Kabanata 2

25 4 0
                                    

Dedicated to: CharlesFredAgustin

Panaginip lang pala.

Haist nakakaasar. Panaginip na naman! Hindi ko alam kung bakit ganon yung mga napapaginipan ko this past few days. Laging ganon. Umiiyak daw ako. Tas yung nararamdaman ko puro galit at kahihiyan. 

Hay nako. Hindi ko na nga lang iisipin yun. Malabo namang mangyari sakin yon. Dahil alam kong masaya ako ngayon, at madaming taong nagmamahal sakin. 

Bumangon nako sa pagkakahiga ko. Nakita kong wala na sa isang kama yung kuya ko. Ako na naman ang huling nagising. Niligpit ko na agad yung higaan ko. Dahil tiyak na papagalitan ako ni papa. 

Pagkababa ko. Nakita ko na sila sa sala na kumakain. Hindi nila ako ginigising dahil hindi hilig ng papa ko ang manggising ng taong natutulog. Hahahahaha.

Ang pamilya ko. Isa na sila sa mga nagmamahal sakin. Kaya lagi akong masaya. Wala na nga akong hihilingin pa. 

Umupo agad ako para kumain. Well. Pagkain to e. Ang pinakahilig ko ang kumain. 

Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako si Hailey. Bale ako ay Grade 11 na sa darating na pasukan. 
May dalawa akong kapatid. Sila si Kuya Henry pati si Kuya Hace. Nako. Sobrang napakasuplado nyang dalawang yan. Well sa ibang tao. Nagmana kasi sa tatay. Hahahaha. Ako yung bunso kaya sobrang kawawa ako sa kanila. Laging bawal don. Bawal dyan. Hindi pwede dito. Hindi pwede dyan. 

Buti pa si papa. Hindi masyadong ganon. So sa pamilya namin. Ako lang yung babae. Ang saya diba? Kaya nasanay narin akong lalaki mga kaibigan ko.


"Hinay hinay naman sa pagkain Hailey. Mamaya mabulunan ka dyan." Sabi ni papa. 

"Tsk. Nako Hailey. Yang mga bacon na naman ang kinakain mo instead sa mga fruits." Ani kuya Henry.

"Oo lagi yang ganyan kuya. Kaya tignan mo ang taba. Hahahahahaha!" Kantyaw ni kuya Hace.

"Argh kuya di ako mataba! Tama lang katawan ko. Palibhasa kasi ikaw payat. Hahahahahaha."

"Psssh. Tama na yan. Hahahaha. Mamaya magkapikunan na naman kayo nyan."

Okay tahimik nako. Sabi ni papa e. Ayaw ko na ng gulo.

Nakain na lang kami ng tahimik ng biglang nagsalita si kuya Hace.

"Hailey, may lakad pala kayo mamaya nila Simmon pati yung kapatid nya, si Sania. San punta nyo?"

Ayy. Oo nga pala. May pupuntahan pala kami. Mamaya pa namang 10 yun.

"Oo nga pala. Magkukuha lang po kami ng mga pictures kuya."

"Ahhh. Hailey mukhang adik ka na talaga sa mga pakuha ng pictures. I like that hobby of yours."

"Opo kuya Henry. Tsaka bakasyon naman na e. Kaya mapapadalas po kami."

"Nakoo bunso. Galaera ka ah. Mamaya pa naman yun. Pwede ka ng umalis pag nagawa mo na gawain bahay dito."

"Okaaay po."

Grabe wala parin akong kawala. Tsaka sinanay naman kami ni papa na wag umasa sa katulong. Maging aware padin sa mga gawaing bahay. Walang special special samin.


---------


"Haileeey! Andito na sila Simmon! Pinapasok ko muna. Bilisan mo na dyan!"

Sakto lang ako. Kinuha ko na yung camera ko. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

"Hays, Hai, grabe babae ka ba?"

Natawa na lang ako. Nako. Makababa na nga.

Nakita ko sila sa sala. Aba. Nagchichikahan na naman sila ni Kuya Hace. Close na close sila. Pano kasi yung ate nila Simmon at Sania, si Ate Samriel, jowa ni kuya Hace. Kaya ganyan sila.

"Sabihin mo sa ate mo. Magkikita rin kami." Ani Kuya Hace. 

Si kuya Hace 4th yr college na this school yr. Tas si ate Samriel graduated na, after nyang makagraduate pumunta agad sya sa Singapore kasi may naka ready na syang job dun. Kaya ngayon tiis tiis muna sila ni Kuya Hace. Hays. Ang tatag nga nila e. Pero wala pading forever you know that folks. 

"LETS GO GUYS!" Pang epal ko sa kwentuhan nila.

"Tagal mo Lee, kanina pako dito e. Naghintay na naman ako. Ok lang sanay naman ako maghintay." Ani Simmon.

"Hays Kuya, batukan kita dyan e." Kantyaw ni Sania lil sis ni Simmon. 

"Oh sya, kuya Hace alis na kami." 

"Oh cge ingat kayo. Simmon yung bilin ko sayo ah!" 

"Ahh. Ok po. Ako pa ba?" With matching grin style pa si Simmon.

Nako. Unti na lang magkapatid na sila. Tsk tsk. Nahahawa si Simmon sa ugali ni kuya e.

---------

Kailan Kaya? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon