"Sometimes, the right path is not the easiest one"
Pagdating ko sa school, bigla kong nakasalubong si Ciara sa gate. At! Hinabol pa ako neto, akala mo naman may artistang dumating o emergency. KALOKA!
"Good Morning, Girl! Hay naku, pasukan nanaman. Di bale, makikita ko naman si crush. Hahaha."
"Hay nako best. Akala ko naman kung anong nangyari makahabol ka sa akin wagas. Oh I forgot. I have a test today."
"Ha? Unang araw pa lang ng school, test na agad?! Kaloka teh!" sabay nag-walling sa tapat ng klasrum namen.
"Ganun talaga. Star section eh. Hay naku girl, pumunta ka na nga sa klasrum niyo. Baka magalit ang classroom president niyo.", takot na sabi ko sa kanya.
"Oh sige. Tama ka girl, ingat!", sabi niya saken with a hug.
First Section... Paano ba naten masasabi na "first section" ka? Pero yung iba ko namang mga kaklase mga bobo. Mas matalino pa yung section nila Ciara.
Alam niyo yung feeling na kapag nasa recitation tapos wlang makasagot, ipagco-compare ka ng mga teachers na mas matlino daw yung kabilang section. Hay naku, school, school, school.
"Okay class, get your quiz notebooks and your OWN pens.", sabi samen ni Mrs. Co.
OH MI GAD! SANA MAKAPASA AKO SA TEST NA 'TO. sabi ko sa sarili ko na habang pinag papawisan ako pati kili-kili ko basang basa.
"#1 - #3... What are the 3 parts of the brain?"
HETO NA!!! MADALI LANG TOH. sabi ko sa sarili ko habang nagsasagot ng exam.
Nakalagay kase ito sa whiteboard namen. Ang hirap basahin nung mga sulat ni ma'am. Halos mabulag na ako sa kakabasa. Tsk tsk tsk.
Matapos namen sumagot sa exam/quiz, biglang sinabi ni Mrs.Co samen,"Okay. Pass the quiz notebooks forward." sabi samen ni Mrs. Co.
Biglang nag ring ang bell.
Habang naglalakad kami ni Ciara, bigla namin nakita si Gab kasama sila Jake, Matt at Keith.
"GIRLLL!! Look at them. Their so hot.", kilig na kilig na sabi ni Ciara saken.
"Oo nga. Wait lang, mag-aayos lang ako." bigla na lang ako nag-ayos ng damit at buhok. Nang maamoy ko yung hininga ko okay lang din di kagaya nung isang araw. "BLEH!"
"Uy Mia! Kamusta ka? Hay naku hindi ka nanaman nagpapakita saken. Halika, ililibre na lang kita." sabi saken ni Jake. Hindi namansin si Gab dahil nabad trip daw siya kaninang umaga.
"A-ah. Sige! Teka, parang first mo lang ako ilibre ha? Tsk. Baket? Siguro kumupit ka nanaman sa wallet ni Tita Victoria noh?" biro na sabi ko kay Jake.
"Hindi kaya!" sabi na sabay tumatawa siya "ano? Parang ayaw mong malibre ng Frappe ha? Sige, si Ciara na lang."
"Ay hindi! Gusto ko! Sige halika pila na tayo." sabay hila ko sa kanya.
"Ikaw ang choosy choosy mo!" sabi saken ni Jake.
"Haist! Ang sweet nila noh? Sana ganyan rin tayo, Ciara", sabi ni Keith kay Ciara habang nakapila kami sa Canteen.
"Tse. Biset. Dun ka nga. Kami na lang ni Matt magtatabi. Buti pa tong si bibe Matt mabait? Diba?" sabay yakap niya kay Matt sa braso. At kumindat pa si Matt kay Keith na parang may BUTI NGA! sign nito.
Nakabili na kaming lahat sa Canteen. Lahat kami nabusog. At pagkatapos nun bago pa kami pumasok ng classroom tumambay muna kami sa labas. Total 50 minutes naman ang break namen ng high school.
"Hey! Jake, parang na-fall ka na kay Mia ha? Parang lagi mo na siyang nililibre ha? I think you forgot us." sabi ni Matt kay Jake na parang seryoso. "H-ha? Hindi noh!? Paano mo naman masasabi na in love ako sa kaibigan kong PANGET?", sabi ni Jake na may halong inis.
"What are you talking about?" sabi ni Ciara habang parating kami sa tambayan nila. "H-ha? W-wala naman. M-may pinag uusapan lang kami tungkol sa lesson namen kanina." pautal utal na sabi ni Jake samen na parang namumula ang kanyang face.
Nang biglang dumating si Gab..."Hi guys! Kamusta? Sorry bad trip ako kanina." sabi ni Gab samen na parang hiyang-hiya. "Okay lang yun! At least nawala na yung bad trip mo ngayon.", sabi ko kay Gab.
Pagkatapos namen mag usap, nagsipuntahan na kame sa classroom. At sinimulan ang klase.
BINABASA MO ANG
♥Tainted Love♥
Teen FictionTAINTED LOVE (n.) love you have for a person that is so deep and fells like it should last forever, but it can't for some complicated. FOREVER... I know some of you may relate to this word "FOREVER". Karamihan sa atin naniniwala sa FOREVER, pero may...