beki ng kursong Mass communication ng State filidelpia University . Well madami lang namang fafa ang dumaan sa bulife ko. At take note ndi mga basta bastang fafa ang mga itey, syempre choosy ang lolabels nio, mga modelo, gwapo, macho, gwapito, hunk, gwapo ulit, well kung napapansin nyo puro gwapo ang dinidescribe ko, basta yan lang ang makita ko ay keribels na, madatong naman ang lolabels nyo eh.. Hehehe.. 

Pero may fafable talaga akong labis na kinahuhumalingan, ang hearthrob ng turning 2nd yr college BS secondary education, ang super ever pogi kong fafa.....si fafa Cyrus.!!! Eeee! ..Deds na deds talaga ko sa kanya, pero hanggang sulyap nalang ata ako sa kanya. Siya kasi ang tipo ng fafa na wholesome, ayyyiee!! Nikikilig aketch!! Ang pogi, matangkad, maputi, at ang katawan, soooo hooot!! Nakita q ang katawan niyang malaadonis nung sumali siya sa Mr. And Ms. Educ. At syempre sya ang nanalo.. Eeeee!! Anubey!! At isa pa, member din cia ng filidelpia basketball team.

Ayan nakilala nio na ako..oh sya, gorabels muna ang lola nio, ang daming hot fafa na naman na nagbabasket ball sa gym ng school at syempre for sure andun ang fafa cyrus ko..  Eeeeeek!!! Oh sya babush!!

-------------------

Hay, salamat naman umalis na si bakla.. Kairita, kanina pa tumitili, kalalaking tao.. Hindi umayos.. Hehe.. Ooops!  Iniisip nyo siguro ang bad ko no? Unang pagpapakilala ko palang inaaway ko na kaagad si bakla.. Well ganyan kasi ako magpakita ng love sa kanya hehe..  

 p.2

Pero mabait po ako kahit gay-hater ako. Siguro nagtataka kayo kung bat ako naging ganun, pero may dahilan iyan, malalaman nio rin.. :)

 Magpapakilala na nga pala ako

Ahem! Ako nga pala si Cherry ann Miranda, 18 yrs old, isang probinsyana na nagmula sa baguio.. At dahil isa akong probinsyana, conservative ako kaya naman ang palagi kong suot ay maluluwag na damit, at mahahabang palda, old fashion kung baga. Sabi nila  mabait, masipag, matalino at maganda daw ako..Hmm.. Siguro..( flattered naman ako dun hehe ) Panganay kasi ako sa aming limang magkakapatid, 1 taon akong huminto ng pag-aaral  sa kolehiyo dahil sa kakapusan ng pera, kaya laking pasasalamat ko at pag-aaralin ulit ako ni tiya thelma, kapatid ng nanay, nagtatrabaho siya ngayon sa california bilang DH ...

At ang nakakatuwa pa sa makati pa niya ako pag-aaralin. Ang saya saya ko, ang sabi nila maganda daw sa syudad at halos lahat ng tao dito sa amin ay pangarap makapag-aral doon. 

Kaya maswerte tlga ako. Maipagpapatuloy ko na ang kursong BS secondary education major in english at 2nd yr na ako sa pasukan. Sana maging maganda ang maging buhay ko  sa makati at makatapos ako nang  makatulong ako sa pamilya ko. Malungkot man na malalayo ako sa kanila, gagawin ko naman ito para sa ikabubuti ng lahat..

May mga kababata na din akong nakapunta doon at nakipagsapalaran pagkatapos naming gumaraduate ng high school, yung iba maganda naman ang naging buhay nila pero madalas yung iba sawing palad na bumabalik sa probinsya dahil sa kakulangan daw nila sa pinag-aralan,, 

High standard daw kasi ang hinahanap na empleyado sa syudad, eh dahil nga sa high school lang ang naabot ng karamihan sa kanila, katulong lang ang pwede nilang pasukan. Minsan masaklap pa ang kinahahantungan nila, uuwi silang may throping bitbit para sa magulang ( ibang thropie po iyon hehe.. Anak po un) after nilang mabuntisan ng tumakas na walang hiyang ponsyo pilatong ama ng dinadala nila..

Kaya naman, bitbit ko ang mga pangaral ng magulang ko, bago ako umalis ng probinsya..  

At ngayon nga ay palulan na ako ng bus patungong maynila... 

--------------

A/N: sa mga next chapter nio pa po malalaman ang ibang personality ng mga casts but here are the names of them... plss..  vote and comments po.. 

--------

other cast:

Cyrus Andrew Lumuares- may lihim na gusto kay cherry  

and

Marla Santiago- may lihim na gusto kay cyrus

 ---mga classmates at  close friends ni cherry, at magtatanggol sa kanya laban sa forces ng tatlong inggetera nilang classmates

Sherlyn  Adamson

Hannilyn jane Carcel

Jenny Trish Benito----------

ang manggugulo sa buhay ng ating bida...

Sally Santilian-pinsan ni cherry

larry Gomez- bf ni sally

tiya thelma- tiya ni cherry at nanay ni sally

Greta 

at

Ally----

mga new found beki friends ni kerbi

Ang Roommate ko: 'Bekimon falls for miss .Gay-hater"(  not yet completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon