Chapter 1 - The Smile

321 7 4
                                    

Jaehyun

Take my hand and draw a circle
This is how much we've shared together
My whole heart is by your side
Your dreams are by my side
Living and enduring
If we're together, we can be a little happier
Once again, we're connected without an end
Can't live without you

Pagkatapos kong kantahin ang huling linya, narinig ko ang sunod-sunod na pagpalakpak ng mga tao dito sa loob ng school. Sumali kami nina Doyoung hyung at Taeil hyung sa isang talent competition dito sa school. Wala lang, nakasanayan na kasi naming kumanta sa publiko. At dahil dun, nakilala ko sila.

"Galing natin," sabi ni Doyoung hyung.

"Syempre tayo pa ba?" sabay ngiti ko.

"Tayo ata ang vocal kings sa buong mundo," sabi ni Taeil hyung sabay humagalpak ng tawa.

"Oo nalang,"

Open your eyes, quietly open your eyes
Open your eyes, now open your eyes
Open your eyes, quietly open your eyes
Open your eyes, now open your eyes

At dahil kumpetisyon nga ang aming sinalihan, hindi lang kami ang kasali. Yung iba kumakanta, tumutugtog ng iba't-ibang instrumento, yung iba naman ay sumasayaw. Tulad ngayon. I can say that they are like dancing machines. All of them are so good in dancing. Pero para sakin mas magaling yung nasa gitna. Napakagaling sumayaw.

"Tignan mo yung nasa gitna mukhang character sa isang anime," sabi ko sabay lingon sa dalawa.

"Kaya nga eh," sabi ni Doyoung hyung.

"Type mo?" sabi ni Taeil hyung na sinagot ng tawa ni Doyoung hyung.

"Pakyu kayong dalawa,"

"Biro lang naman Jae," sabi ni Taeil hyung sabay tawa.

Pagkatapos ng huling presentasyon ay umakyat na kami sa entablado upang malaman ang mga nanalo.

"Hey, don't be sad," sabi ni Taeil hyung.

"Okay lang naman, at least second placer. Diba," sabi ko sabay ngiti sa kanilang dalawa.

"Next time ipapanalo na natin to. Tayo pa ba," sabi ni Doyoung hyung.

"Syempre naman,"

Yes second placer kami. At yung first placer ay yung grupo nung mukhang anime. Okay lang naman dahil magagaling silang sumayaw.

"Tara na sa room," sabi ni Doyoung hyung sabay akbay sakin.

"Hyung, mamaya nalang ulit. Sabay-sabay tayo," sabi ko kay Taeil hyung dahil hindi naman namin siya kaklase dahil mas matanda siya samin ng dalawang taon.

"Sige, ingat kayo," sagot niya.

Ilang minutong paglalakad ay nakapasok na kami sa aming silid-aralan. Nandun na rin ang aming teacher para sa araw na ito. Ayoko ng subject na to kasi tinatamad akong makinig. Lalo na yung way ng pagtuturo niya mas lalong nakakaantok.

"Hey, you, yes you," puna ng aming teacher.

Nagulat ako kasi nakatingin siya sakin at parang galit na ewan. Nahihiyang tumayo ako. Bigla ko namang nakita sa peripheral view ko na tumayo din pala yung nasa likod ko. Nagkatinginan kami at pagkatapos ay tumingin ako sa teacher namin na nakakunot ang noo. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Nahiya ako at mabilis na umupo. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko kasama si Doyoung hyung na kumag. Nakatingin siya sa gawi ko na tawa ng tawa.

"Pakyu," sabi ko sa kanya ng pabulong.

"Why are you not listening? What are you doing?" tanong ng teacher ko sa kaklase ko.

"Nothing Ma'am,"

Kumunot na naman ang noo ng aming teacher at pinaupo na ang aking kaklase.

"Anyone who wants to solve this?"

I raise my hand para naman makabawi ako sa kahihiyan ko kanina. Tumingin sa gawi ko ang aming teacher at tinuro ako. Tumingin muna ako sa likod ko at nung nalaman kong ako nga, tumayo na ako. Pagkatapos kong i-solve ay bumalik na ako sa upuan ko at tumingin kay Doyoung hyung at sinabing "Easy," sabay ngiti. Pagpatak ng alas singko ay nagdismiss na ang aming teacher kaya nagmadali kaming nag-ayos at lumabas na.

"Galing natin kanina ah," sabay ni Doyoung hyung na parang nang-aasar.

"Syempre ako pa ba,"

"Ten!" narinig kong sigaw nitong kumag na katabi ko at nakita ko yung isa sa mga sumayaw kanina sa talent competition kanina.

"Oy ikaw pala Doyoung. Kumusta?"

"Okay lang naman. Galing natin sumayaw kanina ah. Congrats nga pala,"

"Sa inyo rin,"

"Nga pala, si Jaehyun, tropa ko. Jaehyun, si Ten, kaibigan ko," pakilala sakin ni Doyoung hyung.

"Nice meeting you," and we both held hands.

"Tara pakilala ko kayo sa mga tropa ko," sabi ni Ten sabay lakad papuntang gate.

"Mga tropa, si Doyoung at Jaehyun nga pala," pakilala samin ni Ten.

"Johnny bro, a foreign swagger,"

"Yuta from Osaka Japan where Takoyaki is the best,"

"Loko tong mga to. Wag niyong pansinin yan. Loko-loko talaga yang dalawa. Hansol nga pala,"

"Okay lang. Loko-loko din naman kami eh," sabi ko sa kanila sabay tawa.

"Taeyong," sabay abot ng kamay para makipagkamay.

Taeyong pala pangalan akala ko naman anime.

"Congrats pala kanina," sabi ni Doyoung hyung.

"Same here man," sabi ni Johnny.

"Uuwi na ba kayo?" sabat ni Ten.

"Oo eh," sagot naman ni Doyoung hyung.

"Edi sabay-sabay na tayo," dagdag ni Ten.

"Oo ba," sagot ko naman.

"Tara masaya to mga brad," sabi ni Tako--Yuta.

"Pagpasensyahan niyo na tong isa ah. Hindi talaga yan mahilig dumaldal pero tumatawa at ngumingiti naman yan," sabi samin ni Ten na nakatingin kay Taeyong.

"Ganun ba?" tanong ko sabay tawa. Nakita ko namang sinuntok ni Taeyong si Ten sa braso.

"Wag ako pagtripan mo ah," sabi ni Taeyong kay Ten.

"Tapos yung tatlo may sariling mundo," sabi ni Ten sabay tingin kina Yuta, Hansol at Johnny na nagtatawanan.

Tumawa naman kaming dalawa ni Doyoung hyung.

"Jae, sabay na ko sa kanila ah. Parehas lang kami ng daan eh. Hayaan mo sabay naman kayo ni Taeyong," sabi ni Doyoung hyung sakin.

"Oo sige. Okay lang,"

"Ingat kayo,"

"Ingatan niyo yang si Doyoung hyung ah," sigaw ko sa kanila sabay sumaludo naman sila tanda ng kanilang sagot.

"Tara na?" tanong ko kay Taeyong at naglakad na kami.

"Pwede bang magtanong? Kung okay lang sayo," sabi ko.

"Sige lang,"

"Bakit hindi ka ganun nagsasalita?"

"Wala naman. Trip ko lang,"

"Ah ganun ba,"

Katahimikan. Pagdaan ng ilang minuto, narating ko na ang aming bahay.

"Dito na ko. Salamat pala,"

"Sige," sagot niya.

"Ingat ka,"

"Salamat," sabi niya sabay ngiti.

And that's the first time I saw him smile.

STRANGE LOVE (JaeYong FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon