Jaehyun
"Sino siya?" tanong ko. Hindi ako galit. Hindi talaga. Mukhang napalakas lang ang pagkakasabi ko.
"Sino siya?!!" pag-uulit ko. Hindi talaga ako galit. Nagtatanong lang ako.
"Bakit ka nagagalit? Sino ka ba? Diba kaibigan lang naman kita?" sagot niya.
"Ah... oo nga pala. Mukhang nagkaamnesia ako at pati ang katagang kaibigan ay nakalimutan ko. Sige have some fun," sagot ko sa kanya in a sarcasm way at iniwan ko na sila ng kasama niya. Ang bigat sa kalooban, dahil yung taong mahal mo ay ipinagpalit ka sa iba. Ay hindi, kaibigan lang pala ako. Nakalimutan ko na naman. Bigla akong napangisi dahil sa nakalimutan kong kaibigan nga lang pala ako. Hindi ako umiiyak o umiyak. Hindi ko alam kung bakit walang lumalabas na luha sa aking mga mata kahit pinipilit kong umiyak pero wala talaga. Ang bigat lang ng pakiramdam ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Dahil nga mabigat ang pakiramdam ko, hindi ko napansin ang papalapit na sasakyan sakin. At ang huli ko nalang nakita ay liwanag.
Biglang mulat naman ng mata ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko at parang ang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang bigat. Pipikit na sana ulit sana ako at matutulog muli nang mahagip ng mata ko ang liwanag na nanggagaling sa labas. Tinignan ko ang oras at napatayo ako ng wala sa oras. I grab my towel and go down to take a shower.
"Ma, bakit hindi mo naman ako ginising?" sigaw ko kay Mama habang naghuhubad sa loob ng cr.
"Aba kailangan pa ba yun? Ang tanda mo na eh," sagot niya.
"Ewan ko sayo," sagot ko pagkatapos ay naligo na at nagbihis. Pagkatapos ng ilang minutong pagmamadali ay nakaayos na ako.
"Ma, sa school nalang ako kakain. Alis na po ako," tumango lang naman siya. Tinakbo ko na papunta sa school dahil ilang minuto nalang at malelate na ko. Ilang beses pa akong muntik madapa at may nababangga sa pagmamadali. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa school. Nilakad ko papasok ng school dahil hingal na hingal na ako at pawisan na. Baho ko na. Ilang lakad pa ay nakarating na ako sa room at nandun na ang teacher namin para sa araw na ito.
"Sorry Ma'am I'm late," hindi naman ako pinansin kaya umupo na ako. Ilang minutong pagtuturo ng aming teacher. Ilang minutong pagsusulat. Ilang minutong paghikab. Ilang minutong paghihintay na matapos na ang period na ito at sa wakas dumating na ang oras na iyon.
"Okay that's all for today," pagkasabing-pagkasabi ng teacher namin nun ay nagligpit na ako at pumunta kay Doyoung hyung sabay akbay sa kanya.
"Hoy kupal, ano na naman yung tinext mo kagabi? Di ako nakapagreply, wala akong load eh," sabi ko sabay tawa.
"Kunwari ka pa eh," sabi niya sabay sulyap sakin at alis din agad ng tingin niya.
"Ang gwapo ko naman masyado para magkagusto kay Taeyong," biro ko.
"Bakit bawal? Bakit ka nakangiti?" tanong niya sabay kunot ang noong nakatingin sakin.
"Natatawa lang ako sayo. Porket nakangiti may gusto na agad?" depensa ko.
"Ewan ko sayo, kain nalang tayo,"
"Mabuti pa nga," sang-ayon ko sabay punta namin sa canteen. Naghahanap kami ng mauupuan ng mahagip ng mata ko sina Ten. Kinalabit ko naman tong kasama ko sabay turo sa kanila at pumunta kami sa kinaroroonan nila.
"Wala pa lang gusto ah," bulong sakin ni Doyoung hyung. Nung nakita ko kasi sila bigla nalang gumuhit sa aking mga labi ang ngiting hindi ko mapigilan. Hindi ko nalang siya pinansin instead nagsalita ako.
"Oy, cutting?" tanong ko.
"As usual," sabi nila sabay tawanan.
"Kayo gusto niyong magcutting tapos gala nalang tayo?" tanong ni Johnny.
BINABASA MO ANG
STRANGE LOVE (JaeYong FF)
FanfictionStrangers to schoolmates Schoolmates to getting to know each other's name Getting to know each other's name to friends Friends to close friends Close friends to bros Bros to crush Crush to mutual feelings Mutual feelings to lovers Lovers. From stran...