Chapter 7: Revealing The Truth

271 7 1
                                    

***Revealing the Truth***

Albert's PoV

"Alexander....Alexander....Gising ka naman na please..." Sabi ko sa walang malay na si Alexander, niyuyuga ko siya at pinipilit ko siyang gumising. Naluluha ako at nagaalala sa kalagayan niya ngaun.

"Andito na ako, Andito na si Albert.." patuloy akong nagsasalita na parang tanga, hawak hawak ko ang kamay niya habang nakahiga siya sa hita ko..di ko na napigilan at naiyak na ko sa lagay niya ngaun, nanginginig ako sa takot na baka anung mangyari.

Imbis na dalhin ko si Alexander sa ospital ay sa Bahay niya ko siya dinala, Sa sobrang kaba ko din kasi at di ko alam ang gagawin kaya ganun ang naging pasya ko. Pag

dating namin sa Bahay niya, inakay ko siya papasok nang bahay at agad ko siyang pinahiga sa kama niya. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko.

Nagpainit ako nang tubig sa kusina nila, habang hinihintay kong uminit ang tubig ay naghanap ako nang mga gagamit ko para malinis ang mga sugat niya. Nang maihanda ko ang lahat nang gagamitin ko, agad akong pumunta gilid ng kama ni Alexander at inaangat ko ang damit niya, at inaalis ito, medyo nahirapan akong gawin iyon dahil mabigat si Alexander. Nang maalis ko ang damit niya nilinisan ko ang mga sugat niya, nilagyan ko nang betadine ang mga pasa niya sa mukha, sa tiyan at braso. After kong linisin ang mga sugat at pasa niya ay tinakpan ko ito nang bandaid at gasa, para hindi expose at magasgas lalo.

Matagal din bago ako natapos linisin ang mga sugat niya, tatayo na sana ako at aalis para puntahan si Francis, kasi paniguradong marami din siyang sugat at pasa dahil sa pagtulong kay Alexander. Naramdaman ko ang kamay ni Alexander na humawak sa kamay ko..

"Wag mo kong iwan..please Albert" mahinang sabi ni Alexander habang pilit binubuksan ang namamaga niyang mata.

Wala na akong nagawa kundi tumango nalang, alam ko namang maiintindihan ako ni Francis. Kaya sinamahan ko si Alexander sa bahay nila. Naupo ako sa gilid nang kama niya, hawak naman niya ang kamay ko.

Naramdaman kong nakatulog na si Alexander, inalis ko ang kamay niyang nakahawak saakin nang dahan dahan para hindi siya magising. Napag isipan ko na magluto muna nang makakain niya bago umalis, para naman meron siyang kainin pag nagising siya.

Habang nagluluto ay nakaramdam ako nang awa para kay Alexander, mag-isa na lamang siya at kailangan talaga niya nang makaksama ngaun. Dahil kaibigan ko siya ay gagawin ko lahat para hindi niya maramdamang mag isa siya mundo, hindi ko alam kong tama man ang gagawin ko pero bahala na, maiintindihan din ako ni Francis kasi mahal niya ako at mahal ko din siya.

After magluto ay nilagay ko ang pagkain sa lamesa at tinakpan ko iyon, para walang mahulog na anumang insekto. Kumuha ako nang sticky note na nakita ko sa sala nila at nagsulat ako dito bago umalis...

"Kumain ka pagkagising mo, sana masarap <3 Albert" yan ang nakasulat sa sticky note na dinikit ko sa takip nang ulam.

Pinatay ko ang ilaw at nilock ko ang pinto nang bahay nila Alexander, Bago tuluyang umuwi, sa sobrang pagod ko umuwi na ako ng bahay.

Francis' PoV

"Cgeh maiwan ko na kayo" narinig kong sabi ni mama, at nagsara ang pinto sa kwarto ko...di ko napnsin kung sino ang kinausap ni mama, naka takip kasi iyong kumot saakin nang biglang my nagtatalon sa kama ko....

"Hoy...Hoy..Francis wag mong sabihing my sakit ka talaga...bumgon ka na dyan " parang bata talga tong si Kat...boses palang kilala ko na...hindi pa sana ako babangon kaso ang kulit talon siya ng talon...pwede ba kama ko tooh lecheng bata toh...

"Waaaaaaah.... sinong nag abstract ng mukha mo? wow di ako makapiniwala, " pangaasar niyang sinabi habang inalis ko ang kumot at umupo sa kama, paglingon ko sa gilid ng pintuan nakita ko si Albert na nakatayo. " Hoy, Kuya ! anung ginagawa mo, bakit nagkaganito si Francis, huh?" pagpapatuloy ni Kat...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BROTHERLY LOVE (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon