Author's Note:
Dahil wala akong magawa sa work ko ngaung gabi at sobrang tunganga lang ako at nakalunch break ang boss ko, UD ako ng isang Chapter. Ke keke..
Kinikilig ako kay Francis sa last chapter... haizt sana meron ding mag-akin saakin...hehe..Samantala sa Chapter na ito gusto ko magbigay ng Clue di ko na kasi kayang itago ang sekreto sa kwento kaya Clue lang...ke ke ke... sana Mahulaan niyo ...If ever mahulaan niyo ang tinutukoy ko pls do comment about it.
Hope you guys enjoy this Chapter.. kekeke
***The First Date***
Alexander's short Pov
After kong ihatid si Albert napagisipan kong magpahangin muna bago umuwi, ang daming gumugulo sa utak ko. Di ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, ang taong pinaka mamahal ko , ay ang taong hindi ko dapat mahalin ng ganito. Bakit ba kasi sayo tumibok ang puso ko Albert. bakit ba sayo pa...
"Albert, tama bang mahalin kita?" tanong ko sa sarili ko, gusto ko mang aminin sa kanya lahat lahat pero naduduwag ako, natatakot ako na baka layuan niya ko. Alam kong matatangap ako ni Albert kung sino ako pero ang kinakatakotan ko ay kung kaya pa ba niyang tanggapin ang pagmamahal ko. At ayokong ang pagmamahal ko ang dahilan kung bakit siya lalayo sakin, ang tagal kong pinagdasal na makita siya ulit. Ayokong mawala siya saakin....
Sa sobrang gulo ng utak ko hindi muna ko pumasok ng ilang araw. Gusto ko munang mapagisa... gusto ko muna mag isip kung dapat ko bang ipagpatuloy ang nararamdaman ko kay Albert. Bigla kong naisipang dumalaw sa puntod ni mama...
Andito ako ngaun sa North Cemetry, bago pumunta dito bumili muna ko ng paboritong bulaklak ni mama sa Dangwa. Nakaupo ako sa tabi ng puntod ni mama , nang biglang tumulo ang luha ko
"Ma, si Albert andito na sa Maynila, sobrang saya ko dahil nakita ko siya ulit ma, alam kong bawal pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya, Mama bakit mo ako iniwan, wala akong makausap, wala akong makasama, at ayokong iwan din niya ako, Ang hirap pigilan ang tinitbok ng puso mama,sobrang nasasaktan ako pag naiisip kong hindi pwede...Gusto ko din maging masaya ma...at alam kong si Albert lang kaligayahan ko... sana hindi nalng ako nabuhay sa mundo kong masasaktan lang din pala ko ma..." para akong batang nagsusumbong kay mama na para bang naririnig niya bawat salitang sinabi ko....
"Mama, nga pala..." alam kong dapat din malamn ni mama ang nangyari sa lalaking nangiwan sa kanya... "Ma, nalaman kong patay na si papa....".....
Nagstay din ako ng matagal sa sementiryo, lagi akong pumunta sa puntod ni mama pag nakakaramdam ako ng kalungkutan at if kailangan ko ng makakausap. Napagisipan kong puntahan ang lugar kong saan nagsimula ang lahat, at iyon ang dahilan kung bakit ako napunta Ilocos, gusto ko din muna makapag-isa..
Naglalakad ako ngaun sa gilid ng dagat ng Ilocos, Umupo ako sa isang gilid , harap ko ang malawak na dagat, tanging tunog ng paghampas ng alon ng dagat ang maririnig mo, Pinikit ko ang mga mata ko, at naalala ko ang una naming pagkikita. ang una niyang ngiti, ang maamo niyang mukha at ang mainit niyang yakap. Naging masaya ang buhay ko ng makita ko sa araw na iyon si Albert. Nagkaroon ako ng pagasa na hindi pa huli ang lahat para magkaroon ng liwanag ang buhay ko.
Napansin kong lumuluha , hindi ko pinigilan ang sarili kong umiyak. Maybe i need this para mawala lahat ng kalungkutang nararamdaman ko. Kung hindi man mawala, mabawasan lang man sana kahit papano.
Albert's PoV
Ilang araw din akong hindi nakatulog ng maayos, the softness of his kiss is hunting me everytime I close my eyes. Gosh, nahulog na ko sa kanya, pero bakit feeling ko ayaw kong masaktan si Alexander. UGggh!!!
BINABASA MO ANG
BROTHERLY LOVE (boyxboy)
RomansaAfter his father's death, Albert decided to go to Manila to stay with his mother. However, his life in Manila is a series of mental and physical shocks. He was welcome with a fight between two rival groups. One of the leader of the group was the mos...