FRIDAY FRIDAY FRIDAY :)
Malapit na kami magkita. Dadalaw ako ng school niya pero for sure hindi kami mag-uusap. Kaya ang plano ko, ipapabigay ko na lang yung gift sa kaibigan niya. Diba sinabi ko last time na nagpatulong ako sa dalawang kaibigan na close sa kanya? Either sa kanilang dalawa ko, ibibigay yung gift para ipa-abot sa best friend ko. Wala kasing alam si Bes na magbibigay ako ng gift talaga.
Tatapusin ko na 'tong story ko. Dahil maibibigay ko na rin naman yung regalo ko sa aking dakilang best friend.
Message ko sa mga nagbasa nito o nakabasa:
Thank you at nadaanan niyo to kahit na hindi naman talaga siya story. Isa lang 'tong gift na ibibigay ko sa aking best friend. Namimiss ko na kasi siya so ayun, itong story na to, ay parang communication ko para sa aking best friend.
Message ko sa mga kaibigan ko na nagbigay suporta sakin for this little surprise thing:
Thank you sobra! Kasi alam kong alam niyo yung napagdaanan ko. HAHAHAHA sobrang hectic ng schedule ko pero gumawa ako ng time for this, for my best friend.
Message ko sa aking best friend:
Sana matuwa ka sa biinigay ko. Kahit na alam kong may konting tampuhan. Sana matuwa ka pa rin, sorry dahil I blocked you. Isa yun sa dahilan para di halatang may plano ako for you. Hindi ako makakapunta sa birthday mo, and I can't be with you on your birthday. So, advance gifts ko na 'to sa'yo. I hope you will enjoy your day. Just always be happy. Masaya ako kapag masaya ka, nasasaktan ako kapag malungkot ka. I struggle to this feeling na kasi ang layo natin sa isa't isa. Sabi mo nga, mas okay na nandyan ako sa tabi mo pero ang hirap lang. College student na ako, ikaw naman high school student ka. Nasa Manila ako at ikaw nasa Cavite. Ang layo natin, pero wala yan. Hindi masisira ang pagkakaibigan natin dahil lang sa malayo tayo. Diba nga forever? Pinky swear!
Kahit na sabihin pa ng iba na walang forever, na kahit ako sinasabi ko yun. Pero yung forever na yun sa pagkakaibigan natin, mangyayare yon. Forever best friend. I love you bes and I miss you so much!
Yung pagtetext ko sa'yo ng good night, good morning, random corny jokes, isa yon sa regalo ko na, inaalala kita parati. Wala kasing kalimutan, minsan na lang din kasi tayo nagkakausap kaya ako, magtetext na lang ako sa'yo ng random messages for you to know that I always remember you.
Yung mga niregalo ko sayo, sana nagustuhan mo. Sana makita kong ginagamit mo yun kahit papano.
Sinabi ko nga sayong, "naiinggit ako" noong isang gabi. Kaya dahil don, I think of this kind of plan na magbigay ng gift sayo. Alam mo na yong, naiinggit ako, yung dun sa twitter basta yon. Bleh! Hahahahaha
Ang gusto ko lang naman ay makita kang magsaya, yun lang. Maging masaya at isa na don dahil sakin. Kasi ako ang best friend mo. Sabi nga nila, every 3 years, nagbabago ng kaibigan o circle of friends. Pero yung friendship natin, hindi pang 3 years, pang-infinity!
Paulit-ulit kong sasabihin sa'yo 'to...
I love you so much!
Hugs and kisses!
Tawagan mo lang ako ha. I'll be there for you, hindi man sa personal, pero alam mong nandito ako para sayo, sinusuportahan ka.
Before I will end this.
Message for God:
Thank You Lord, kasi nakilala ko ang aking best friend. Thank You at siya ang naging best friend ko. Thank You for making a chapter about my life that I will be having a best friend like him. You are a great author of my life. I've let You rule my world to the things that I should do. You are the best Lord. You are my best friend as well just like my best friend. Amen.
Bessy ko, patuloy ka lang magdasal ha. Wag natin kalimutan ang ating Panginoon.
Magpatuloy ka lang sa pagkanta mo. Kahit na umulan pa. Hahahaha! Joke I love you. I always will. Love you.
I know that our friendship have uniqueness! Well.
Hoy, magkita tayo minsan ha. Text na lang. Sana available ka! HAHAHA
Ibang klase pala maging College student, magulo schedule mo.
So ayun, tatapusin ko na 'tong story ko.
Sa Friday na yung pagkikita namin. Good luck to me! HAHAHAHA
Support guys xx
THE END
- Maanster at your service!