Kabanata 3

29 2 2
                                    

Dedicated to: areyaysii

Larawan

"Lee, eto magandang view oh. Tignan mo ang ganda din ng background" turo ni Simmon sa puno. Kakaiba nga tong puno na to. Parang sya lang yung nag exist sa buong paligid. Naglalakad lang kami. Para mas masinop namin lahat ng pwedeng ipicture. Naging Hobby na namin to ng mga kaibigan ko. Dati sama sama pa kaming lahat. Kaso ngayon bakasyon kaya malabo yung iba. Kami lang nila Simmon. Tas kaya pinasama na namin si Sania. Para di lang kaming dalawa. 


"Tapos ko nang kuhanan. Wait mga 30 minutes na tayong naglalakad. Seryoso, di ko naramdaman." "Ako ate Lee, kanina ko pa nararamdaman. Nagugutom na nga ako e. " ani Sania. Ang cute talaga netong batang to. Grade 6 pa lang sya sa pasukan. Babae. Well alaga din ng kuya nya. 


"Ay ganon ba. Cgee, break muna tayo, kain tayo ng ice cream dyan lang sa malapit may alam ako." Ani Simmon. May ngiting kumurba sa labi ko.

Alam na agad ni Simmon yun. 

"Oo na Lee, ako nagyaya, sagot ko na!"

 Ang swerte ko talaga sa kaibigan ko.



----------


"Owmayghaaaad! ATE ANG GAGANDA TALAGA NG MGA KUHA MO! IDOL NA TALAGA KITA! ANG CUTE NETONG ASONG TO." sigaw ni Sania. Habang may laman pa ng ice cream yung bibig nya. Nandito kami sa mga benches, habang naisipan naming tignan yung mga kuha namin. 


"Tsk. Sania you're talking while your mouth is full."

"Eh kuya, naexcite lang naman ako. Sorry."

"Lee, ang cute nga netong asong to oh. San mo sya nakita?" Ani Simmon

"Ahh yan ba. Nakita ko lang yan kanina malapit sa puno. Akala ko nga sya lang mag isa e. Kaya pinicturan ko. Tas biglang dumating yung amo nya. Kaya umalis nako."

Ang cute nung aso kanina. Kaya ko napicturan.

Papunta ako sa gilid ng puno. Dahil may kumuha ng atensyon ko.


Mayroon akong nakitang aso na nakatali lang sya sa upuan na malapit sa puno. Hindi naman sya yung tipong kumakahol na aso. Tahimik lang sya. Kaya nilapitan ko.  Ang cute nya. Ang sarap nyang picturan. Kinuha ko yung camera ko. At nagtake ng ilang shots. Tas saka ko tinignan yung cam ko. Ang ganda ng pagkakuha ko. kahit medyo magalaw yung aso. 


lang sandali lang. Wala na sa harap ko yung aso. Hindi ko naramdaman na nasa gilid ko na sya. Kasama yung amo nya siguro... 


"Excuse me miss, pinicturan mo yung alaga ko?" Nagulat ako. Pataaay. Parang malalagot ako dito ah. Dyusko. 


Ang taray ng pagkakasabi nya. Suplado masyado.  Wala nakong nagawa kundi tumayo sa kinauupuan ko at tignan kung sino yun. 

"Uhm, oo e. Sorry. Kung gusto mo idedelete ko na lang."

"No need. Hobby mo siguro yan. Pero i dont care. Next time. Sana magpapaalam ka. My dog is not your property." Sabi nung lalake, pagtapos tinalikuran agad ako at naglakad palayo sakin. 

Grabe sya. Ang taray. Inenglish ako. Ang sungit sobra. Aish. 


"Leeee! Nakikinig ba?"

Bigla akong napabalikwas. Naalala ko pa kasi yung lalakeng yun e. Panira ng trip. Aish.  "Ahhh? Anong sabi mo Simmon?"  "Kanina pako nagdadaldal dito e. Di ka pala nakikinig. " sabay sad face. 

Aba aba. Aartehan pako neto. 

"ARAAAY NAMAN! ANG SAKIT AH! LEE NAMAN EH!

"Ang arte mo kasi. Tampo ka na agad dyan. Hilamos ko sayo tong ice cream eh."

"Aisssh. Pero di mo naman ako kailangan batukan e." 

"Okaaay. Sorry. Drama mo. Cut it. Ano ba sasabihin mo? 

"Sabi ko. Ihahatid ko na to si Sania sa bahay, kasi pagod na daw. Tsaka may gagawin pa daw sya. Tapos saka tayo pumunta kayla Threm." 

"Ahhh. Yun ba? Sige. Ikaw bahala." "Lika na Sania, hatid na kita." Sabay akbay sa kanya ni Simmon. 

Hays. Naalala ko yung sarili ko kay Sania. Ganyan din ako tratuhin ng mga kapatid ko lalo na si Kuya Henry nung bata pako.

-----------

Kailan Kaya? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon