Jorin~~ (yung time na nasa Dressing room for music bank half year end special ang charm w/ exo)
Lumabas muna ako ng dressing room namin kasi naiihi na ako. Hindi ko naman magamit yung cr sa loob kasi nasa loob si Chen alam nyo na, nagbabawas daw eh may banyo naman sa sarili nilang dressing room. Ay ewan ko ba.
Ang layo pa naman ng cr dito sa dulo ng hallway liliko ka pa tas sa dulo pa ulit nun. Naglagay pa sila ng cr kung malayo rin pala. Kainis naman. Habang naglalakad ako naalala ko si Rian. Oo may alam ako tungkol sa kanila ni Jb narinig ko kasi sya minsan nung naguusap sila ng ate nya. ang alam ko lang naman ay sila dati pero di ko na alam kung anong rason kung bakit sila naghiwalay. Pagliko ko nakita ko na yung cr. Yesss!!
Umihi lang ako sandali at nagstay sa harap ng salamin dahil wala lang. Nagulat naman ako kasi nandun si Mark at parang may hinihintay. Sht gwapo naman nya. Teka wala namang tao kanina sa cr eh so anong ginagawa nya dito? Wala rin naman tao dito kasi masyado ng malayo.
"Annyeong Jorin-ah." Shet kagulat to.
"Annyeong oppa." Sagot ko sakanya pero kahit na ang totoo ay nahihiya ako. Shete kahit naman idol ako eh may karapatan parin naman akong magfangirl diba?
"Tagal mo naman kanina pa kita hinihintay eh." Sagot nya. Ako hinihintay nya?
"Bakit naman?" Sagot ko habang nagsimula ng maglakad agad naman syang sumunod sa akin
"Ah eh-" napatingin ako sakanya ng bigla syang napatigil
"Yayayain sana kitang kumain sa labas." Sabay yuko nya. Shet totoo ba to si Mark tuan yinayaya akong lumabas? At Si Mark Tuan ng Got7 Nagbablush?! Omg lang.
"Bakit naman?" Kahit naman gustong gusto kong pumayag kailangan pademure muna hihi baka mahalata nyang gusto ko sya diba?
"Ah Eh kasi Jorin ah." Parang nahihiya pa sya
"Osge, san ba?" Pagpayag ko. aba minsan lang to kaya kailangan ng igrab ang opportunity.
"Talaga ba?! Pumayag ka na?!" Sigaw nya habang nakangiti
"Oo, ayaw mo?" Pagtataray ko kunwari sakanya.
"Ah oo ah hindi ay oo ay sorry aish ano ba tong mga pinagsasabi ko basta pumayag ka na ah! Wala ng bawian!" Napatawa nalang ako sakanya para syang batang binigyan ng lollipop Haha
"Oo nga!" Sagot ko sakanya
"Thank you Jorin." Chaka nya ako hinug
"Hep hep!" Pag awat ko sakanya. Kahit gusto ng sumabog ng obaryo ko nagpipigil parin ako no.
"Pumayag lang ako lumabas di pa ako pumapayag magpakasal." Pagbibiro ko sakanya.
"Sorry excited lang. Darating din naman tayo sa pagpapakasal."
"Ha? May sinasabi ka?" Para kasing may binulong sya sa bandang huli pero di ko na narinig.
"Ah wala wala yun. Hehe. Sa saturday 6pm ah. wala naman kayong schedule nun diba? Susunduin kita" Sabay pakita nya ng nakakaakit na Tawa. Shet pigilan nyoko baka masunggaban ko tong lalaking to.
"Oo nalang sige." Kinikilig ako shems.
Hinatid nya lang ako sa harap ng dressing room namin at pinaalala yung date itetext nalang daw nya ako. Sht kinikilig talaga ako.
Pumasok na ako ng dressing room at nakita silang nagkakagulo parin dun pero napansin kong wala si kai. Nasan kaya yun? Bahala sya.
Kahit naman nakakasama namin Got7 nahihiya ako no, sakanya lang naman.
*toot toot
Fr: Mark Yi-en Tuan
Jorin, ill pick you up at 6pm. Saturday. Wear something comfortable. Thank you for saying yes. :) - Mark
Sht talaga!! Omg! Sht sht. Totoo talaga. Im having a date with Got7's Mark Tuan! Teka, date nga ba? Oh well pareho lang naman yun diba?? Ahh!! Kinikilig ako
---------------
(A/n: oh yan ah, hindi si kai ang dahilan kung bakit masaya ang ating leader. Pero nasan kaya si kai? )