Chapter 4 - I Like Him?

92 5 10
                                    

Jaehyun

"Gusto din kitang maging syota kapag naging babae ako," saad niya sabay litaw ng kanyang napakagandang ngipin at ngiti.

"Ganun na ba ako kagwapo?" nagulat ako syempre nung sinabi niya yun pero to make it not awkward, I better throw some jokes.

"Ganun nga. Kaya nga ako nainlove sayo eh," sabi niya na nakatingin pa rin sakin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang because he is using his signature face, the serious face.

"Itulog mo nalang yan, puyat ka lang ata," sabay tawa ko.

"Kinikilig ka lang eh,"

"Ano? Di ko narinig sinabi mo,"

"Sabi ko I love you,"

"Ulol, tigilan mo na yan. Kapag ako nainlove sayo," hindi pa ko tapos sa sasabihin ko ng sumabat agad siya.

"Sasaluhin naman kita eh,"

"Oo na, sige na umuwi ka na, gabi na," paglihis ko ng usapan.

"Okay babe, bye,"

"Babe my face," sabay belat at pasok sa loob ng bahay.

Hindi talaga ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya. Masyado ko kasing iniisip yung mga sinabi niya sakin kagabi. Ewan, alam ko namang biro lang yun, pero... bahala na nga. Linggo ngayon, as usual walang pasok.

From: Ten

Ano tuloy ba mamaya? Text back asap.

Sent 9:34 AM

Hindi ako pwede ngayon. Pasensya na.

Aw sayang naman. Sige pre.

Tinatamad lang talaga akong lumabas ng bahay ngayon. Mainit kasi. Babaw ng dahilan eh. Ilang minuto at oras pa ang lumipas ng tawagin ako ni Mama na kasalukuyang nasa baba.

"Bakit Ma?" tanong ko.

Pagtingin ko sa sala ay nandun ang mga kabarkada ko, oo sina Ten.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Kasi sabi mo bawal ka, kaya napagdesisyunan naming pumunta nalang dito," sabi ni Ten.

"Ah pasensya na, tinatamad lang talaga akong lumabas," sabi ko sabay ngiti sa kanila at kamot sa ulo.

"Okay lang pre at least kumpleto tayo," sabi ni Johnny.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanila.

"Kumain?"

"Playstation?"

"Dance Revo?"

"Movie marathon?"

"Kayo bahala," sabi ko.

"Movie marathon nalang," sabi nila.

"Sige pero bago yun, kumain muna tayo," sabay lakad papuntang kusina.

Sumunod naman sila at naghain na ako ng makakain namin. Napansin ko ring wala pala si Mama. Siguro nung pagkatawag sakin ibinilin na ang bahay sa kanila. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami ng ilang oras at syempre hindi mawawala ang kwentuhan at tawanan.

"Alam niyo bang tinawag akong babe ni Taeyong kagabi," bulalas ko sa kanila sabay tawa.

"Hayaan mo. Kapag talaga nasa mood yan, lakas mantrip nyan. Ginawa na din niya sakin yan," sabi ni Ten at bigla akong huminto sa pagtawa. Ewan ko. Expected ko na naman talagang biro lang yun pero iba ang dating sakin eh.

STRANGE LOVE (JaeYong FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon