Chapter 1-Bagong Mga Kaibigan?

2 0 0
                                    

Kelly's KALOOBAN

Nagmaneho na si papay papuntang school ko.

"Dito nalang po, pay." Sabi ko at akmang bubuksan ang pinto ng kotse....

"Ayaw mo bang ipasok namin yung kotse sa loob para di ka na mahirapang pumasok sa loob?" Nako, hindi pwedeng pumasok ang mga sasalyan ngayon kasi may visitor na darating kaya kailangan walang sasakyan sa quadrangle.

Papaandarin na sana ni papay ng bigla along nagsalita...

"Ayy, pay! Bawal pong pumasok ngayon ang mga kotsr kasi may parating na visitors ang school ngayon. Kaya bukas nalang po siguro, tsaka baka po malate kayo sa office niyo. Tsaka si mamay po nagaantay pa yun kay kuyay para sa mga pinamili." Pangungumbinsi ko sakanila at pinandilatan ko pa ng mata si kuyay na nagpapabatid na 'Tulungan mo ko kuyay!!' At agad namang nagsalita si kuyay.

"Oo nga naman pay! Sige, pasok ka na bunsoy!" At tinulak nako ni kuya palabas.

Binuksan ko na ang pinto nang kotse at dumiretso nako sa labas. Kumaway ako bago nagsalita.

"Pasok na po ako, pay! Ingat po kayo sa biyahe ah." At ngumiti ako sakanila. Nagsimula nang paandari  ni papay ang makina ng sasakyan at tuluyan na nga silang nakalayo. Pumasok na ko sa gate ng campus namin.

Naglakad nako papuntang Student's Council Office, para kunin yung mga posters. At diretso na ko sa room namin.

Pagpasok ko sa room wala namang mahalagang nangyari.. Hanggang sa pumasok ang adviser namin na si Mrs. Buenaventura at nag sabi na may announcement daw siya, kaya naman agad kaming nanahimik at nakinig sa mga sasabihin niya.

"Class, listen! May magaganap na resectioning, so it only means na malilipat kayong lahat ng room. At may mangilan-ngilan na maaaring matira dito sa klase ko. Mamaya, bago kayo maguwian.. ay sasabihin ko na kung sino ang mga lilipat at kung saang section mapupunta ang mga yon. Para bukas ay didiretso na kayo sa mga bagong room niyo.. okay ba yon?"

"Ahhhuhhh... Maam???!!!"

"Waaah! Mamimiss kita maam. Huhu"

"Maam, ayaw po namin."

"Dito po kami didiretso bukas pagpasok!"

Yan ang mga sinisigaw ng mga kaklase ko. Nakoo, mga straw talaga tong mga to. Bukod sa plastic na sipsip pa! Ang lufet nila? -_- If I know tuwang tuwa yang mga yan, kasi makakaalis na sila sa room nato. Well, ako rin naman ay nagagalak sapagkat makakaalis nako sa klaseng to. Pero hindi ako katulad nila na nasigaw pa. Tumayo ako sa kinauupuan ko kasi dismiss na naman kami, kanina pa kaya nagring yung bell. Nakikipag chikahan nalang si Mrs. Buenaventura sa mga straw niyang studyante..

Lumabas nako at dumiretso sa library para mag basa at dun narin kumain.

Kumuha nako nang libro at umupo na dun sa may dulo ng library, yung hindi masyadong napupuntahan ng mga studyante...

"Excuse me miss." Sabi ng isang boses ng babae. Sino naman to? Agad kong nilingon. Isang maliit na babae. Dadaan siguro siya?

"Ahm, dadaan ka ba? Pasensya na kung nakaharang ako ah." At tumayo nako, gumilid at binigyan siya ng space para daanan niya. Dumaan naman siya. At ngumiti, tumango lang ako.

Bumalik nako sa upuan ko at nag simulang magbasa habang kumakain..

"Excuse me ulit miss. Pwede bang patulong, hindi ko kasi abot yung libro." Tumingin ako sakanya. Mukhang hindi niya nga abot kaya lumapit ako.

"Ahh sige. Ano bang libro dito, miss?" Ang dami kayang libro dito noh! -_- Hindi naman ho ako manghuhula.

"Ayy, oo nga naman. Pasensya na! Yung kulay green." Inabot ko naman yung tinuturo niya.

"Ito ba?"

"Oo, yan na nga. Salamat ah!"

"Walang anuman. Sige!" Maglalakad na dapat ako pabalik ng biglang nagsalita siya ulit.

"Teka miss! Anong pangalan mo?" Sabi niya. Nagulat naman ako sapagkat siya palang ang unang tao na tumawag sakin sa pangalan ko. Hindi agad ako nakasagot..

"Miss, may pangalan ka naman siguro diba?"

Natulala yata ako ah. -_-

"Ahh..... O-oo naman... K-k-kelly Allyce Mendez ang p-pangalan ko. Ikaw ba?" Pagtatanong ko. Gusto niya ba kong maging kaibigan? Pero bakit naman ako pa?

"Ahh, wag kang matakot. Di naman ako masamang tao eh. Hehe Ako naman pala si Alexa Maye Ubalde, nice to meet you!" Inabot niya yung kamay niya, inabot ko din yung akin at nag shakehands kami..

"N-nice to meet you too!" Mautal utal pa nga ko... kakahiya naman! -_-

"Lexy!? Nasan kana?" Boses yun nang isang lalaki. Pero parang ang lambot naman ng boses ng lalaking yun -_-

"Ayy, nandito ako ash!" pagkasabi niya nun ay may isang lalaking lumabas sa pagitan ng mga book shelters. Hindi naman to lalaki, Parang mas malambot pa siya sakin eh. -_-

"Ahm... kelly! Kaibigan ko nga pala si ash." Sabi ni Ms. Ubalde. Di kasi ako sanay na tumawag ng isang tao sa first name nito. Tsaka bakit kelly na ang tawag niya sakin? Di pa naman kami ganun kaclose sa isat isa ah. -_-

"Hello miss......?"

"Kelly Allyce Mendez! New friend ko siya ash." Sabi ni Ms. Ubalde!

"Ahh, Stephen Ash Perer  nga pala ang name ko! Nice meeting you." Ngumiti naman siya bigla.
Ngumiti din ako at nakipag apir siya sakin. Haha parang ang saya naman kasama ng dalawang to. Parang gusto ko silang maging kaibigan ah? Bago sakin to.

"Sige mauna na muna kami. See you around nalang, kelly? Right?" Sabi ni Mr. Perer. Tumango ulit ako. At ngumiti narin.

Magkakaroon na ata ako nang kaibigan ngayon ah. Wow lang talaga! Pero wala naman silang sinabi eh. Kaya ayokong umasa. Masakit daw kasi yun eh.

Kriinnggg...~

Nagring na yung bell kaya tumayo nako at babalik na sa klase ng makasalubong ko ang pinsan ko. Oo may pinsan ako na dito rin sa school nato nag aaral at pares din kaming Grade10. Pero hindi kami ganon kaclose kasi hindi naman kami masyadong nagkakausap. Pero marami siyang kaibigan. Famous kasi siya, dahil isa siyang cheerleader. Magkaibang magkaiba kami. Ang pangalan niya ay Dani Ericka Alcantara. Magkaiba kami ng apelyido kasi sa Fathers side ko siya pinsan at ang mama niya ang kapatid ng papa ko. Kaya hindi halata na mag kamaganak kami.

Hindi niya ko pinansin, nagkabanggaan pa nga kami eh.. pero hindi manlang siya nagsorry o kahit tumingin. Kaya hinayaan ko nalang.

Dumiretso na ko sa klase ko, habang naglalakad ako papunta sa upuan ko ay pakiramdam ko may nag mamasid sakin. Pero hindi ko nalang pinansin at nagdiretso nalang ako sa upuan ko.

Abangan....

Hello readers! Kindly leave yoyr comments sa comment box syempre. And para sa mga silent readers jan, kindly vote the story nalang. Salamat :)

-ⓦⓐ†ⓔⓡ.ⓛⓛyⓛⓛy

Life of a TEEN AGER (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon