Chapter 12: patayin sa sindak si bakla!!!

139 3 7
                                    

Kerbi's POV

maaga ang uwian ko ngayon kaya bago pa ako umuwi namasyal muna kami ng beki kong friends sa mall..

Syempre sight seeing ng mga fafables... Flirt doon, flirt ditey...

Binili ko na din yung inuungot kong new cp at laptop kay mudra.. Syempre dapat ako ang unang makabili ng bagong model na yun bago pa aketch maunahan ng mga classmates kong adik din sa gadgets.. Pabonggahan kasi kami sa classroom ng gadgets.. Papatalo ba naman ang lola niyo? Never!!

Ayun.. At dahil nga usong-uso ngayon ang movie na "the conjuring".. Hindi ko na kineri ang blockbuster na pila sa sinehan.. I don't want to waste my time just to make pila there if there are ways to easily watch it..hehe

 di ko na sasabihin senyo kung pano.. Gayahin niyo pa ko.. Ma-raid pa yung pagbibilhan ko ng dvd..hahaha.. Echoss!!

Ayun, pagkauwing pagkauwi ko..tintry ko kagad yung laptop ko.. Browse browse muna.. Then nung nagsawa na. Sinalpak ko na yung dvd para manuod.. Syempre, para mas magmukhang nasa sinehan ako.. Pinatay ko lahat ng ilaw sa kwarto.. As in.. Para naman effective ang pagkatacute ko dava!!

Kinuha ko na din yung popcorn na binili ko with matching softdrinks.. At prenteng pinatong ang unan  sa lap ko para mas relaxing habang naka-indian sit ako sa kama ko..

-----------

A/N: hindi ko pa po napapanuod yung the conjuring.. Hindi na kasi ako mahilig sa mga horror movies..hehe.. Kaya pls bear with me.. If gagawa nalang me ng sarili kong scenes.. :)

--------------

Halos nakakakalahati na ko sa pinapanuod ko..grabe nakakatacute talaga siya.. Sa sobrang tacute ko pa nga at shocking.. Nagkakakandapon na sa higaan ko yung popcorn.. Pinupulot ko na lang..sayang naman.. Hahaha..

Nasa part na ko kung saan, tumatakbo na yung bidang babae tsaka lalaki at hinahabol sila nung pumapatay... Grabe, dalawa nalang silang natitira sa.. Takbo lang sila ng takbo sa masukal na gubat..

Huhu.. Nakakaawa naman sila.. Lalo na yung otokung bida.. Ang hot fafa pa naman niya.. Kung ako lang yung pumapatay..rereypin ko muna si hot fafa bago ko siya tigukin..hahaha.. Ang green ko ba.. Syempre magpakapractical ka na.. Nasa 'yo na yung pagkakataon, sasayangin mo pa ba.? Hahaha

let's go back to the movie.. Ayun.. Malapit ng maabutan yung babae, nadapa kasi siya.. Napapatili naman ako..  Pero dahil ayaw kong mag-iskandalo.. Ginamit kong busal yung unan ko..hahaha..  Busal talaga eh no.. 

Tumitili na si girl kasi malapit na sa kanya yung killer. Haay!!! Kalerki!!  Ang tanga mo kasi!! Bat ka pa nagpadapa!!  Eeeeeee!!!  Pinikit ko na yung mata ko kasi tinaas na nung killer yung karit niya. 

Just from one blink of my eyes. I saw blood scattered from the girls head...tsk!! Tsk!! Kawawey naman..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Roommate ko: 'Bekimon falls for miss .Gay-hater"(  not yet completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon