Chapter 2: welcome to makati

154 2 0
                                    

Cherry's POV

whew! Sa wakas nandito na din ako sa makati. Kanina habang nasa biyahe ako , eh napapahanga ako sa taas ng mga building na nakikita ko. 

Totoo nga ang sabi nila

, maganda nga dito ang kaso wala ka ng makitang mga puno, siguro kung makakakita ka man ay yung mga puno lang na tinanim sa gitna ng daanan.. Kaya naman grabe ang polusyon dito. Pakiramdam ko ay pagka-lagkit lagkit na ng mukha ko dahil sa usok.

Lumingon lingon ako sa paligid , kabababa ko palang kasi sa bus at kasalukuyan akong nasa bus station. Ang sabi kasi ng pinsan kong si sally , anak ni tiya thelma. Dito nya daw ako susunduin, kasalukuyan din kasi syang nag-aaral dito sa makati. 

BS nursing naman ang kusro niya sa magiging school ko, ang State Filipelpia University. 3rd yr na sya ngayong pasukan. Siya nga din ang tumulong sa akin sa pag-eenroll ko , siya ang umasikaso ng lahat ng kailangan ko, yung mga requirements ko pinapadala nalang namin sa LBC para makuha niya.. 

Masyado naman daw kasing hussle kung papupuntahin niya pa ko dito kasi masyadong malayo ang biyahe at medyo mahirap ang pag-aasikaso ng mga papeles, at isa pa nagtatrabaho din kasi ako doon sa baryo namin, tumulong ako kina inay at itay sa paninda namin sa palengke.. Kaya thankful talaga ako sa pinsan kong iyon..

"Cherry!! Cherry!".. Naririnig kong may tumawag sa pangalan ko..

"Sally!! Eeeee!!" tuwang tuwa ko siyang  niyakap pagkakita ko sa kanya.. Hay! After 3 yrs, ngayon lang ulit kami nagkita. Kaya naman ganun nalang ang tuwa ko ngayon..

"kanina pa ko dito, mabuti naman at dumating ka din" sambit niya pagkatapos naming magyakapan ng matagal.

"Naku eh alam mo naman matagal ang Byahe papunta dito, nalobat na halos ang cp ko kaya hindi na kita matxt kung nasan na ba ako. Salamat  naman at hindi ka nagsawang hintayin ako dito.. Hehe" naupo muna kami sa mga bench na naroon. Ang dami ko din kasing bitbit na bagahe.

"Muntik na nga akong umuwi kaagad sa sobrang inip eh, mabuti nalang may pogi akong nakatabi kanina at nakachikahan.. Hihi.. Asan na nga pala yun at ipapakilala kita" kinikilig pa ito habang hinahanap yung sinasabi niyang gwapo.. Talaga tong si pinsan.. Haha

" Ikaw talaga puro lalaki ang nasa isip.. Baka gusto mong isumbong kita kay larry at kung sino sino ang nilalapitan mo" biro ko sa kanya. Mukha naman itong natakot kasi namutla yung kulay niya. Halatang guilty. Haha

"U-uy wag! Nakipagkwentuhan lang naman ako sa kanya noh. Ano ka ba. 'wag na nga lang natin hanapin yun. Umuwi nalang tayo. Basta 'wag mong sasabihin kay larry yun ah.. Naku yari ako pag nagkataon.." natawa nalang ako at tumango sa kanya

pumara na si sally ng taxi at ipinasok naman ni manong ang mga bagahe ko sa likod ng sasakyan. Tsaka kami pumasok sa loob. Habang nasa byahe kami panay lang ang kwentuhan naming dalawa. At madalas siya ang nagkukwento. 

Halos magkaidaran lang kaming dalawa, at halos sabay na lumaki at laging magkasama dahil kaming dalawa lang ang parehong panganay na babae sa aming 

Ang Roommate ko: 'Bekimon falls for miss .Gay-hater"(  not yet completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon