The next day, pasok nanaman ako. Hinatid ako ni Papa. Yesterday kasi si Ate Rose ang naghatid. Then I sat down kung saan ako nakaupo. Maya-maya ay pumasok na rin ang adviser namin. Then magsisitting arrangement daw kami today. At inayos ang tables and chairs namin ng parang pa letter "U". Katabi ko si Luther. He is kinda fat, maayos naman tignan, hindi siya sobrang gwapo at hindi rin naman pangit, maiitim siko kung asarin haha! Pero most of all mabait. Kaya naging crush ko siya. Wala naman kasi sa akin yung gwapo eh. Basta may mabuti kang puso nakakainspire na sa akin yun. Nalaman niya rin crush ko siya kaso mukha akong walang pag-asa. Parang napaglalaruan lang ako. Kaya napansin ko itong katapat ko at umayaw na doon kay Luther. He's handsome, cute, tahimik, gamer, payatot pero most of all mysterious, gm din haha pero gentleman. May utak din naman hahaha I mean talino and his name is Kiel.
Kaklase ko siya since Grade 6. Katabi ko siya pero may space/daanan. Hindi ko siya napapansin masyado nun. Kasi di kami close. Dati pa siyang nag-aaral sa school na ito. By the way nag-aaral pala ako sa Vermillion Academy School. Hindi ko nabanggit hehe sorry. Anyway back to were we are. Naging crush ko siya. Nagchat kami sa messenger which is app ng Facebook. Tagal din namin mag-usap nun. Tuwing nagkikita kami sa school nagkukulitan din kami. Kilitian ganon. Tapos may time na ang dami ng nagtatanong sa kanya kung may crush na ba raw siya sa akin. Pero sagot niya ay wala at si May pa rin ang crush niya.
Masakit para sa akin kasi parang una sa lahat wala nanaman ba akong pag-asa, pangalawa pinaglalaruan nanaman ba ang damdamin ko o ako mismo? Kaya umayaw na rin muna ako. Hindi ko alam kung anong naging reaction niya. A month or months din ata kami nagsama nun as a crush ko siya. Pero kahit kelan di niya rin ako ata naging crush nun. Sabi ko rin sa mga kaibigan ko na parang nawawalan na ng spark. At simula nung nagkatabi sila ni Karylle parang nagkukulitan na rin sila, eh syempre nagseselos din ako dahil tao naman ako eh pero sinabi niya rin na hindi siya magkakagusto kay Karylle kasi kay Christopher na yun. Kaya I refuse to let go. Tapos nalaman ko na lang na inamin na niyang may gusto siya kay Karylle. Medyo masakit, nagtanong din ang iba kung bakit si Karylle nagustuhan ni Kiel samantalang ako hindi? Pinabayaan ko na lang kesa naman ipagdiinan ko pa ang sarili ko sa taong wala naman akong chance. Kaya I let go.
BINABASA MO ANG
Forever (On-going)
RomanceFOREVER- yan ang pinanghahawakan nilang salita at PANGAKO nina Paulene at Christopher. Meron nga ba talagang FOREVER? Meron nga ba silang FOREVER? Sa sobrang pagmamahalan nitong dalawa, halos wala na atang makakasira sa kanila. Tunghayan natin ang...