Kabanata 1

30 3 0
                                    

Dedicated to: marcelosantosiii

Ang simula

Tumatakbo nako.

Hindi ko na kaya ang nararamdaman ko.

Bakit ba nangyayari sakin to? Ayoko na! Lagi na lang ako.


Ako na ata lahat nakasalo ng bawat masamang dapat mangyari sakin.

Bakit lagi sakin? Ako na lang ba lagi nakikita mo?

Ako na lang ba lagi? Bakit mo ginagawa sakin to?

Hindi pa ba sapat lahat ng pighati at mga hinagpis na naramdam ko?

Umalis ako dun, dahil sa pagkakaakala kong hinding hindi mangyayari sakin lahat to.

Akala ko, magiging masaya lang ako habang buhay.

Pero hindi. Nagkamali ako. Maling mali ako.

Takbo lang ako ng takbo, hanggang sa nararamdaman kong umaambon.

Wala akong pake, bat pako sisilong, kung halos lahat ng iniyak ko, pag inipon mo, at binuhos sakin, ay basang basa nako.


Hindi ko na mapigilan. Sumasabog nako. Sumasabog dahil sa pagkalugmok ko.



Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Pero ang alam ko lang. Gusto kong lumayo sa lahat ng tao.

Ayokong makita nilang ganito ako. Sobrang kahihiyan na ang naranasan ko.


Saktong umulan pa ng malakas. Ayan! Tamang tama ang nararamdaman ko katulad ng langit.

Lalo pakong umiyak ng umiyak.


Iyak. Oo. Iyak lang ang magagawa ko sa ngayon.

Hinang hina nako. Ayoko na.

Isang salita lang. Ayoko na.

Halo halo ang nararamdaman ko. Wala nako sa wisyo. Basta takbo lang ako ng takbo.

Gusto ko lang sana sila takbuhan.

Kung matatakbuhan ko lang din pati ang mga problema ko.


Edi sana pagtakbo na lang ang gagawin ko, sa tuwing may problema.

Pero alam ko na hindi pwede yun.



Takbo lang ako ng takbo.

Hanggang sa may ilaw na tumapat sa mukha ko. Ilaw na sobrang nagpasakit sa mata ko. Wala akong makita.

Eto na ang hinihintay ko.

Hanggang sa nagising ako.

Badtrip.

Kailan Kaya? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon