Chapter 5: Sa mall

96 1 0
                                    

Kerbi's POV

Grabe. Ang sakit ng kamay ko. Bruha yung merlat na iyon.. May balak pa atang patayin ako. Kawawa naman ang beauty ko, daig ko pang ni-rape ng sampong kabayo sa tindi ng bugbog na natamo ko. 

Una nalaglag ako sa double deck. Mataas din yung pinagbagsakan ko dun ah, pangalawa kinagat ako ng bruhang yun.. Baka mamaya magkarubbish pa ako dahil sa laway niya at mamatay ako. Pano nalang ang mga fafa ko. Huhuhu.

Bukas na bukas, magrereklamo ako kay tita olive at patatalsikin ko ang bruhang merlat na to sa palasyo ko.. For sure hindi ako matatanggihan nun. Ang tagal ko ng tenant dito. Magti-three yrs na ako dito. Walang panama ang mukhang manang na iyon.

Ano ba namang klaseng fashion ang meron siya. Daig niya pang madre kung manamit. Ang hahaba ng mga damit at palda. Tapos ang luluwang pa. At maganda nga sana ang nakatirintas niyang mahabang buhok. Kaso ang daming split ends.. Eeew!!

San bang lupalop nagmula ang nilalang na ito? Tinaas taas ko ang mapipilantik kong kilay sa kanya habang nakayuko siya. Walang umiimik sa aming dalawa sa kinauupuan namin.. Nasa ganoon akong pagsusuri sa kanya ng inangat niya ang kanyang ulo. Bigla kong binaling ang tingin sa iba.

"So-sorry". Nakakagat labi nitong sabi.

Napataas ulit ang mapipilantik kong kilay. Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Tss! Kulang pa iyon sa lahat ng ginawa mo! Sabi ko sa loob ng isip ko.

Pilit naman akong ngumiti. Na kunwari ay tinatanggap ko ang kanyang sorry. "hmmm. Actually, kasalanan ko din naman kasi napagkamalan kitang si fafa barron. Pasensya ka na din" kunway sincere kong paghingi ng sorry sa kanya. Mukha namang madali ko siyang napaniwala at lumiwanag agad ang mukha niya at ngumiti.

" Salamat.! Mabait ka naman pala. :D. Hmmm. Ako nga pala si cherry. Cherry ann Miranda. Taga baguio ako. Bagong dayo lang ako dito. Dito na kasi ako mag-aaral sa STU". Pagpapakilala niya sa sarili..

Nginitian ko lang ulit siya. Ahh. Bagong dayo ka pala huh.. Evil smile!!! Hehehe! 

"Im kerbi troy Agustin. You can call me barbie, that's my nickname." sabi ko sa kanya.

"barbie? Ibig sabihin, bading ka?" di makapaniwalang tanong niya. Tss! Bakit ngayon lang ba siya nakakita ng magandang bakla. Haha

"yeah. Trulalu, walang halong eklabu girl".. Tila napapaisip naman ata siya sa sinabi ko. Bakit, anong problema niya sa tulad kong bading?

"anyway.. I have to sleep na. It's already 4:15 am.." tumayo na ako at pumunta sa higaan ko.

Tumango lang siya at tila bumalik sa pag-iisip..

Hinayaan ko nalang siya at hindi na nag-abalang tanungin. Mukha kasing wala pa siyang balak bumalik sa pagtulog. Siguro naiisip na niyang umalis at lumipat sa ibang dorm.. Hahaha.. Edi maganda. Hindi ko na kakailanganin ang powers ko para mag-isip kung paano ko siya mapapatalsik dito.

Ang Roommate ko: 'Bekimon falls for miss .Gay-hater"(  not yet completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon