Tracy Love's POV
"Ano ba naman yan ? >_< lagi na lang silang busy kakabasa at kakaaral ng mga lessons namin ngayon. Ano bang mapapala nila ? Di naman nila ikagaganda yan eh." Bulong ko sa sarili ko habang nakaupo at nag-iisip ng pwedeng gawin.
By the way, kilala nyo na ba ako ? Di kasi kayo nagtatanong kung sino ba ako. Ako nga pala si Tracy Love Lefkowicz , 14 years old and a Grade 9 student of Maxford Academy.
Simple lang ang buhay dito dahil ang mga taong nag-aaral dito ay puro review lang naman ang inaatupag.
Nabobored na nga ako dito sa school na 'to eh. Bakit ba kasi ako inenroll ni mommy sa ganitong klase ng school ?
Teka, ang dami ko na yatang nakwento sa inyo ngayon pasensya naman maganda lang.
*Kringggggggggg
Sa wakas tumunog na rin ang bell kanina ko pa hinihintay yan eh.
Habang naglalakad palabas ng school may napapansin akong sumusunod sa akin na isang babae. Ano kayang balak nya ?
Hanggang sa may nagtakip ng mata ko at napasigaw na lang ako ng "waaaaaaaaaaaa"
Claire Jahzeel's POV
Sinusundan ko si Tracy ng hindi nya alam dahil may balak ko sana syang isurprise ^○^.
Pagkalapit ko sa kanya tinakpan ko agad ang mata nya.
"Waaaaaaaaaaaa" sigaw nya.
Pagkatanggal ko ng kamay ko sa mata nya ay sinigaw ko agad ang "SURPRISE".
"OMG!" sabi nya. Gulat na gulat sya sa nakita nya.
Kung di nyo itatanong ako lang naman ang one and only best friend ni Tracy.
Ako nga pala si Claire Jahzeel Clerigo 14 years old and a Grade 9 student of Wellrouge Institute. Kung itatanong nyo kung bakit ako nandon sa Maxford Academy eh hindi naman ako don nag-aaral well, nagpatransfer agad ako don ng umuwi si mommy sa London.
Si mommy lang naman ang may gusto na doon ako mag-aral eh.
"Bakit ka nandito Claire eh diba sa Wellrouge ka pinag-aral ni tita Daphne ?" Tanong nya sakin.
"Pagkaalis na pagkaalis ni mommy , nagpatransfer agad ako dito sa Maxford kasi ayokong magkahiwalay tayo noh" sagot ko sa kanya.
"Ang galing mo talaga Claire kaya bet na bet kitang maging best friend eh" sabi nya saken with matching kilig-kilig.
"O sige na , tara na umuwi na tayo kanina pa tayo nakatayo dito eh" sabi ko kasi di na namin namalayan na kami na lang palang dalawa ang nandito sa kadaldalan namin.
A/N: Guys sana po magustuhan nyo ang story na ginawa ko. Beginner pa lang po ako pagdating sa mga ganitong bagay. ^_^
Di pa po ako gaano kaexpert sa paggawa ng story. Pero sana guys sundan nyo ang story ko. Labyuu guys :*