Chapter 2: Two Warriors

368 11 1
                                    

Author's Note:

Nakilala na natin si Adam, ngaun naman makikilala natin ang iba pang mga tao na pinagtampo ng Fate... Hope you like this Chapter, and medyo booring pero important chapter po, coz we need to know kung pano sila nagkakilala....

ENJOY and tell me what you think...

Lets meet Le gang....

*****Two Warriors****

Albert's POV (Point of View)

"Albert??" sabi ng isang magandang babae ng bumukas ang pinto..

"Mama?!..." naluluha kong sabi......at agad iya kong niyakap ng mahigpit, naghalo ang emosyon ko, natutuwa ako, my halong kaba at takot. Ganiti pala ang pakiramdam ng yakap ng isang ina, ang sarap at nakakagaan ng pakiramdam....pareho kaming nanngungulila sa bawat isat

"Aaarraaay.." masakit kasi ung pisngi ko at braso ko, bigla ako pinakawalan ni mama sa kanyang mahigpit na yakap.

"Aaay sorry anak..nasobrahan ata ako ng higpit.." sabi ni mama habang tinignan ako mula ulo hangang paa " Teka nga...anung nanagyari sayong bata ka?!" pagtatakang tanong ni mama sakin habang pinapasok ako s bahay...

"Upo ka muna diyan sa sala, kukunin ko ang first aid kit,kaw talagng bata ka ooohhh..." sabi ni mama habang naglalakad palayo sakin,...pinagmasdan ko ang bahay nila mama...

Maluwang ang bahay at mukhang mamahalin din ang mga gamit, bigla kong naalala na negosyante pala ang napangasawa ni mama. Tumayo ako at umikot ikot sa sala, nakita ko ang mga larawan sa isang cabinet sa sala, picture ni mama at ng asawa niya, my picture din ng isang magandang babae mukhang di nagkakalayo ang edad namin... naging malikot ang mga mata ko at pinamasdan mabuti ang bagong bahay na aking titirahan. Biglang my yumakap saking babae at talon siya ng talo...

"Albert..ikaw bayan...woooow albert...sa wakas...naku ang saya naman nito..." sabi niya sakin at makikita mong sobrang saya niya ng makita ako... niyakap ko din siya, naramdam ko kasi yong tinatawag nilang lukso ng dugo...

"Oo ako nga si Albert , ikaw siguro ang kapatid ko.."sabi ko sa kanya habng nakangiti, at hindi nga ako nagkamali...sa wakas nakilala ko narin si Katherine De Vera ang aking half sister.

Si Kat ay kasing takad ko lang, mas maputi siya sakin , matanda ako ng isang taon 15 yrs old siya pero parehas kaming 4th yr student. Maganda si Kat , wavy ang buhok niya at pang model ang katawan niya, masayahin siyang tao tignan, pero makikita mong may pagka siga siya umasta, at sobrang kulit niya...

Habang nililinisan ni mama ang mga gasgas ko sa katawan, nagkwekwentuhan naman kami ni Kat tungkol sa subdivision at mga magandang punthan sa Maynila, tinanong niya din ako about kay tatay na never niyang nakita, makikita mo sa kanyang mata na nalulungkot siya . Bigla siyang ngumiti at sinabi niyang okey na daw ang pag transfer ko sa school nila, isang Private school ang papasukan ko, buti nalang matalino ako at nagaral mabuti kung hindi daw dahil sa grades ko hindi ako papayagang makapag-transfer...

Biglang nagsalita si mama at tinanong ako kung bakit daw ganito itsura ko, sabi ko naman nadapa ako kasi hindi mapakali si Bogart sa pagkahawak ko... tinawanan nalng nila ako, speaking of Bogart balak na sana siyang gawing Tinula para sa dinner...aba hindi ako pumayag at sinabi kong aalagaan ko si Bogart at magpaparami ako ng manok ...lalo naman akong tinawanan ni mama at sumangayon nalang siya sakin...

"Balita ko umuwi daw si lola mo galing Australia, para sa libing ng papa mo?" Napatango nalang ako para i-confirm ngang totoo ang balita...."Nga pala, wag kang mag-aalala mabait ang step-dad mo, basta behave ka lang at makinig sa mga sasabihin niya, okey?" sabay tayo ni mama at pumunta sa kusina para mag luto.

BROTHERLY LOVE (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon