Chapter2-She's Interesting.

3 0 0
                                    

Lory's SALOOBIN

Papunta kami ngayon, ni ashie, sa room namin. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung babaeng nakilala ko kanina.. feeling ko kasi matagal ko na siyang kilala. Pakiramdam ko may something sakanya na interesado ako. Nako! Ito na naman ang mga stress ko... bawal pa naman..lalo na ngayon dahil may party kaming pupuntahan bukas ni ashie, baka lumabas ang mga sumpa ko sa mukha. Huhu

*toink*

Aww! Huhu

"Hoy, bruha! Kanina pa kita kinakausap. Wala ka namang nirereact jan! Nakakalurkey ka!" ansakit binatukan ako ni ash. Pero imbis na umiyak ako, eh natatawa nalang ako ngayon. Paano ba naman kasi.. habang nagsasalita siya may kasamang ekspresyon sa mukha at paggalaw ng buong katawan niya! Haha.. hahaha...haha Ang sakit lang sa tiyan eh! Bwahaha.. hahaha

"At nagagawa mo pang tumawa? Nang aano ka eh noh? Haa?" Nag ala babalu naman siya ngayon sa pananalita! Wahaha..haha..hahaha

"Ikaw... haha..kasi haha.. Kung.. hahaha.. nakikita... ha..mulang ang mukha hahahah... mo hahaha!" *pak* At ayun. Hinahampas ko na siya sa balikat ngayon sa kakatawa ko. Haha

Kriinngg~

"Waaaah! Bell na. Huhu" napatili nalang ako pagkatapos mag bell. Tumingin sakin si Ashton.. biglang lumaki ang mga mata niya na wari mo'y nagulat. Hinawakan niya ko sa noo, maging saking leeg.

"Yan kasi ang sinabi ko sayo! Dapat talaga lumapang tayis kaninang recess. Ta'mo ngayon, nababaliw ka na naman! Amp." Naglip bite pa siya. Siguro nga dahil to sa hindi ako nakakain.. pero kasi.. huhu! Kailangan ko pang sagutan yung Assignment ko sa Trigo. Pero dahil nagring na ang bell, malamang nauna na dun si Ma'am Espinosa.. ang sungit pa naman nun! -_-

Kelly's SALOOBIN~

Wala namang kakaibang nangyari. Nag announce lang si Misis Buenaventura.. at sa kamalas malasan.. hindi ako ililipat ng section -_- Nakakainis, gusto ko nang makaalis sa section na to.. kasi naman yung teacher kong yan.. nadadaan ang mga honor sa SULSOL! >_< Kaya wala ako sa Honor Roll nung first grading.. •﹏•

----
Krinngg~ Kringggg~ Kringg~

Thanks god! Uwian na.. nakatatlong bell na kasi so It means makakalaya nako. Yey! Makikita ko na ulit sila mamay, papay, at pati narin si kuyay..

Nga pala! *face palm* Dadaan pa ko sa Student Council's Office. -_- Hanubayan! *-*

Sa Office~

*knock* *knock*

Pumasok nako sa loob. Nadatnan ko yung Candidate sa pagkaPresidente.. kaya binati ko siya!

"Good Afternoon ho Miss Alikante! Kanina pa ho ba kayo dito?"

"Hindi naman, Tsaka Nikki nalang ang itawag mo sakin. Ikaw si Kelly Allyce Mendez ng Grade10-Madrid, diba?" Nakakabigla naman tong si Miss President. Bakit kaya kilala niya ko? Hindi naman kami close. Atsaka parang ang bait niya o baka naman nagpapakitang tao lang siya para sa darating na eleksyon? Pero... hindi naman ako boboto kasi kabilang ako sa comelec! Napakamot nalang ako ng ulo sa narealize ko.

"Okay. Ahh.. sige! Mauna na ko, baka kasi nanjan na yung sundo ko eh. Till we meet nalang!" Pagpapaalam ko. Ayoko nang mahabang usapan eh.. tsaka medyo naiilang pa ko sakanya eh.

"Bye! Ingat ka kelly ah." At nag waved na siya as a sign of good bye.

"Bye din! Ingat ka din ah, Miss Nikki Alikante." Ihahakbang ko na dapat ang mga paa ko nang bigla siyang nag salita pa ulit...

"Wag na yung Miss! Nikki nalang, masyado ka namang pormal niyan eh." sabi niya na ikinatuwa ko naman.

"Ahh, okay nikki! Sige, alis nako!" Sabi ko at tuluyan na kong naglakad patungo sa tapat ng gate.

Nang biglang nagvibrate yung phone ko. *bzzt* *bzzt* Nakasilent mode pala yung phone ko, nakalimutan kong lagyan ng sounds.
Binasa ko yung text message...

From:Mamay Ko♥

    Bunsoy, nasa trabaho pa anq papay mo.. Ma2yanq qabi pa siya u2wi... Maqcommute knalnq ah.... Inqat sa paquwi! Luv U....

Natawa nalang ako nang mabasa ko yung text nang mamay ko. Haha Jeje eh! Hahahaha

To:Mamay Ko♥

    Opo, may! Pauwi napo. May.... wag ka masyadong jejemon sa pagtetext ah. Daig mo pa po kasi ako sa pagiging teen ager eh. Haha Joke lang po! I Love You May.

Nasend ko na yung text message. Nagsimula nakong maglakad... hindi pa ko nakakalayo ng school nang may nakasalubong akong dalawang pamilyar na mukha..

Ash's SALOOBIN~

Naglalakad kami nang mga kaibigan ko... nang bigla kong napansin si kelly na magisang naglalakad. Hindi naman siya mukhang malungkot...kasi nakangiti siya!

Tinawag ko siya..

"Kelly!"

Agad naman siyang lumingon.. at nag wave as a sign of hi! Nagwave din ako sakanya.. tiningnan ko naman si loreng, aba'y parang walang nakita ang gaga. Haha Sinabunutan ko siya at tumingin naman siya sakin..

"Bakit, bakla?!" Aww. Tinawag akong bakla? Eh mas mukha pa nga kong babae sakanya. Haha

"Si kelly oh! Ano walang balak lapitan?" Sabi ko sabay nguso sa direksyon ni kelly.

"Huh?" Tumingin siya sa direksyong tinuro ko at agad siyang napangiti... tingnan mo tong babaeng to, mukhang natutuwa siya kay kelly!

Kelly's~

Pagkakita sakin ni lory ay agad siyang ngumiti... ngumiti rin ako pabalik sakanya. Nilapitan niya ko kasama ang mga kaibigan niya..ata? Ewan.

"Oh, kelly? Bakit magisa kalang? Tsaka kamusta ka nga pala?" Habang pinipisil niya yung balikat ko. Aww -_-

"Ahm.. pauwi na talaga kasi ako eh. Eh kayo san ba kayo tutungo?" Sabi ko sabay tingin sa mga kasama niya na nakangiti sakin.

"Ayy, magoover night kasi kami sa bahay nang kaibigan kong si Dani.. wanna join?" Dani? Pinsan ko yun ah. So, dun lang sila sa tapat ng bahay mag ssleep over? Tsaka bakit di ko naman napansin yung pinsan ko dito... baka naman nandun siya sa bahay nila naghihintay! Baka nga..

"Si Dani Ericka Alcantara ba ang tinutukoy mo?" Pagtatanong ko..

"Oo.."
"Paano mo naman siya nakilala?" Dagdag pa niya..

"Ahm.. pinsan ko kasi siya!.... Edi sa tapat lang pala ng bahay namin kayo mag iisleep over?" Paguusisa ko ulit..

"Wow! Magpinsan pala kayo ni Dani... How interesting naman. Kaya pala ang gaan ng loob ko sayo! Pinsan mo pala kasi yung best friend ko.." siniko pa ako ni lory..

"Kung ganon, pwede ka palang makijoin samin eh... papaalam nalang kita sa parents mo okay?" Dagdag niya pa.. Parang gusto kong makaranas nang ganon.. kaya lang hindi maaari kasi hindi pwedeng malaman ng mga tao yung sikreto ni dani.. lagot ako nasabi ko kay lory! Pero kaya namang pagtakpan ni dani yun eh, dahil isa siyang magaling na aktress sa paaralan namin.

————

Hello, enjoy reading! Love lots..

Life of a TEEN AGER (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon