Chapter 8

6 1 0
                                    

"Never give up."

*Keith*

May napapansin kami ni Matt kay Jake. Feeling namen nafa fall na si Jake kay Mia. Ang iniisip ko nga kapag na fall siya, baka mabusted pa siya.

JUSKO NAMAN! Meron palang ganun, ang isa mong kaibigan na biglang mafa-fall ng isang titigan lang? Ha Paano pa kaya kung ma fall saken si Matt.

Bigla na lang dumating si Keila na aking minamahal at may sinabi saken ito

"Uy Keith! Kita tayo mamaya sa mall. ."sabay kindat.

"Teka lang. A-anong i-ibig mong sabihin?"

"Basta. May ipagtatapat ako sa iyo."

"Ipagtatapat mo ba na payag ka na sa deal naten na isisigaw mo sa campus yung cush mo?", sabi ko kay Keila habang pinagtatawanan ko ito.

"Letsi kang lalakeng ka" habang hinahampas ako neto ng librong hawak niya "Basta pumunta ka nalang mamaya after dismissal. We have to talk about something. Kase may napapansin na ako kay Mia."

Nagtaka ako ng biglang sinabi ito ni Keila saken habang nasa Canteen kame. "Aah... Ganun ba? Oh sige. Pero uuwi muna ako sa bahay magpapalit lang ako ng damit."

"Sure. Ako rin naman. Meet na lang tayo sa Mann Hann restaurant." At bigla na lang ito umalis. Siniko ako ni Matt nung pagkaalis ni Keila "Uy! Kinikilig siya! After talking to his future wife." "Gagi. Crush ko lang naman si Keila Marie. Hindi mo ba alam na inaaya niya ako mamaya sa mall. Halos mahimatay na nga ako sa magaganda niyang mga mata." ani ko sa kanya habang namumula ang aking mga pisngi. "Sus. Inlove ka na talaga bru. Can I come to you later?" biro pa saken nito habang nagbabakla baklaan. "Tse. Huwag. Baka ipagtapat na niya na type na niya ako tapos maya-maya hahalikan ako neto sa labi." "Hinid yon maaari. Halika na nga. Mala-late pa tayo sa next subject naten eh. Mase-sermon nanaman tayo ng english teacher naten.

Tapos umalis na kame sa Canteen at dumeretso na kami sa classroom namen.

Nagulat ako ng biglang may nangbatok saken. Si Mia pala ito.

"Hoy! Mukhang ma naiinlove na ata sa prom queen ah? Tsk tsk tsk" hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya.

"Anong pinagsasabi mo jan?" Sabay snob ko sa kanya. Yah! Nagpapaka-plastik ako. Keila Marie is the prom queen of our school. Na pala ganda niya nun. And because of that, dun nagsimula ang pagkakagusto ko sa kanya.

"Wews. Huwag kang magpaka plastik jan. May sinabi saken si Matt." bigla na lang ito umalis. Haysss... Bahala na. Basta dapat hindi nila malaman na may gusto ako kay Keila.

Nag start na yung class namen. ANG BORING! Aargh. Bataan na ngang lutang ang isip ko ng dahil lang kay Keila.

*boog *

"Aray!" Buset naman oh. Sino ba yang g*gong yan?

"Pre, aral muna mamaya mo na lang siyang isipin. " PUTEK! Buset kang Matt ka!

"Okay class, dismiss", haysss.... Salamat at dismissal na rin. Excited na ako makasama sa mall si Keila. Kailngan ako yung....

PINAKAGWAPONG LALAKI SA BUONG MUNDO.

Syempre nakakahiya naman sa kanya kaya kailngan maayos ako.

____________

*Mia*

"JAKE!"

"Bakit ba?"

"Kanina ka pa kase nakatulala jan eh. Hindi ka na namamansin." nag pout ako sa kanya.

"Nakakainis na kase sila Keith eh." sabay pout saken. "Kanina pa nila ako inaasar na--"

"HI GUYSSS!"nagulat kaming dalawa ni Jake na biglang may yumakap samen dalawa.


AN:

Guys! I'm very sorry kase hindi ako kaagad na naka update ng story. Pero babawi ako. Thank you for your understanding guys! Love you all... Mwah :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

♥Tainted Love♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon